[Chapter 7]
Lee Chaeyeon as Portia Andres
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●
Alexander's POV
'Alex yung totoo sino ba talaga si Wystan o si Blake??', diretsong tanong sakin ni Marga. Btw nandito pala sila bahay ngayon kasi magoovernight daw sila tutal saturday naman ngayon.
'Oo nga Alex sino ba??', dugtong na tanong naman ni Shelley.
'Di ko rin alam eh. Una may crush ako kay Blake tapos biglang sumungit tong si Wystan tas iba yung impact niya eh. Ay bastaa ewaann', sagot ko naman sa kanila. Sa totoo lang kasi di ko rin naman talaga alam. Yung feelings ko kay Blake biglang nawala dahil kay Wystan. Haystttt
'Ok, lang yan sis i feel you. Ang hirap talagang mamili ka pag maraming nakapalibot na boys.', sabi ni Portia na akala mo talaga may jowa eh.
'WOW AH. COMING FROM YOUUU..', sobrang exaggerated na sabi ni Shelley.
'Di hamak naman na mas may chance pang magkajowa si Georgina kesa sayo.', sabi nito kay Portia at inirapan lang siya nito.
'Tumigil nga kayong dalawa. Napaka kulit niyo talaga.', sabi naman ni Marga na halatang naiinis.
'Sis kalma tayo.', sabi ko naman. Ewan ko ba dun andaling mabadtrip.
'E ikaw ba Shelley ok na ba kayo ni Ben.', tanong ko na lang para maiba. Hahaha.
'Oo nagusap na kami. Buti na lang talaga kinausap ni Marga. Ayun kaibigan lang pala.', nahihiyang sabi nito.
'Ang oa mo kasi minsan eh.', sabi naman ni Portia.
'Wow ah nahiya naman ako sayo sa pagiging Oa.', sabi naman ni Shelley.
'O ayan na naman kayo eh', sabi naman ni Georgina.
'Guys at dahil nasa usapang mga crush jowa di ba Marga sabi mo may crush ka yung Gr.11 ba yun?', biglang sabi ni Georgina na ipinagtaka namin. Bat siya lang ang may alam. Nako naglilihim na samin si Marga. Huhuhuhu.
'Ikaw talaga Georgina napakadaldal mo no.', naiinis na sabi ni Marga. At nagpeace sign na lang si Georgina bilang paghingi ng sorry.
'Marga at sino naman si Gr.11 ha??', nag aasar na tanong ni Shelley.
'Oo nga sino yun...', sabay naming sabi ni Portia kaya napatawa kaming lahat.
'Ah-eh wa-wala yun', nauutal na sabi ni Marga. Sabi na eh may gusto talaga siya nauutal na eh.
'Nakoo Marga bat nauutal ka?', tanong naman ni Portia. At di na lang sumagot pa si Marga.
'Marga ok lang naman na magkwento ka samin ng mga ganong bagay. Papakinggan ka naman namin. ', sabi ko sa kanya at nginitian siya.
'Ok. Fine', sabi niya sabay buntong hiniga.
'Yung tinutukoy ni Georgina na Gr.11 si Joshua Marquez', sabi nito na halatang nahihiya.
'Ayy siya lang pala eh. WAIT TAMA BA AKO NG NARINIG SI JOSHUA MARQUEZ YUNG SOBRANG YABANG', sabi ni Portia ng napaka Oa. Di ko na talaga alam gagawin ko dito sa kaibigan kong to.
'Di naman talaga siya ganun kayabang eh.', pagdepensa naman ni Marga.
At sinang ayunan ko naman iyon. Kasi di ko naman lubos na kilala yun so bat ko siya ijujudge. Ganun dapat wag tayong mangjudge ng iba dahil lang sa kung ano yung kinukwento ng iba. Pwede naman kasing sinisiraan lang... kasi diba looks can be deceiving. So dapat di tayo magrely sa itsura para malaman natin kung mabuti o hindi ang isang tao. Ayun lang ang dami ko na namang sinabi hahahah.'So what now. Ano nang gagawin natin.', biglang tanong ni Georgina.
'Kain tayo', sabi naman ni Portia.
'Oo nga luto ka Alex bili.', sabi naman ni Shelley. Wow ah ako pa talaga. Pero dahil di naman ata marunong magluto tong mga to. So no choice kailangan kong magluto.
At nagpunta na nga kami ng kusina para magluto. At wala rin pala si papa ngayon kasi kinuha siyang driver so 2 araw siyang wala dito sa bahay. Yung kapatid ko naman ewan ko ba dun laging wala.
At dahil sa di ko naman alam kung anong lulutuin ko nagluto na lang ako ng adobo kasi yun ang specialty ko hahahaha. Bakit ba e sa masarap akong magluto nun eh. At nang matapos na nga akong magluto ay nagsikainan na kaming lima. Naging tahimik naman yung pagkain. At nang matapos na nga kaming kumain ay naghugas na muna ako ng pinagkainan. At sila andun sa sala nanunuod muna. At nang matapos na rin akong maghugas ayun nakinood na rin ako. At ang ganda nga nung palabas eh yung The Last Empress. Ang shala kasi nung story na yun. Kdrama rin kasi yun kaya maganda. At nang antukin na rin ako dahil sa gabi na rin naman na napagisipan na naming matulog na kinuha ko na lang yung foam ko at yung kay papa tas nilagay ko sa sala di naman kasi kami kasya sa kwarto kasi di naman yun kalakihan. Kaya yung apat dun na tulog ako sa sofa na lang.
~kinabukasan~
Nagising na lang bigla ako dahil sa sobrang lakas ng tunog ng alarm. Shemay naman sino ba yung nag alarm. At pagbangon ko nakita ko na rin yung mga kaibigan ko na nagising rin dahil sa alarm.
'Kanino bang alarm yun ha?', pagrereklamo ni Portia.
'Hehehe sorry akin', pag amin namin naman ni Marga.
At dahil sa wala na ring kaming magagawa gising na kami eh ayun nagluto na lang ako para makakakain na lang din kami ng almusal.
At kumuha na lang ako sa ref. Ng hotdog, bacon, itlog at pinirito ko na lang ito at nagsangag na lang din ako para masarap. At pagkatapos ko ngang magluto ay kumain na kaagad kami. At nang makakain nagpaalam na rin sila na uuwi na daw sila..
'Alex. Uwi na kami ah. Bukas na lang ulit.', sabi ni Portia habang kumakaway.
'Sige sigee mga siss ingattts.', sabi ko sa kanila bago sila maglakad na papalayo.
Hayst ako na naman ang magisa dito yung kapatid ko ewan ko di ata umuwi ka gabi.
At dahil sa ako lang naman ang nandito at wala rin naman akong gagawin ay natulog na lang din ulit ako.At pagkatapos ng ilang oras ay nagising na nga ako at pagkakita ko sa orasan pasado 1 o clock na pala. Napahaba pala yung tulog ko. At agad na akong bumaba at nakita ko nga ang kapatid ko dun nag naghahanda na.
'Ate san ka galing? Umuwi ka ba kagabi?', tanong ko dito.
'Sa kaibigan ko. Oo umuwi ako kagabi kaso late na. Oh kumain na muna tayo.', sabi niya. At naupo na nga kami at kumain.
At nang matapos yun napagpasyahan ko na lang na manood na lang sa youtube kasi wala rin naman akong gagawin. Bukas pa naman yung gala ko. Kaya yun nga nanood na lang ako ng BL series yung 2gether ang ganda kasi ng storyaa tas ang popogi pa nilaa shetaaaa. Sanaa all mayy Sarawattt. HAHAHAHA.
END OF CHAPTER 7.
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●Don't forget to vote and comment!♡
.
.
.
.
.
.
.
.
~celèstial🌟