BiCass #6

3 3 0
                                    

Kabanata VI: The Ghoster

"Kieffer."

Alecxsander Kieffer Baltazar. The man whom I truelly love before. He was my first suitor, my first hug, he was the man who first give me a rose, my first dance aside from my father ofcourse, my first date, my first love and my first heart break...

5 years ago...

I am currently reviewing my thesis that will be submitted the day after tomorrow. Nandito ako ngayon sa library, naka-glass ng anti-rad dahil tutok na tutok ako sa laptop ni Bea hiniram ko lang since may isa pa naman syang laptop. Tinitignan kong mabuti kung may typo's ba, kung may grammatical error ba o something sayang din kasi yung mga 1 point na mababawas kapag may typo or grammatical error.

Actually araw-araw ko itong ichini-check kaya baka sobra akong madepress kapag may makatakas pa na typo or grammatical error dito. Tapos ko na ito nung nakaraang nakaraang linggo pa at tapos ko na ring i-check ang content nito nung nakaraang linggo. Nalipat ang paningin ko sa taong umupo sa harapan ko. Napakunot noo ako ng makita ko ang number 1 hearthrob ng mass communication.

"Hi." Nakangiting saad niya. Kahit nagtataka ay nginitian ko nalang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Pero hindi pa ata lumipas ang tatlong minuto ng mag-salita ulit sya. "Ano bang ginagawa mo? Nung nakaraang linggo ka pa laging ganyan ang ginagawa ah. Hindi ka na ata nakakapagbasa dito sa library tulad ng kadalasan mong ginagawa." Napalingon ulit ako sakanya at ngayon ay salubong na ang kilay ko. Paano niya naman alam ang madalas kong ginagawa dito? Stalker ba to? Naalala ko tuloy yung sabi sakin ni Bea nung nakaraang linggo.

"Beh, pansin ko lang ah. Laging nakatingin sayo yun oh. Yung hearthrob sa mass com?" Sabi ni Bea kaya napatingin ako sa gawi nung lalaki pero nakita kong lumampas ang tingin nito sakin at tumingin sa babaeng nasa likod ko. Tinignan ko ang babae at nakita ko si Serene, ang princess sweetheart ng archi. Ewan ko ba sa mga tao ngayon at kung ano-ano ang naiisip nila. "Tapos pansin ko rin na kung saang parte tayo ng university ay madalas nandon rin sya. Feeling ko may gusto sayo yan girl." Dagdag pa nya kaya naman napabuntong hininga nalang akong lumingon sakanya.

"Masyado ka ng nai-impluwensyahan ng mga pinapanood mong romantic movies. Tumigil ka na nga diyan at gawin na natin ang sari-sarili nating thesis."

Yun lang ang sinabi ko kaya naman napailing nalang si Bea saakin pagkatapos ay bubulong bulong na masyado raw akong tutok sa pag-aaral, na wala raw akong sweetness sa katawan, na baka raw mamaya ay maging madre na ako, na kulang nalang raw asawahin ko na ang mga libro. Kaya naman napailing nalang ako. Bubulong bulong rinig na rinig naman.

Napatingin ulit ako sa lalaking nasa harapan ko na kasalukuyang nakatitig saakin. Nang marealise niya na nakatingin ako sakanya ay bahagya pa syang nagulat at nataranta.

"Paano mo nalalaman ang mga ginagawa ko?" Nagulat sya sa tanong ko at mas lalong nataranta. Napapakamot pa sya ng batok at hindi makatingin ng diretso saakin.

"U-uhm... kasi... ah! Tama! Madalas din kasi akong suki ng Uhm l-library kaya ayun! Madalas ka din dito diba? Kaya madalas din kitang napapansin." Paliwanag niya pero nakatitig parin ako sakanya at habang mas tumatagal ay mas pumupula ang pisngi niya habang nakatitig sa mata ko.

"Ah! Alecxsander Kieffer Baltazar nga pala. P-pwedeng K-Kieffer nalang." Sabi niya at naglahad sya ng kamay sakin.

"Anna Divina Yasay. Ady nalang." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya para sa shake hands. Bahagya pa syang napatalon ng mahawakan ko ang kamay niya at namumula ang tenga nya. Nagtataka ko naman syang tinitigan.

SHE (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now