HELLO READERS (kung meron pa ba)... I'M BACKK!!
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●
[Chapter 18]
Alexander's POV
Maaga akong nagising dahil siguro sa magiging date namin ni Blake kahit ba na hindi na ako ganoon ka attracted hindi ko rin namang kayang hindi kiligin sa kanya kasi naman teh ang pogi tapos napakabait pa diba. Sino ba namang hindi maiinlove don.
At dahil sa mamaya pa yun dahil dinner date yun kasi nagtext na sakin si Blake na susunduin niya na lang ako mamayang mga 7:30 ay napagisipan ko na lang na maglinis ng kwarto at nang buong bahay.
Blake's POV
'Shet ito na yun makakadate ko na si Alex kaso anong gagawin ko, anong sasabihin ko. Ayy shet naman', sabi ko sa isip ko habang pagulong gulong sa higaan. Dahil hindi ko talaga alam. Naplano ko naman na to kaso syempre kinakabahan pa rin ako. Paano kung hindi niya magustuhan. Paano kung napilitan lang siya. Paano kung... ayaw niya nasakin... erase erase hindi dapat ako maging nega dapat positive lang...
'Alam ko na.. Para sure na magustuhan niya magtatanong ako kay mommy' at dahil sa naisip kong yon ay bumaba na ako at nagpunta kay mommy.
'Mom', tawag ko dito.
'Bakit anak?', tanong naman ni mommy.
'Magtatanong lang po sana ako sa inyo.. Sa tingin niyo po ba magugustuhan ni Alex yung naplano ko pong date namin', saad ko.
'Ano ba yung naplano mo??', tanong ulit ni mommy.
Alexander's POV
'hayy buhay kahit kailan talaga bwesit tong Wystan na toooo.', sabi ko sa isip ko habang tinitignan ang sanhi ng pagkabwesit ko.
'Oh bat ganyan ka makatingin poging pogi ka naman yata sakin..', sabi niya na ikinainis ko pa lalo.
'At ang kapal din talaga ng mukha mo. Fyi hindi ka pogi ok.. At kung pwede lang umalis ka dito sa kwarto ko dahil maglilinis pa ako.', inis kong sabi nito.
'AYOKO', madiin nyang sabi.
'At talaga naman!!', sigaw ko dito sabay kuha ng walis tambo at pinaghahampas ito.
'A-aray ko. Tama na..', sigaw naman ni kupal.
'Ano di ka pa aalis?!', mataray na tanong ko dito.
'Hindi..', matigas na sagot nito. Kaya tinignan ko ito ng masama.
'ISA.', sigaw ko.
'Dalawa?', sabi naman nito na lalong nagpadagdag sa inis ko. Bwesit talaga tong pastilan nato. Grrr
'O sige dahil ayaw mong umalis. Tatanungin kita bakit ka ba nandito ha aber?!', pagtataray ko pa ulit.
'Wala lang', sagot niya na ikinagulat ko.
'Ano?! Wala lang. So nambwebwesit ka lang ganon ha!!',
'Oo parang ganon na nga', sagot nya na ikinanganga ko. Seriously nangpunta siya dito para lang inisin ako. Tss. Unbelievable.
'Hay nako ewan ko sayo maka baba na nga lang.', inis na binitawan ko yung walis at padabog na bumaba.