Chapter Two: Threat.

93 2 2
                                    

Kinagabihan, habang abala ang lahat sa pag-handa sa pagtulog, buhay ang "Second Year Matitino" group chat, na ang mga members ay sina Dominic, Luis, at Chester.

Aba, pakitang-gilas yung bagong lipat na 'yun ha. Sabi ni Dominic. Na-seen kaagad ni Luis.

Ano bang kayang patunayan nun? Stinalk na nina Elisse, Rhea at Michael yung social media ni Paul eh. Wala naman silang sinasabi pa tungkol sa kanya. Sabi ni Luis. Nag-haha react si Dominic, at himala, nag-online na si Chester.

Uy buhay na si Mr. Whitterman 2020! Loverboy Chester, welcome back to life! Sabi ni Dominic. Nag-haha react si Chester.

Ang tipid ng reply? Busy ka ba? Sabi ni Luis.

Hindi. Mukhang mabait naman si Paul ha. Parang kayo dati. Sabi ni Chester, nag angry react sina Luis at Dominic.

Siraulo! Hindi kami nagpabida kaagad nung nakilala mo kami 'no! Eh yun ang angas kaagad. Sabi ni Dominic.

Aba, bakit naman parang galit na galit ka sa kanya? Bukas tabi kayo sakin, sige. Tantanan niyo yung tao. Sabi ni Chester.

Hindi na pinansin ni Chester ang susunod na reply sa group chat nila dahil nadatnan niya sa feed niya ang facebook profile ni Paul. Tinignan niya ang laman nito, at nalaman niyang may sideline si Paul na photographer, at may mga bigatin na siyang naging kliyente, sa murang edad niya. Nagulat siya nang nalaman din niyang may babaeng lagi siyang kasama sa mga picture na naka-tag sa kanya.

Tinignan niyang mabuti ang comments, hanggang sa umabot siya sa profile ni Tiffany. Invested much, Chester?

Natigil si Chester nang madami nang nagcchat sa kanya, dahil na-sali na din siya sa group chat na "8- Proton NAGIISA" at halos laman ng usapan nila ay tungkol din kay Paul. Kinausap siya ni Thea upang tulungan siyang alamin ang facebook ni Paul at i-text din siya na sumali sa group chat ng class nila.

Thea: Chester! Pa-text naman si Paul na sumali sa group chat natin.

Thea: Ay sorry, may number ka ba nun? Nakuha mo sa student's corner?

Chester: Oo haha. Sige.

Agad-agad ay tinext na ni Chester si Paul. Hindi mapigilan ni Chester mapangiti pag nababanggit sa kanya si Paul. Uy ano 'to, Chester??

Pagtapos itext ni Chester si Paul, ay naghintay siya na sagutin siya nito. Pero, 9:45 pm na pala, kaya mukhang hindi na gising si Paul. Tinext nalang niya ang ate Ezra niya.

Chester: Ate ez, may tanong ako.

Ezra: Yes, bb?

Chester: Normal po bang kiligin kahit sa mga maliliit na bagay tungkol sa isang tao?

Ezra: Mhm, bakit mo natanong?

Chester: Wala lang. Nadadama ko siya kanina eh.

Ezra: In-love na ba ang bebe boy namin?? Guys or Girls?

Chester: Alam mo??

Ezra: Sa maling tao ka pa mag-rremove message ha. Nabasa ko bago mo i-remove. Tanggap kita, kahit anong gender preference mo. Maiintindihan nina Tita 'yan. Tsaka parehas tayong bisexual, 'no. It's much better to understand someone who has the same situation as you.

Chester: Love you, ate. So eto nga, feeling ko nagugustuhan ko yung bagong lipat sa school namin. Pero I'm trying to fight it. Hindi ko alam.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon