Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 19]
Alexander's POV
Dahil nga sa nangyari kahapon ay hindi ko muna pinapansin si Wystan kasi naman bigla biglang nanghahatak tapos napakawalang kwenta ng rason kesyo nagseselos daw siya. WAIT what if totoo nga yun. Aishh. Ay basta galit ako.
'O bat ang lungkot mo naman jan ha?', tanong sakin ni Portia.
'E kase naman si Wystan nanggulo sa date namin ni Blake.', medyo naiinis na turan ko.
'What happen ba?', tanong naman ni Shelley.
'Ganto kasi kahapon dumating si Blake sa bahay para sunduin ako tapos na late pa ako kasi nakatulog ako. So nung pumunta sya akala nya nakaprepare na ako kaso hindi so ang ginawa ko naligo at nag ayos kaagad ako tapos nung paalis na kami bago ako makasakay sa kotse nya nakakita ako ng kotse sa gilid ng bahay namin medyo malayo pero matatanaw mo parin. Tapos ayun na nga dinala ako ni Blake sa celebes sea at don kami nagdate. Kasi nalaman niya daw na mahilig ako sa tubig or what so ever basta. Tapos ayun ng kwentuhan kami ng kung ano-ano tapos pagtapos nun naglakad kami tapos nung balak akong ikiss ni Blake bigla namang dumating si Wystan at hinatak ako. At pinilit ako umuwi at wala naman akong nagawa kaya nung nasa byahe na kami tinanong ko siya kung bakit nya ba ako pinipilit na iuwi tapos sabi niya nagseselos daw kasi sya.', mahabang kwento ko sa kanila.
'OMG. So it means that may gusto sayo si Baby Wystan....', medj oa na sabi ni Portia.
'Kasi sa totoo lang umamin na sakin si Wystan e. Naliligawan niya daw ako pero ayoko namang maniwala kasi you know..', sabi ko sa kanila.
'E paano kung meron nga talaga siyang gusto sayo?', tanong naman ni Georgina.
'Ayy ewan', nasagot ko na lang. At dumating na nga ang teacher namin pagtapos ng usapan namin.
At matapos ang ilang oras ng pakikinig at pag aaral ay ngayon ay uwian na at napagpasyahan namin, nila pala na tumambay samin dahil may ichichika din daw si Marga. At dahil sa nacurious kami kaya ayun pupunta na kami sa bahay.
At nang makarating kami sa bahay agad na sumalubong sa amin si papa.
'O anak anjan ka na pala. O kasama mo pala yang mga kaibigan mo.', sabi ni papa.
'Ah opo pa may pag uusapan po kasi kami.', sabi ko at ngitian na lang siya at umakyat na kami sa kwarto.
At pag akyat namin ay binaba ko na agad ang gamit ko at nagbihis na sa loob ng cr. At pagbalik ko sa kwarto nakita ko na yung mga kaibigan ko kumakain ng banana cue.