Chapter Ten: I'll fix this.

24 2 2
                                    

Kinagabihan, kinakausap nina Sarah at Joseph si Chester. Nagtataka sila sa naging reaksyon ni Chester kanina. Nakita na lamang nila na namomroblema si Chester, na halos hindi alam kung ano ang sasabihin kay Paul.

Anak, hindi namin alam kung tama ba na tanungin ito sa iyo ngayon, pero bakit ganun na lamang ang reaksyon mo kanina? Hindi ka ba masaya para kay Paul? Tanong ni Sarah.

Tumingin si Chester, at nakita nilang pagang-paga ang mga mata nito.

Anak, umiyak ka ba? Anong nangyari? Tanong ni Sarah.

Walang ano-ano ay bigla na lamang umiyak si Chester sa harapan nila.

I'm sorry po. Top 2 lang ako ngayon. Tsaka, muntik nang maging kami ni Paul. Siya po yung taong nagugustuhan ko. Nagtalo po kami kanina kasi hindi ko matanggap na Top 2 lang ako sa kanya. Pag-aamin ni Chester. Niyakap siya ni Sarah.

Anak, ilang beses ba namin sasabihin sayo na kahit na mag top 9 ka lang, o kaya nga kahit wala ka sa top students, ayos lang kami doon. Ang mahalaga, pinapahalagahan mo ang bawat barya na kinakayod namin ng tatay mo para mapag-aral ka namin. At si Paul, jusko. Kung sinabi mo kaagad sa akin na siya yung nagugustuhan mo, baka pasalamatan ka pa namin ng nanay niya. Botong-boto ako sa kanya, nak. Sabi ni Sarah.

Chester, yet again, had a sudden realization. Bakit nga ba niya pinepressure ang sarili niya to be at his best, at the risk of losing the person he loves the most? Bakit hindi niya kayang maging masaya para sa tagumpay ni Paul? He loves him, so much that he cannot risk being away from him. Kailangan niyang itama ang mga mali niya, at humingi ng isa pang chance kay Paul.

Habang binubuksan niya ulit ang phone niya, magsesend siya ng DM kay Paul. Ngunit, inunfollow siya ni Paul sa Twitter. Next resort, tawagan ang phone ni Paul. No answer. Last chance, text. Isang mahabang text at isang sweet message. Baka sakaling madaan niya doon.

Message sent, 8:35 pm. Usually, mabilis magreply si Paul sa kanya. Today, it was different. 8:55 pm, still no reply. Nababahala na si Chester kaya't inulan niya si Paul ng "Paul" na text.

9:05 pm. Nagreply si Paul.

"Please don't disturb me. Hindi ko kailangan ang lambing mo."

Biglang nag-chat sa kanya sila Thea at Jasmine.

"Chester, what you did earlier to Paul was unacceptable. How could you?! Hindi mo man lang inisip yung kapakanan ni Paul, at iniisip mo lang pala, ay yung pangarap mo. That's so selfish. Please, grow up."  Sabi ni Thea.

"Chester, I knew na yung nasabi ko yung isa sa nagspark sayo ng mga thoughts mo. But think of it as this, talagang kaya mong ipagpalit yung mayroon kayo ni Paul over your ambition? Akala ko ba mahal mo talaga siya? 'Bat ang labo mo?" Sabi ni Jasmine.

To his defense, agad-agad tinawagan ni Chester si Paul. After 10 unsuccessful attempts, sinagot na ni Paul ang tawag ni Chester.

Mamamatay ka ba kung hindi ko sasagutin yung tawag mo? Sabi ni Paul.

Let me fix this. I'm sorry, Paul. Na-sobrahan ako sa pag-iisip. Sa pagiging perfectionist. Akala ko kasi, baka gumuho lahat ng pinlano ko para sa sarili ko pag bumaba ako ng ranking. Sabi ni Chester.

What makes you think na hahayaan kitang hindi marating yung pangarap mo? I know you want to go to a premiere university in College. I know you have so much in store for your dreams, pero ni minsan ba, sumama ako sa mga plano mo sa buhay? Sabi ni Paul.

Of course! You were one of the rarest occassions na nagkakatotoo lahat ng pinapangarap ko lang dati. I have you already. Sabi ni Chester.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon