CHAPTER 17

40 9 0
                                    

Chase POV

The truth is I didn't know why did I hug her. But there's one thing I know for sure. I want to protect her.

Magkasama kami ngayon sa isang restaurant. Nag absent siya sa klase niya dahil don sa nangyare at ako naman ay excuse kaya di na ako nagpaalam.

There's inside of me na gustong malaman kung bakit umiiwas siya sa kuya niya, kung bakit siya pinalayas at bakit hindi sila magkasundo. Pero natatakot ako na baka lumayo siya.

Sa totoo lang aaminin kong hindi mahirap magustuhan si Zayne. Ilang beses palang kaming nagkita at kailan lang nagkakilala pero napaka komportable niya kasama.

Nung una ay sobrang cold ng personality niya pero ngayon madalas na siyang tumawa at ngumiti. Medyo madaldal na din siya ng konti and I want to be the reason behind that all.

I want to change her. I want to hug her until the coldness in her heart will melt away.

"Chase.
Madumi ba mukha ko?" tanong niya

"H-ha? Hindi bakit?"

"Kanina pa ko nagkukwento pero nakatingin ka lang sa mukha ko kaya naisip ko baka may dumi." nakangusong sabi niya at nagsalamin pa sa screen ng cellphone niya

"Ang ganda mo kasi." nakangiting sabi ko sakanya at namula nanaman siya.
Sobrang puti kasi niya kaya pagnamumula siya ay mahahalata mo agad.

"Ewan ko sayo!" sabi niya at yumuko.

"Nahiya ka pa e ang dami nga daw palang nagkakacrush sayo sa school." sabi ko

And maybe I'm one of them. Pero hindi pa ako sure because I still care about Coleen.

"Kalokohan. Sino naman nagsabi niyan?"

"Instinct." sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo e napakaganda mo

"Sometimes you should not believe in your instincts." sabi niya habang magkakrus ang mga kamay.

"Why?"

"Ilang taon na akong nabubuhay sa mundo at sinungaling yang instinct na yan." sabi niya

"Ilang taon kana ba?" tanong ko naman

"19."

"19?!" gulat na tanong ko.
Uminom muna siya nung drinks niya at tsaka nagsalita

"Yeah. Ano bang nakakagulat don?"

"Ts. 19 ka palang pero third year college kana?"

"Accelerated student kasi ako nung high school." explain niya saakin

"Ibig sabihin bukod sa maganda ka, matalino ka rin pala." namamanghang sabi ko sakanya at napairap naman siya

"Now I know kung bakit ka basketball player." sabi niya at napakunot noo naman ako.

"What?"

"Ang hilig mong mambola." natatawang sabi niya

"Hoi totoo yon no!" sabi ko pa at natawa lang siya.

"Ikaw ba ilang taon kana?" tanong niya

"21"

"Ah same age kayo ni kuya." sabi niya kaya tumango lang ako.

"Tell me about you and Carsyn. Sobrang curious ako sainyo." tsaka niya itinungkod yung mga siko niya sa lamesa at inibabaw yung mukha niya sa mga palad niya. Napaka cute nanggigigil ako! Hahaha.

"Before lagi din kami nagtatalo. Iniisip niya kasi na ako yung favorite nila Mom and Dad kahit na pareho naman namin nakukuha yung gusto namin." sabi ko at nakikinig lang siya

Stand by youWhere stories live. Discover now