Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[A/N. Heyy guysss.. FYI lang kapatid ko yang nasa pic sa taas hahahahaha. Pagpasensyahan niyoo naa puhh. HAHAHAHAHA. pero btw enjoy reading guysss♡] ○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●
Alexander's POV
'Gising na anak, malalate ka na.', pag gising sa akin ni papa.
'Opo babangon na po.', sabi ko na lang. At bumangon na rin ako at pagkatingin ko ay di pa naman ako late hayssss si papa talaga lagi nila akong gising nang kapatid ko tas sasabihin nilang late na para bumangon na agad ako. At ito nga pagbangon ko ay pumasok na ako sa banyo para maligo.
At pagkatapos maligo ay bumaba na rin ako para kumain ng almusal.
'Pa alis na po ako', pag papaalam ko kay papa. At umalis na rin ako at habang naglalakad ay naalala ko na naman yung sayaw namin ni Wystan. Ano kayang magyayari dun.
At matapos ang ilang minuto ay nakapasok na rin ako sa room namin.
'Hello guys', sabi ko sa kanila.
'Hello dinn', sabi naman nila.
At naupo na agad ako sa aking upuan. At matapos pa ang ilang minuto ay nagbell na rin kaya nagflag ceremony muna at ng matapos ay nagsibalikan na rin kami sa loob ng room.
'Good Morning Class', bati ni sir samin.
'Good Morning Sir', bati naman namin.
'So bago ako magstart sa discussion ko ay babaguhin ko ang seating plan niyo. So kung sino ang kapartner niyo sa sayaw ay sila muna ang makakatabi niyo. So lumipat na muna kayo.', ani ni sir samin. At nagsilipatan na rin sila at ito namang si Wystan tuwang-tuwa hayy nakooo.
'Babe', tawag sakin ni Wystan.
Pero di ko siya ni lingon kasi puro ka harutan lang din naman ang sasabihin niya.
'Babe pansinin mo naman ako', sabi ulit niya.
'Ano ba yun Wystan kung kalokohan at kababuyan lang yan wag na.', naiirita kong sabi.
'Wag na nga lang', sabi naman nito. At mukhang nadismaya..
Hay sabi na nga ba eh. At di ko na ulit siya pinansin at nakinig na lang sa mga lesson samin.
At matapos ang klase ay lumabas na kaagad kami at magpunta sa canteen. At ito namang si Wystan ay sumabay pa samin.
'Babe anong kakainin mo', sabi naman nito at siya na daw ang bibili.
'Ikaw', sabi ko naman at nagulat ako nang biglang natahimik yung mga kasama ko.
'O bakit kayo natahimik.?',tanong ko at napaisip kung may mali ba sa nasabi ko..