Kabanata IX: Mad
Nakatitig lang ako sa manibela ko habang nasa loob ako ng kotse. Nai-srress at nadi-depress na kasi ako. Hindi ako nai-stress ng dahil lang sa kadahilanang bukas na ang presentation. Bukod kasi sa ako ang gumawa ay gusto ni sir ako rin ang sasagot sa mga itatanong niya bukas kaya mas lalo akong na-stress. Nade-depress naman ako kasi baka matulad ako sa mga kapwa ko empleyado na nasisante nitong mga nakarrang araw lang. Tatlo sila. Haay. Bakit sila nasesante? Ganito kasi yun...
Martes...
"I don't need your explanation, I want those things in order and I want the presentation on friday afternoon. I change the schedule of the meeting. So you better prepare yourself." sabi niya at tumalikod na. Ngali ngali kong ibato sakanya 'tong box ih! Lumingon kasi ulit kaya nginitian ko lang sya pero kinusilapan lang ako! Kinusilapan! Tanginang bakla talaga!
Napabuntong hininga nalang ako at inayos ng mabuti ang mga papeles na pipirmahan niya. Ng matapos ako ay kumatok muna ako sa pintuan niya bago tuluyang pumasok. Tumikhim ako at inilapag ang box sa mesa. Sinenyasan niya akong lumabas na pagkalapag ko sa box. Nginitian ko lang sya pero hindi niya na ako pinansin. Tsk! Kala niya naman ngingitian ko sya kahit kailan nya gusto. Nek nek niya. Ihambalos ko pa sya sa pader ih.
Bumalik ako sa pwesto ko pero agad na bumalik sa loob ng opisina nung demonyo ng bigla nya akong tawagin ng pasigaw at may narinig akong bagay na nabagsak, binato niya yata. Pagpasok ko sa opisina niya at gulat akong napahawak sa labi ko. Nagkalat yung mga papeles na inayos ko kanina. Habang sya ay prenteng nakaupo sa upan niya na parang wala lang yung ginawa niya at nagpatuloy sya sa pagpirma. Liningon niya ako at nangunot ang noo niya ng makita ako na parang maiiyak na.
"Those are like trash. It's not arrange well. Arrange it again. I want it in an hour." sabi niya at sinenyasan niya pa ako na pulutin yung ilang papeles na nagkalat. Napaka tarantado talaga. Paano na 'to?! Tsk. Hahanapin ko pa yung magkakasama sa iisang folder ganun. Bwisit. Grr
"Yes sir." nakayukong sabi ko at umalis na doon. Pagkasarado ko ng pinto niya ay nagta-tatadyak ako sa labas ng opisina niya. Tsk. Apaka demonyo talaga.
Pagkatapos kong maayos ng mabuti ay inilapag ko lang sa opisina niya. Lunch na kasi nung matapos ako. Actually after 45 minutes ay natapos ko na yun pero dinoble check ko para sigurado a pulido haha.
Natapos ang buong araw na tahimik lang sa opisina niya si Sir kaya naman nagpapasalamat ako dun. Pauwi na sana ako pero nakita ko si Kieffer na may kausap na ibang babae. Tsk. Manliligaw palang saakin, nambababae na. Napailing nalang ako at umalis doon. Pagdating ko sa dorm ko ay nagulat ako ng maabutan ko yung talong bruha doon na umiinom na. Late na kasi ako dumating. Pasado alas onse na.
"Oh? Anong meron at nagka-reunion?" pabirong tanong ko pero walang gumalaw sakanila. Si Bea nakatitig lang sa sahig, si Ash naman nakatitig sa bote ng black label at si Vxyz na nakatitig sa kawalan. Halatang problemado ang mga gaga. At dahil pagod ako ay hindi ko nalang sila inimik at pumasok na sa kwarto ko. Pagkatapos ko maghugas ng katawan ay natulog na ako.
MIYERKULES...
Maaga akong pumasok ngayon dahil sa ginagawa ko at pinaghahandaan ko ng mabuti yung presentation sa friday. Ang presentation ay tungkol sa paga-advertise namin ng bangko. Then hospital. Ewan ko ba kung bakit kailangan magkasabay.
Pag kaupo ko sa swivel chair ay agad akong napatayo ulit dahil sa gulat. May nabagsak kasing kung ano man doon sa office ni Sir. Napahawak naman ako sa may bandang puso ko ng biglang magsalita yung intercom at tinatawag ako nung demonyo. Huminga ako ng malalim bago kumatok ng dalawang beses.
YOU ARE READING
SHE (Chasing Series #1)
Romance"Love is full of unexpected predictions. And I think, this happened to us because this is the least thing we expect." -Ady Genre: Romance Language: Tagalog/English Date started: 04/30/2020 Date Finished: --/--/---- Surpressing His Emotion