BiCass #7

3 2 0
                                    

Kabanata VII: Demonic Inside Out

"The CEO is currently out... for a very important matter." Sabi ni Kieffer ng hindi inaalis ang tingin saakin. Nakatayo lang ako dito. Mula sa pagiging shock, ay nawala lahat ng emosyon sa mukha ko dahil bumalik ang galit ko. Galit ko sakanya dahil sa pinagmukha niya kong tanga. Pero alam kong may kasalanan din ako, masyado akong nakampanteng kilala ko na sya at pinakatiwalaan sya ng sobra sobra. Kaya ayun! Ako si Tanga, mabilis umasa at napakadaling magtiwala.

"Oh. Ok. Then, do you perhaps know the person who will orient me, Sir?" sagot ko sakanya. Still keeping my straight face. I saw amusement in his eyes at hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagpipigil niya ng ngiti kaya naman pinaningkitan ko sya ng mata.

"Oh. That. I suppose the person you are asking for is right in front of you, Ms. Yasay." Tumango lang ako sakanya kaya naman napabuntong hininga lang sya. Akala ko ay le-lecturan niya ako yun pala ay may ibibigay lang sya saakin na box. Hindi naman sobrang dami ang folders, may iPad rin dito kaya tinignan ko si Alecxs. Nandoon na raw lahat ng mga meetings ni Mr. Callaghan for this whole month and doon din daw ipinapadala ang lahat ng meetings for the next month. Pag may bagong appointment ay maida-dagdag ito. Kapag may tanong daw ako ay lumapit ako sakanya. Napaingos naman ako ng dahil doon. Asa. Hindi ko na ulit sya kakausapin unless it is a business related.

Sinimula ko ng basahin ang isang folder kung saan naroon lahat ng ayaw, gusto at mga hilig ni Mr. Callaghan. Inayos ko na rin ang lahat ng pipirmahan niya by day. Nasa pinakataas ang mga malapit na ang deadline na meeting date ng project at nasa pinakababa ang mga pang-next next month pa. Pagkatapos nun ay nagligpit na ako ng gamit ko at bababa na para umuwi dahil alas-kwatro y medya na pero napahinto ako ng makita si Alecxs doon. Mukhang nagulat rin sya at hindi ako inaasahan. Sino ba naman kasi ang umaasa na magsasabay kami. Kung alam ko lang edi sana alas singko nalang ako uuwi.

Awkward. Dadalawa lang kami dito sa elevator. Nararamdaman ko rin ang titig niya saakin. Tsh. Napakawalang hiya. Hindi manlang nahiya saakin kung makatitig, wagas! Bigla akong lumingon sakanya at masama syang tinignan kaya nanlaki ang mga mata niya at agad agad nag-iwas ng tingin. Tumikhim sya at muli kaming tumahimik.

"So... kamusta ka na?" Tanong niya saakin kaya biglang nag-init ang ulo ko. Tinignan ko sya at nagsalubong ang kilay ng makitang nakatitig sya sakin na may pangungulila sa mga mata. Tsk. Jerk.

"Ok naman na ako." Sagot ko sa malamig na tono at inalis ang tingin sakanya. Narinig ko naman ang buntong hininga niya.

"Hindi mo ba ako tatanungin?" Tanong niya kaya nakakunot noo akong lumingon sakanya.

"Ano sanang tatanungin ko sayo eh hindi naman ako intresado sa buhay mo?" Sabi ko sakanya. Napababa naman ang tingin niya sa sahig at napakagat sa ibabang labi.

"Sorry." Pagkasabi niya nun ay bumukas ang elevator. Nasa first floor na kami. I think sa underground parking pa ang baba niya. Bago ako lumabas ay may sinabi ako sakanya.

"Yang sorry mo parang mansanas lang, kung nung una mo palang binigay baka matakam pa ako at tanggapin yan. Pero ilang taon na ang lumipas bago mo maibigay yan. Kaya ngayon yang sorry mo, inaamag na. In short hindi na pwedeng tanggapin ng sistema ko, dahil baka malason lang ako." Sabi ko at tuloy tuloy naglakad palabas ng building pero napahinto rin ako. Ang bobo ko. May kotse nga pala ako. Kaya ang drama ko, nasira! Putik!

Sinilip ko ang elevator kung saan ako galing at nakitang nakasara yon kaya naman para akong nabunutan ng tinik at confident na pumasok sa elevator. Akala ko save na ako sa napaka epic fail na walk out ko. Pero kung minamalas ka nga naman, magkatabi pa ang kotse naming dalawa. At ang malala? Nasa labas sya ng kotse niya, may kausap sa phone at nanlaki ang mga matang nakatingin saakin!

SHE (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now