~《14》~

11 5 3
                                    


○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

[Chapter 14]

Alexander's POV

At dahil sa umuwi na rin naman na ang kupal ay napagisipan ko na mag online kasi lately di na rin ako masyadong active sa social media and para machat ko rin yung mga kaibigan ko. At nang mag online ako ay agad ko naman silang chinat sa group chat namin.

'Oh kamusta naman kayo mga bakla? Kamusta na yung mga sasayawin niyo?', chat ko sa kanila.

'Ito buhay pa naman.', sagot naman ni Georgina.

'Ok pa naman malapit na namin matapos ni Marga. Eh ikaw Alex kamusta naman kayo ni fafa Wystan', chat naman ni Shelley.

'Hay nako ewan ko ba dun laging umiiral yung kapilyuhan.', sagot ko

'Ok naman konting linis na lang.', chat naman ni Marga.

'Oh ikaw Portia buhay ka pa ba? hahahaha', chat naman ni Shelley.

'Oo nga kamusta naman kayo ni Slyvia gurl?', tanong ni Georgina.

'Hayy nako puro kaartehan ang alam kesyo mahirap daw ganto ganyan makaarte kala mo ang ganda niya. LIKE WHAT THE F.', chat naman ni Portia na halatang naiinis hahahaha.

'Ano bang kanta niyo?? Samin kasi ni Marga. Dalla dalla at Wannabe ng Itzy, syempre midzy here. HEHHEHE', chat ni Shelley.

'Samin Senorita, Good thing at Swalla ni Lisa.', sagot naman ni Portia.

'Ewan ko ba don sa bruhildang yun ang dali dali lang naman nun.', chat ulit ni Portia.

'Huwaw ah coming from you Portia ah sige aabangan ko talaga yang sayaw nyong yan hahahaha', chat naman ni Marga.

'Kayo Alex at Georgina anong kanta niyo??', char ulit ni Marga.

'Samin ni Zion, Closer', sagot ni Georgina.

'Samin Remix ng Ddu4, Monster, at Lip and Hip.', sagot ko naman.

'Goodluck satin bukas..', chat ko ulit.

'Goodluck guys', chat naman ni Portia.

At pagkatapos nun ay nagchat na lang kami ng kung ano ano katulad nung sa lablafy ni Shelley at ni Marga.
Hayyy dalaga na talaga KAMI este sila pala hahahahaha.

At nang matapos kaming magchat ay naisipan ko na munang gumala sa amin kasi di na rin ako masyadong nakakagala dito samin kaya ayun kung kanino kaninong bahay ako nagpupupunta.
At nang magtanghali na ay naisipan ko nang umuwi.

'Oh Anak kain na tayo', sabi sakin ni papa pagkapasok ko nang bahay. Nakapag luto na pala agad si papa.

'Tawagin mo na rin yung kapatid mo.', dagdag niyang sabi. Kaya umakyat na ako para tawagin yung kapatid ko at bumaba na rin agad ako.

At matapos kaming kumain ay inayos ko na yung pinagkainan at inurungan ito.

Wystan's POV

'Shemayy di ko talaga akalain na papayag si Tito (tatay ni Alex) na ligawan ko si Alex. Alam ko na iniisip ni Alex na biro lang yun pero pwes sakin hindi, tototohanin ko na talaga. Liligawan ko na si Alex', sabi ko sa isip ko.
At dahil sa mga nangyari ay di ko na maalis sa mukha ko yung ngiti. Kahit pa na hindi pa kami ni Alex. Alam kong magiging kami din.

Slyvia's POV

'Nakakainis talaga yang Portia B*tch na yan.', naiinis kong sabi kay Shylock.

'Bakit naman ha?', tanong naman nito sakin.

'E kasi naman sabihan ba naman ako na ang arte arte ko daw. E sa mahirap yung sayaw eh.', irita kong sabi.

'Hayy nakoo Slyvia. I told you before don't waste your time on her. Magfocus ka na lang bukas na yun.', mahinahon na sabi naman nito. Tama nga siya dapat di ko na pinag aaksayahan pa ng panahon yung Portia B*tch na yun. Dapat ang paghandaan ko yung laban namin ni Alex baklita..

Alexander's POV

At nang matapos ako sa paguurong ay agad naman na akong umakyat sa kwarto at agad na rin akong dinalaw ng antok. At matapos ang ilang oras ay nagising ako dahil sa ingay sa baba at agad na rin akong bumangon para tignan kung sino ba yung maingay sa baba. At nang pagbaba ko nagulat ako nang makita ko si Wystan at si Papa na nagtatawanan.

'Bat ka nandito??', tanong ko dito.

'Ahh eh may ibibi-',di na natuloy ni Wystan yung sasabihin niya nang magsalita si papa.

'May ibibigay siya sayo anak.', masayang sabi nito.

'Ano naman yun kupal.', medyo irita kong sabi.

At inabot niya naman sakin ang chocolates at isang bouquet of flowers.

'Oh para san naman to.?', medyo irita kong tanong. Para di mahalatang kinikilig ako kasi naman first time na may magbigay sakin nang ganon.

'Di ba sabi ko sayo liligawan kita.', nakangiti nitong sabi.

'Seryoso ka ba talaga??', tanong ko ulit dito.
Pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na agad si papa.

'Ah sige iwan ko muna kayo jan.', sabi ni papa sabay alis.

'Oh ano seryoso ka ba talaga. Kasi kung nakikipaglaro ka lang itigil mo na...', seryoso kong sabi.

'Oo seryoso ako sayo alex. Mahal kita mahal na mahal. Kaya please sana hayaan mo muna akong ligawan ka at patunayan kung gaano kita kamahal.', seryosong sabi naman nito. At ewan ko ba medyo kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon.

'Okay sige pumapayag ako na ligawan mo ako PERO di ko masisigurado sayo na sasagutin kita kasi you know may iba pang lalaking may gusto sakin di lang ikaw.', sabi ko dito sabay ngiti na nakapag aasar.

At ngumiti naman ito nang sobrang laki. At bigla akong niyakap.

'Thank you Alex sinisigurado ko sayong magiging jowa mo ko at magiging jowa kita..', bulong niya sa tenga ko.

'O sige uwi na ako. Yan lang talaga yung pinunta ko dito eh. Hehehehe', nahihiya niyang sabi.

'O sige ingat ka ha.', sabi ko naman dito.

At nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisnge na ikinapula ako.

'Sige na Bye babe. Goodluck satin sa sayaw bukas', sabi nito at patakbong lumabas. Hayy nako tong Wystan talaga nato kahit kailan.

At nang umalis na si Wystan ay bumalik na muna ako sa kwarto.

'Shettaa totoo ba to liligawan ako ni Wystan.', sabi ko sa isip ko at nagpagulong gulong sa kama. Pero wait paano si Blake alam kong may gusto siya sakin. Sino ba dapat kong piliin si Wystan ba na laging nang iinis sakin at bigla nalang akong niligawan o si Blake na naging mabuti sakin at inamin na mahal niya rin ako. Hayyy di ko na alam. Mabuti pa siguro itulog ko na lang ulit ito at maghanda para bukas.

END OF CHAPTER 14.
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

Don't forget to vote and comment!♡
.
.
.
.
.
.
.
.
~celèstial🌟

Default Title - Write Your OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon