BiCass #3

6 4 0
                                        

Kabanata III: Whereabouts

Ng makarating kami sa condo ay dumiretso na ang dalawa sa unit nila. Kaya naman mag-isa ako ngayon sa unit ni Bea. Nag hugas ako ng katawan at mag luluto sana pero mukhang ubos na ang grocery ni Bea. Kaya napagdesisyunan ko na mag grocery muna. Pagkatapos ay nagluto ako ng pagkain ko, sinobrahan ko dahil baka umuwi si Bea. After that ay nagpahinga na ako.

Maganda ang condo ni Bea. Perfect for one lang sya. Pagpasok mo sa pintuan ay may shoe rack at umbrella rack sa tabi non. May mga pambahay na slippers doon sa shoe rack. Then bubungad sayo ang sala. May long sofa sya, yung pwedeng maging bed. Then may 50 inch samsung tv sya na nasa wall at may speaker din yun. Sa baba ng tv ay may drawer. May wifi rin ang gaga at may chandelier pa. Then mayron syang G-shape kitchen. Kumpleto ang mga gamit don.

Then may dalawang pintuan. Ang isa ay nasa kitchen habang ang isa ay nasa sala. Yung nasa kitchen ay bathroom. At yung isa ay kwarto. Maluwang ang kwarto dahil nasa taas ang kama. Sa baba nun ay may shelf. And may mirror pero alam kong closet yun. Mayroon din syang study table. At ang hagdan paakyat sa higaan niya ay may mga drawers. Double size bed ang higaan niya. May veranda rin ito at sound proof ang bawat condo dito. Pwede ng gumawa ng milagro dito. Kahit anong sigaw mo di maririnig ng kapit bahay. Diba? Bongga! Boylet nalang ang kulang.

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto habang nag-iisip kung anong mangyayari sa lunes hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil sa malakas na pag bagsak ng pintuan. Pag tingin ko sa wall clock ay alas tres na pala ng hapon.

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong nakita si Bea na makahiga sa sofa at nakapatong ang kaliwang braso sa may bandang mata niya. Nag lakad ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Kamusta reunion niyo ni ex mo?" Tanong ko. Pero nasamid ako dahil sa gulat ng bigla syang umupo. "Anong nangyari sayo?!" Natatawang tanong ko. Nagkalat ang maskara niya pati ang lipstick niya ay... parang napunasan?

"Waaaahhh!!!" Atungal niya at lumapit saakin ng nakabukas ang dalawang braso niya at umaambang yayakap saakin. At dahil nga nasa kusina ako ay kinuha ko ang kutsilyo at humarap sakanya ng may malaking ngiti sa labi. Napahinto naman sya at nag pout nalang at umupo sa may stool.

"Oh eh ano ngang nangyari?" Tanong ko habang nag titimpla ng juice.

"Ang lalaking yon!" Sabi niya at hinampas pa ang lamesa. "Sabihan ba naman ako ng papansin?! At gusto niyang makipagbalikan tapos kanina sa lang may kalampungan sya! Tapos kanina bago ako umalis, aba'y sinumpa ba naman ako na hindi na ako makakapag-asawa kung hindi sya ang magiging asawa ko?! Ha! Tignan niya lang. Sasagutin ko lahat ng manliligaw ko!" Napataas naman ang kilay ko sakanya.

"May manliligaw ka?" Puno ng pagdududang tanong ko sakanya. Napatingin sya saakin at nag-pout.

"Meron! Binasted ko nga lang." Sabi niya.

"Eh bakit naman ganyan ang hitsura mo?" Tanong ko ulit.

"Kasi kanina, nag kasagutan kami sa past namin. Tapos ako, hindi pa talaga nakakamove-on kaya ayun nag breakdown ako sa harap niya. Kasi... basta!" Tumango-tango nalang ako at

"Eh bakit ganyan labi mo? Nag laplapan kayo?" Nanlaki naman ang mga singkit niyang mata dahil sa sinabi ko. Ng makabawi ay hinampas niya ako habang namumula ang pisngi niya.

"W-walang ganon na nangyari 'no! Ano lang... sabi niya himdi ko raw bagay ang red na lipstick kaya... p-pinahid niya." Sabi niya pero mas lalo namang pjmula ang pisngi niya. Nakataas parin ang kilay ko pero di na ko nag tanong pa. That's quite private naman kasi. "Anyway, ano ulit pangalan ng company na papasukan mo?" Sabi niya sabay subo nung cake na binake ko kaninang umaga.

SHE (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now