Chapter Thirteen: For real.

18 2 5
                                    

Natapos ang pag-uusap nina Chester at Ezra, at dali-daling lumapit si Chester kay Paul upang sabihin na kailangan na niyang umuwi.

Dumating na si Ate Ezra galing sa Belgium. Can we talk about this again, in some other time? Sabi ni Chester.

Agad-agad namang tumango si Paul, nabahala din siya sa biglaang paguwi ni Ezra, dahil wala ito sa nakwento sa kanya ni Chester na napag-usapan nila.

Oh my gosh! Bakit anong rason at biglaan siyang umuwi? S-sige sige. Mag-aayos na din ako ng mga gamit ko dahil magkikita kami ni Tiffany bukas. Sagot ni Paul. Dali-dali silang umalis sa mall upang makahanap kaagad ng sakay pauwi.

Kinagabihan, sa bahay nina Chester. Agad-agad siyang sinalubong ni Ezra dahil matagal na noong huli silang nagkita nito.

Baby boy!! Miss na miss ka ni Ate Ezra!! Sabi ni Ezra, as she reaches for a hug. Niyakap naman siya kaagad ni Chester.

Ate Ezra, napaaga ang uwi mo? Sabi ni Chester. Natuwa si Ezra sa reaksyon ni Chester.

Hindi mo pa siguro talaga alam. I'm working again here! Dito ako nilocate ng boss ko sa Belgium. Nagkaron ng headquarters dito yung office ko doon. Kaya pwedeng-pwede na akong mang-istorbo dito paminsan-minsan! Sabi ni Ezra. Natuwa si Chester sa nalaman niya, dahil si Ezra ang pinaka-unang taong pinagkakatiwalaan niya.

Iniwan muna nina Sarah at Joseph sila Chester at Ezra upang makapag-usap ng masinsinan. Nilabas ni Ezra ang magic talking stick kay Chester.

Alam mo 'to ate? Tanong ni Chester, habang hawak-hawak ang stick.

Tumango si Ezra. Nagsimula nang magkwento si Chester habang hawak-hawak niya ang stick.

So, ganito. Dating na kami ni Paul, yung sinabi ko sayong transferee student na crush ko since first day ng classes. Akala ko nung isang beses maghihiwalay na kami kasi nasabihan ko siya ng masasakit na salita, kasi naging Top 2 ako sa class namin, at siya yung naging Top 1. Sabi ni Chester. Kinuha ni Ezra ang stick.

Binatukan niya si Chester bago magsalita.

Baliw ka talaga! Bakit mo naman ginawa 'yun sa kanya. Dapat nagtutulungan kayo, hindi yung gagawin mo siyang harang sa mga pangarap mo. On the other hand, I'm so happy dahil finally! You are now madly in love with someone who likes you as badly as you like him. Deserve mo 'yun, after that painful ending with that girl Patricia. Are you still friends? Tanong ni Ezra. Kinuha ni Chester ang stick.

We are friends. Ka-team namin siya ni Paul sa Quiz Bee, representatives kami ng Whitterman. Siya yung naging eye-opener ko para mas maging totoo ako sa nararamdaman ko kay Paul. Actually bago ka tumawag kanina, magkasama kami ni Paul sa mall. Tinanong na niya ako kung willing ba ako na maging boyfriend niya. Sabi ni Chester. Agad-agad kinuha ni Ezra yung stick.

Oh my God! I'm so sorry kung naistorbo ko kayo sa moment na 'yun. So, did you answer him after? Tanong ni Ezra. Kinuha muli ni Chester ang stick.

Honestly, hindi pa. Pero kung sasagutin ko siya sa moment na 'yun, parang hindi pa siya totoo para sakin. Gusto ko yung mananalo kami sa Quiz Bee, tapos saka ko siya sasagutin. What a concept, diba? Sabi ni Chester. Kinuha ni Ezra ang stick, at nagsabi na siya ng huling unfiltered thoughts niya.

Alam mo, tama 'yan. It pays to wait, especially if that person is worth the wait. You both started on a rough, rocky road. You both deserve a perfect moment to share with. Sasama ako sa quiz bee ninyo ha. I want to see you guys win, and to see you become an official couple. Promise mo 'yan sa akin. Sabi ni Ezra, at itinaas niya ang kanyang pinky finger.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon