Kabanata II: THE SQUAD
Pag kahatid sakin nila Aquin ay agad na akong bumaba ng sasakyan. Para namang nataranta si Aquin at bumaba na rin.
"Hindi mo man lang ako hinayaang maging gentleman. Nakakainis naman eh." Nakasimangot sya habang sinasabi yan kaya naman natawa ako ulit. Ang cute niya kasi kapag naka-pout. Mukha siyang pato. Char~~
"Ayos lang. Ge. Dito na yung condo ng kaibigan ko eh. Salamat sa paghatid ha? Hanggang dito nalang. Ingat kayo sa pag-alis."
"Ah.. sige. I really hope that this wouldn't be our last meeting. Hope to see you again though." Sabi niya at akala ko ay pumasok na sya sa sasakyan nila. Pero nagtaka naman ako ng hindi parin sya umaalis sa kinatatayuan nya at tinitignan parin ako habang nakangiti.
"Uhm... sige na. Alis na kayo para makapag-pahinga narin kayo. Aakyat narin ako kapag naka-alis na kayo." Napakunot naman ang noo ko ng makitang nakangiti siya na parang natatawa. "Bakit?"
"Ah... wala. Kasi yung sinabi mo dapat ako mag sasabi pero naunahan mo ako. Anyway, hindi ako aalis dito hanggat hindi kita nakikita na pumasok sa building na yan. So, go. Bahala ka. May dragon dun sa loob ng sasakyan. Magagalit na yun maya---"
"KUYA! ANO PA BANG GINAGAWA MO JAN?! TARA NA! HINIHINTAY PA TAYO NILA MOMMY!"
Nagulat kami sa sigaw ni Lyncon. Nagkatinginan kami at sabay pang natawa.
"Sabi sayo eh."
"O sya sya. Sige na. Mauna na ako. Baka mamaya lumabas pa yan at ihagis ako paloob." Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi ko. "Sige, ingat. At sana magkita tayo ulit." Yun lang at tumalikod na ako sakanila. Hindi ko na ulit sila nilingon at dumiretso na sa condo ni Bea, bestfriend ko. Actually apat kami pero below kasi samin yung dalawa. Dito rin sila pero ibang floor at unit. College palang kasi.
*buzz* *buzz*
*click*
"Sino po----" nanlaki ang mga mata nya at ngumiti ng pagkalaki laki ng makita ako. "Ahhh!!!! Ady! Akala ko mga alas-otso ka pa darating gaga ka!" Sabi niya at pabiro pang hinila ang buhok ko. Bea Amanda Alonzo. 25. Proffesor sa UST. At meron rin siyang restaurant. Oh well. Manyaman 'tong gaga na 'to eh. May sarili naman siyang bahay. Nandito lang siya ngayon kasi hinihintay niya ako pero after ko maka settle down dito ay aalis na sya. Gusto niya ngang ibigay sakin 'tong condo niya pero sabi ko wag na. Makikituloy lang naman ako eh.
"Bea Bunda sino yan?" Rinig kong sigaw ng medyo mayabang at pinalalaki na boses. Napangiti naman ako ng makilala ang boses na yun. Akala siguro nila ay manliligaw ni Bea.
"Anjan sila?" Tumango naman si Bea at napahilot pa sa sintido niya na para bang napakalaking problema nung dalawa. "Oh. Bakit ganyan mukha mo?" Natatawang tanong ko. Tinignan niya naman ako na para bang tinatanong kung seryoso ako sa tinanong ko.
"Bakit? Bakit?!" Exagerated niyang sigaw. Mas lalo tuloy akong natawa. Alam ko naman ang dahilan. "Halika. Pumasok ka at tignan mo ang ginawa ng mga halimaw na yan." Hinila niya ako papasok at napanganga nalang ako sa nakita. Hindi kami nakita ng dalawa dahil nakatalikod sila sa pintuan habang nanonood. Nahulog ko ang bag ko dahilan para mapalingon yung dalawa.
"Ate Ady!" Sabay pa nilang sabi at yumakap sakin.
"Tignan mo!" Parang mahihimatay na turo ni bea sa sala niya. "Nag kalat na mga chichirya! Mga plastic wrappers! Mga box ng pizza! Nak ng?! Paanong hindi ako mangungunsumi!"
"Sus. Para yan lang ih." Humahagikgik na sabi ni Ashey. Napasinghap naman ng malakas si Bea at napahawak pa sa dibdib. Tawa ako ng tawa habang ang dalawa naman ay tinignan sya na parang gusto siyang sapakin sa sobrang eksadehera nito.
YOU ARE READING
SHE (Chasing Series #1)
Romance"Love is full of unexpected predictions. And I think, this happened to us because this is the least thing we expect." -Ady Genre: Romance Language: Tagalog/English Date started: 04/30/2020 Date Finished: --/--/---- Surpressing His Emotion