Kabanata V: First day
Its not that I really care though. Medyo familiar lang. Siguro may kaibigan ako sa probinsya na ganyan ang nickname. I'm not really sure though. Natawa nga ako dahil pumasok sa isipan ko yung boss ko. Kasi diba: Sean Eros. Napailing nalang ako dahil sa mga pinag-iisip ko.
Pagka-pasok ko sa condo ay agad akong sinugod ng tatlo pinaghihila ang buhok ko. Dahil hindi ko raw sinabi kung saan ako pupunta, maski mag-iwan daw ng notes ay hindi ko ginawa. Pinaupo nila ako sa may sofa at pinalibutan. Nakapamewang pa ang tatlo, para tuloy akong batang napapagalitan ng mga magulang dahil tumakas ng bahay.
"Sa susunod na aalis ka, mag-lagay ka ng sticky notes sa ref, lamesa o sa noo namin para alam namin kung saan ka pupunta! Tumataas ang blood pressure ko sayo!" Sabi ni Bea at pinapaypayan pa ang sarili na parang mahihimatay na. Siya talaga ang pinaka-OA sa aming lahat eh.
"Uso naman ang cellphone pero ni 'Ha' ni 'Ho' hindi ka manlang nag-text!" -si Ashey.
"Tapos hindi ka pa nagre-reply sa mga text namin." -si Vxyz.
"Kahit hindi ka mag-reply, basta sana sinagot mo yung tawag namin." -si Ashey.
"Nag-aalala kami sayo." -si Bea. Malalim naman akong napabuntong hininga.
"Una, wala akong mahagilap na sticky notes. Kinalkal ko na ang mga gamit ninyo pero wala akong nakita. Hindi na ako nagsulat sa papel kasi tinatamad ako. Hayaan niyo at bibili ako bukas pag-uwi ko. Pangalawa, naiwan ko sa kotse yung phone ko kaya nakita ko lang yung mga text niyo nung pauwi na ako." Sagot ko pero ganoon parin ang posisyon nila. Pinag-krus ni Bea ang kamay sa dibdib niya kaya ginaya rin ng dalawa. Muntik na akong matawa kaya lang alam kong magagalit sila kaya naman napanguso ako para pigilan ang sarili ko na matawa.
"Eh bakit hindi mo kami ginising?!" Tanong ni Bea kaya tinignan ko sya na para bang may tatlong mata sya.
"Wow. Pangatlo..." tumayo ako at namewang rin tsaka sila tinignan ng isa isa. Napalunok naman sila at parang nabaliktad na at sila na ang papagalitan. "Kinalampag ko na ata lahat ng kitchen utensils pero tulog parin kayo, nagpa-music na ako ng rock na ang lakas lakas pero tulog parin kayo, itinapat ko na ang alarm clock sa tenga niyo ay tulog parin kayo at hinila ko na kayo't lahat lahat tulog parin kayo!" Tumingin ako kay Bea at nakanguso syang umiwas ng tingin. "Ngayon tanungin mo ulit ako kung bakit hindi ko kayo ginising?!"
At dahil ginalit nila ako ay nilibre nila ako ng umagahan. Nag-bonding lang kaming apat sa restaurant ni Bea. At medyo nang-gulo na rin. Medyo lang naman.
Bea's Restaurant...
"Woi! Bea bunda!" Sigaw ni Ashey kay Bea na ngayon ay nags-serve ng customers. Ganito talaga sya dahil ayaw nya daw iparamdam sa mga empleyado niya na mas mataas sya kesa sa kanila. Gusto niya yung close sila pero at the same time hindi siya mababastos ng mga ito sa kahit na anong paraan. Dahil pakiramdam niya raw ay hindi naman malaki ang restaurant niya para ipa-feel niya sa mga ito na sobrang taas ng posisyon niya.
Mariin syang pumikit at saka tinignan ng masama si Ashey na kasalukuyang napakalaki ng ngisi sa labi. Habang naglalakad palapit sa table namin ay tinignan niya si Ashey na para bang pinapatay niya na ito sa isipan niya.
"Ano?" Mahina pero pabulyaw niyang tanong kay Ashey. Umupo ng maayos si Ashey atnag-cross legs pa!
"Gosh bakit ganon?! Hindi magalang ang mga servers dito?!" Sabi ni Ashey na medyo malakas kaya may mga napatingin sa gawi namin pero bumalik rin sa ginagawa. Napabuga ng hangin si Bea at napapikit ng mariin. Pagmulat niya ay tinignan niya si Ash ng masama atsaka ngumiti ng pilit na pilit. Hindi lang pilit, kundi SUPER DUPER PILIT!

YOU ARE READING
SHE (Chasing Series #1)
Romance"Love is full of unexpected predictions. And I think, this happened to us because this is the least thing we expect." -Ady Genre: Romance Language: Tagalog/English Date started: 04/30/2020 Date Finished: --/--/---- Surpressing His Emotion