Kabanata I: Ang Pag-Alis
"Tita! Tita! Tita!" Napalingon ako sa pamangkin ko na kanina pa tawag ng tawag sakin. Nakita ko naman ang mga mata niya na malapit ng maluha kaya naman lumuhod ako para mag kapantay kami.
"Huhuhu. Tita bakit ka pa kasi aalis ih. Pwede ka namang mag teacher nalang dito. O kaya mag nurse. O kung ayaw mo nun pwede ka naman daw maging secretary dun sa Santiago. Bakit kailangan pa sa Manila?" Umiiyak na saad niya. Napangiti nalang ako sa kakulitan niya. Hay. Paano ako makaka-alis kung ganyang mukha ang maiiwan ko rito.
"Gabo, alam mo naman na ginagawa 'to ni tita para sainyo diba? Para sayo. Para sa pag papaaral ko sayo. Diba sabi mo gusto mong maging piloto?" Umiling naman sya ng umiling na syang ikinakunot ng noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Diba yun ang lagi mong sinasabi kay tita noon?"
"Hindi nalang po ako magpipiloto kung masyadong mahal ang tuition fee. Para hindi mo na po kailangan pumunta doon." Napabuntong hininga nalang ako ng dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko sya sa balikat at tinignan sa mata.
"Wag mong gayahin ang tita na hindi natupad ang pangarap ng dahil sa pera. Ang gusto ko tuparin mo ang pangarap mo ng hindi iniisip ang pera na ibabayad mo sa school. Napakabata mo pa 'no para isipin ang mga ganyang bagay. At isa pa, sa manila lang naman ako eh. Hindi naman ako pupunta sa ibang bansa eh. Tsaka mag-uusap parin tayo sa cellphone, ok na ba?" Kahit hindi sya sang-ayon ay tumango parin sya na syang ikinatawa ko. Paano ba naman nakanguso siya habang tumatango. Ginulo ko ang buhok nya at ipinagpatuloy ang page-impake. Mahirap para sakin ang desisyon na 'to dahil nalayo na ako sa pamilya ko ng mag aral ako sa Manila ng kolehiyo at naranasan ko ang hirap pero kasama ko naman doon ang bestfriend ko kaya kahit papaano ay nababawasan ang lungkot ko. Natigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ng itay.
"Tapos ka na ba Anna?" Napalingon ako sa direksyon ni itay at nakita ko sya na naluluha na rin. Nginitian ko ang itay at saka binuhat ang maleta at bag ko.
"Opo." Ngumiti ako kay itay na ginawaran niya naman ng isang malungkot na ngiti. Lumapit sya at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Mag-iingat ka don anak ha? Mas delikado ngayon kesa noong kolehiyo ka pa. Nung kolehiyo ka pa ay panatag ako dahil nasa loob ka lang ng paaralan ngjnit ngayon ay hindi. Wag kang magpapagabi ng uwi ha? Mag iingat ka lagi sa mga taong kakasamahin mo. Kuma--"
"Kumain ako ng tama sa oras at huwag mag papalipas ng gutom. Kapag minaltrato ay umuwi na kaagad. 'Tay para ka naman si Inay eh. Kayak aytoy.(Kaya ko to.) Maddi kayo agdanag kinyakon, Wen? (Wag kayong mag-alala sakin. Okay?)" Ngumiti lang si itay at niyakap ako ng napakahigpit na para bang 'yon na ang huli naming pag kikita.
"Wen garudin. Maddi nak agdanagin ngem maddim liplipatan ajay bilin ko wen?(Oo nalang. Hindi na ako mag-aalala pero wag mong kakalimutan yung bilin namin ha?)" Nakangiti akong tumango. Kumalas na sa yakap si Itay ng may pumalo sakanya. Doon ko nakita si Inay. Nagngitian kami sa isa't isa.
"Agsarding ka man Armando. Kasla met maddi agsubli ni Anna. Agsubli isuna nu christmas break ken new year. Aytoy talaga nga lakay. O sya. Apan kan Anna. Maddim pampansinin aytoy nga lakay. Baka maudi ka pay idjay bus.(Tumigil ka nga Armando. Para namang hindi na babalik si Anna. Babalik naman sya sa christmas break at new year. Ito talagang matandang to. O sya. Punta ka na Anna. Wag mong pansinin 'tong matandang to. Baka mahuli ka pa sa Bus.)"
"Opo. Ingat din po kayo." Nginitian lang nila ako habang pasakay ng tricycle. Kumaway ako sakanila sa huling pagkakataon. Napahugot ako ng malalim na hininga. Iniisip kung kaya ko nga bang talaga. Tumawag saakin ang DC Company nung nakaraang linggo. Sinabi nila na nakapasa ako sa interview at pwede na akong mag start agad agad pero tinanong ko kung maari akong mag start sa susunod na linggo dahil galing ako sa probinsya at kailangan ko pang magbyahe papuntang Manila. Pumayag naman sila kaya eto. Babyahe palang ako.
YOU ARE READING
SHE (Chasing Series #1)
Lãng mạn"Love is full of unexpected predictions. And I think, this happened to us because this is the least thing we expect." -Ady Genre: Romance Language: Tagalog/English Date started: 04/30/2020 Date Finished: --/--/---- Surpressing His Emotion