Kabanata X: Pagod
"I am not satisfied." Linya dahilan para tumahimik ang loob ng conference room. Tila lahat ay kinakabahan. Maski naman ako. Aba! Sino ba namang hindi, eh kung kahit anong oras ngayon pwede akong masisante. "It's not detailed." Tumayo na sya at inayos ang coat niya. Naglakad na sya palabas pero huminto sa may pintuan at nilingon ako. "Follow me at my office. Now."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na syang lumabas. Napabuntong hininga naman ako. Napayuko ako at dahan dahang naglakad papunta sa pintuan. Nakakahiya dahil halos lahat ng nasa conference room ay mga bigating tao at lahat sila ay nakatingin saakin na para bang naaawa.
Hindi pa ako nakakarating sa may pintuan na may humawak sa braso ko. Napahinto ako at tinignan ang taong humawak sa braso ko. Nakita ko si Kieffer. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas sa conference room. Pagkalabas namin ay humarap sya saakin. Hinawakan niya ang balikat ko at tumingin ng diretso sa mata ko.
“Listen, hindi mo dapat ikabahala kung masisisante ka man ni Sean o hindi. Dahil kapag nagkataon ay ako ang kakausap sakanya. Hindi naman sya ganun dati eh. Sa totoo lang isa ang presentation mo sa mga magagandang presentation na nakita ko simula ng magtrabaho ako dito.” Ngumiti sya na parang nagpapakumbinsi na magiging ok lang ang lahat. Kaya naman nginitian ko rin sya at tumango. “Tara. Samahan na kita sa office niya.” Nginitian ko lang sya at nagsimula ng maglakad. Sa totoo lang ay parang napipi ako dahil pakiramdam ko sobrang nakakahiya yung kanina.
“Ah. Sya nga pala Ady, hihintayin kita mamaya sa may parking lot. Ihahatid sana kita pauwi. Kung okay lang.” sabi niya at napakamot sa may batok nya. Napangiti ako sa inasal niya.
“Ok lang.” yan lang ang naging sagot ko. Pero pumasok bigla sa isipan ko si Bea. Hindi ko pa pala nasasabi na binigyan ko ng second chance si Kieffer. Panigurado sasabunutan ako nun at sasabihan ng marupok.
PAGKARATING ko sa top floor ay hindi ko maiwasan ang sobrang kabahan. Mag-isa lang ako dahil sabi ko kay Kieffer ay kaya ko ng mag-isa kaya naman hanggang sa may elevator niya lang ako hinatid. Namamawis ang palad ko ng kumatok ako sa pintuan ng demonyong nag anyong tao.
“Come in.” dahan dahan kong ibinukas ang pintuan at nakita ko si Sean na nakaupo sa swivel chair niya. Nagpipirma ata sya ng mga papeles pero ng makita nya ako ay binitawan niya ang hawak na ballpen. Pinatong niya ang mga siko niya sa lamesa at pinagsiklop ang mga daliri niya saka tumingin ng diretso saakin. “You took a long time to walk here. Did a monster blocked you while you were walking?” tanong niya kaya naman napalunok ako. Bakit nga ba kasi hindi ko agad sya sinundan?! Aba malamang natatakot ako at napahiya duh!
“What? Did you swallow your tongue or something?” pero nakayuko parin ako at hindi nag sasalita. Sabi niya kanina sundan ko lang sya dito sa office niya hindi niya sinabi na kailangan makipagusap pa ako sakanya. Narinig kong napabuntong hininga sya. “Your presentation earlier was good. But then there are some dates that are missing. Just like what I said earlier it is not completely detailed.” Hay. Mukhang alam ko na susunod na sasabihin niya. It’s either: I’m so disappointed in you. Or I’m sorry but you’re fired.
“And that’s why I need you to work harder.” Gulat akong napalingon sakanya. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Napangiti naman sya dahil sa reaksyon ko. “I need you to check on the models for next week as my proxy. And I need you to arrange some papers. And they are already at your desk. You may go out.” Sabi niya at nagpatuloy sa pagpipirma. Ng makabawi ako mula sa gulat ay agad akong yumuko.
“Thank you sir. Mas pag bubutihin ko po ang pag tatrabaho.” Nakangiti at maluha luha kong sabi habang nakayuko.
AT maluha luha rin akong nakatingin ngayon sa tambak na papeles sa harapan ko. Mukhang hindi nga ako masisisante pero mamamatay naman ako dahil sa pagod at stress. Kung kanina ay halos lumuhod pa ako dahil sa sobrang pagpapasalamat, ngayon ay halos pigilan ko ang sarili ko na bumalik sa office nya at hampasin ang ulo niya gamit ang sandal ko.
YOU ARE READING
SHE (Chasing Series #1)
Dragoste"Love is full of unexpected predictions. And I think, this happened to us because this is the least thing we expect." -Ady Genre: Romance Language: Tagalog/English Date started: 04/30/2020 Date Finished: --/--/---- Surpressing His Emotion