Kabanata VIII : Elevator Accident
Akala ko ok na. He forgave me already. Akala ko payapa na akong makakapagtrabaho sa company pero akala ko lang pala. Dahil simula palang ng impyerno ko sa kamay ng bunsong Callaghan. Dahil bumabawi ang hudas saakin at nag sisimula palang sya. Nag sisimula palang rin ang paghihirap ko sakanya.
"Bring me an orange juice within 3 minutes. No ice." Napapikit ako ng mariin pero agad ding tumayo sa upuan para kumuha ng juice ni hudas sa cafeteria. Kakakuha ko lang ng kape niya ngayon juice naman?! Anong trip niya ngayon?! Liquid?! Kahapon solid?! Puro pagkain?!
Aba! Nagpahanap ba naman ng pizza within 3 minutes? Eh walang malapit na pizza shop dito sa building namin! Ayun! Halos lumabas ang ugat sa leeg kakasigaw saakin kahapon kesho nalate daw ng sobra. Dumating kasi yung pizza after 10 minutes. At mas nagalit pa ang hudas ng malaman na hindi ako ang bumili. Matibay diba?!
Hindi lang yun ang mga hiniling niya nung araw na 'yon sandamakmak na pagkain. At hindi lang basta pagkain. Pagkain na hindi available sa mga restaurants and shops na malapit saamin! At kaninang madaling araw tumawag! At ang sasabihin? "Bilhan mo ako ng espresso bago ka pumasok sa company." Pagkatapos niya yung sabihin ay pinatay na niya yung tawag. Ako naman inis na inis! Hindi na kasi ako nakakatulog pa ulit kapag nagising akk ng madaling araw. Kaya eto! Haggard ako. Tapos nung nadala ko sa office niya yung espresso sabi niya baba daw ulit ako at bumili ng americano, akin nalang daw yung espresso at bawal ko daw 'yong itapon dahil libre niya daw eh pvt@ngina! Ang pait pait nun eh!
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa opisina niya. Sa totoo lang mas mabuti na ito kesa nung nakaraang linggo. Pabababain niya ako para kumuha ng mga files, bumili ng gamit nya sa office at kung ano-ano pero hindi ako pwedeng gumamit ng elevator! Pakiramdam ko tuloy sobrang seksi ko na ngayon. Ilalapag ko palang sana yung orange juice sa harap niya ng magsalita siya ng hindi kumilingon saakin. Eto na naman po tayo.
"I don't want that anymore. The weather is too hot today. I want something very cold." Sobrang lamig pala ha. Tignan natin. Pagkatapos ko magpaalam sakanya ay bumili ako ng NAGYEYELO na orange juice. Yung literal na YELO na yung juice. Pagbalik ko...
"What the fuck?! What the hell are you thinking woman?! How am I suppose to drink that?!" Bulyaw niya. Napangisi tuloy ako sakanya.
"Aba! Kung nagrereklamo ka edi ikaw kumuha ng juice mo! Napaka-arte mo porket gwapo ka lang?! Ang epal neto. Lunukin mo yan! Ako nga ininom yung kasumpa-sumpa mong espresso kaninang umaga eh!"
Pero syempre sa utak ko lang yan kahit nangangati na talaga ang dila ko na ibulyaw yan sakanya. Pero dahil ayaw kong masisante, ito ang NAPAKAGALANG na sagot ko:
"Pasensya na ho sir. Sa uulitin--este hindi na ho mauulit." Nakangiting sabi ko at kinuha siya ng juice sa cafeteria yung may maliliit na yelo pa. Pagkatapos niya magpakuha ng juice ay tubig naman ang pinakuha niya. At syempre, tatlong beses akong nagpabalik balik para sa tamang init ng tubig niya. Ng sumunod na mga araw ay iba't ibang mga gamit naman ang pinabili niya.
Nahpapahinga ako ng super duper todo ngayong linggo dahil haggard na naman ako sa mga susunod na araw. Napakahimbing ng tulog ko ng may tumawag saakin. Inis kong sinagot ito ng hindi tinitignan ang caller at tinignan ang orasan. Anak ng?! Alas dos palang ng umaga!
"Punyeta ka talagang ponciato hudas ka! Pagkatapos ng hudas kong boss ay sino ka naman para gambalain ang tulog ko ha?!" sigaw ko pero parang wala lang sa kausap ko dahil hindi manlang nagsalita ng tignan ko ang caller ay talaga namang nagimbal ako sa nakita kaya agad-agad akong umayos ng upo at tumikhim.
"I'm sorry about that sir. That was not me, that was my friend so... I'm sorry sir." napapikit ako ng mariin. Humaygulay! Paniwalaan mo sir! Pero tingin ko nga hindi bobo si sir para maniwala saakin.
YOU ARE READING
SHE (Chasing Series #1)
Romance"Love is full of unexpected predictions. And I think, this happened to us because this is the least thing we expect." -Ady Genre: Romance Language: Tagalog/English Date started: 04/30/2020 Date Finished: --/--/---- Surpressing His Emotion