The Almost Thing

40 1 1
                                    

hey ate Nicole anong oras na?

2nd period nun nung nag tanong ako ng oras nag aabang kasi ako ng recess gutom na ako e... ang sagot nya...

"its almost nine but almost is not enough"

para akong natauhan sa sagot nya tama sya almost is not enough  lahat ng almost ay hindi sapat kailangan parin ito makumpleto,mafulfill,kailangan masatisfy...

parang relasyon ko sa kanya dati... oo yung nakarelasyon ko hindi ko alam kung ano kami pero may special feeling ako para sa kanya at meron din sya para sakin... madalas kaming mag kasama we are almost a couple...

we are almost there...on top...

but....

he left me for another girl... a girl that is more beautiful than me with innocent face...

nakakapang hinayang diba?? malapit na e... muntik na mag karoon ng malinaw na sagot ang hindi ko alam... that Almost ...

napaisip ako na hindi ako nag iisa na nakadanas nun at marami kami...alam kong alam nyu yung feeling na malapit ng maging kayo tapos may biglang dadarating at hahadlangan ito...

alam nyu yung feeling na lahat sinasabi na ...

"bagay kayo"

pero hindi naman dun nasusukat yun kaya siguro umasa ako na makakarating kami sa tuktuk e dahil bagay kami pero hindi pa rin hanggang doon lang talaga kami sa almost yung hanggang palitan ng malalagkit na glances yung sabay nag rereview yung madalas mag katxt at pagpapalitan ng sweet na txt hanggang doon lang siguro kami SAYANG TALAGA ...

doon sa muntik maging kami... mahirap umasa at nakakapang hinayang ang naging pagod mo para marating ang tuktuk pero baka tadhana na talaga ang nag tigil sa pagod mo kaya pinaranas na lang sayo yung almost yung feeling na muntik...

muntik maging kami pero hindi na ako dapat manghinayang doon dahil hindi siguro sya yung para sakin at hindi ako yung para sa kanya ok na siguro ako doon sa almost...

kahit na almost lang yun may kumirot parin ang puso ko may impact parin ito sakin...masakit ding ipag palit kahit pseudo relationship lang yun para sa iba may sakit parin itong dala... kahit almost lang yun at tunay nakakapang hinayang walang magagawa iba kasi ang sabi ni tadhana e... iba ang idinikta nya...

"hindi kayo pero hahayaan ko kayong magkaroon ng something special pero mauudlot din ito"

yan siguro ang sabi ni tadhana... siguro ayaw na nya kaming masaktan sa darating naming pag hihiwalay kasi hindi kami yung nakatakda...

its almost there but almost is not enough...

tama nga naman nakakabitin ang almost para kang pinatikim ng masarap na pagkain pero isang kutsara lang hindi ka hinayaang mag pakabusog man lang hindi ka hinayaang maging tuluyang masaya...

siguro hindi sya yung mag pupuno ng kulang...

alam ko darating si the one para isave ako at samahan ako at para punuin ang kulang para isatisfy ako sa pag mamahal at saya na kailangan ko...

alam ko darating ka....

A/N:

thank you jo (messybananachips) sa pag babasa at pag vote... vote po pleaaaaasssseeeee :)

Is there FOREVER??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon