~《13》~

20 4 1
                                    

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

[Chapter 13]

Alexander's POV

'Sabado na naman hayyst ako na naman ang nandito lang sa bahay', sabi ko sa isip ko habang nakahiga pa rin. Nakakabagot naman kasi walang magawa.

At habang nagiisip ako ng gagawin ay bigla tumunog yung phone ko at nakita kong nagtext si Wystan.

'Punta ka samin magpractice tayo.♡'

At nang mabasa ko iyon ay naligo na agad ako at nagbihis dahil wala rin naman akong kasama ay magpapractice na lang kami..

At nang makarating na ako ay pinapasok na rin agad ako kasi kilala na rin naman ako ng mga tao rito.

'Ate si Wystan po?', tanong ko sa isang maid.

'Sir Alex nasa kwarto niya po.', sagot naman niya.

'Ah sige po salamat', sabi ko naman at agad na akong nagpunta sa kwarto niya. At bago pa ako pumasok ay may narinig akong ingay parang ungol ata.

At dahil sa nacurious masyado ako ay dahan dahan ko pa itong binuksan at nang makita ko ay si Wystan pala nag aano. Alam niyo na yun at dahil sa bigla ko ay nabuksan ko yung pinto ng malakas at nagulat naman ito at biglang sinara yung laptop niya at inayos ang sarili.

At dahil nataranta ako ay agad na akong lumabas. At narinig ko naman na lumabas na si Wystan sa kwarto niya.

'Oh bat di ka pumasok sa kwarto??', tanong naman niya.

'Sa tingin mo ba papasok ako dun habang nag aano ka.', mataray kong sabi.

'Oo naman para tulungan ako.', nakangisi niyang sabi at kumindat pa ang ogag.

At inirapan ko na lang ito at umiling.

'Magpractice na nga lang tayo.', sabi ko na lang para maiba ang usapan.

'Sige wait lang', sabi niya naman. At ilang minuto lang ay bumalik na rin ito dala yung speaker na gagamitin namin. At nagsimula na nga kami.

At matapos ang ilang oras ay halos napeperfect na namin kasi nagpractice din naman ako sa bahay. Para hindi na rin kami mahirapan.

Ok na sana kaso itong si Wystan puro kaharutan na naman nung sa lip and hip na kung ano ano na namang kababuyan ang sinasabi.

'Sige pa Wystan mangbwesit ka pa.!!', gigil kong sabi.

'Hindi na sorry na po.', sabi naman nito at nagpacute.

At matapos pa ang ilang oras ay perfect na namin ang sayaw. Kaya nagpahinga na muna kami at nagtanghalian.

Naging tahimik naman ang pagkain namin at bigla namang dumating yung papa niya.

'Hello po Sir.', bati ko dito.
At ngitian lang ako ay umakyat na rin.

'Uhm. Wystan matanong ko lang bat halos laging ikaw ang nandito sa bahay niyo..?? ', tanong ko.

'Lagi kasing busy si dad and my mom wala na siya dito. Naghiwalay na sila ni dad nung bata pa lang ako.', malungkot niyang sabi at naguilty naman ako dahil tinanong ko pa.

'Sorry pala sa pagtatanong ko.', sabi ko naman.

'Wala yun.', nakangiti niyang sabi.
At nginitian ko na lang din siya.

'Wystan uwi na pala ako di rin kasi ako nakapagpaalam eh', ani ko kay Wystan.

'Sige hatid na kita.', ani naman niya.

Default Title - Write Your OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon