CHAPTER TEN

26 8 0
                                    

Zayne POV

Kinuha lang ni Chase 'yung gamit ko at nag paalam na kami kay Mom. Habang nagdadrive siya ay panay ang tingin niya saakin.

"Baby stop crying. You're making me worried" sabi niya kaya pinilit ko yung sarili kong kumalma

Hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Hindi niya iyon binitawan hanggang makarating kami sa bahay nila wala pa rin itong pinagbago tulad ng dati. Umakyat na kami sa kwarto niya at nasa kabila naman si Jace na tulog na.

"Ligo lang ako saglit" sabi niya at pumasok na ng banyo. Nagring yung phone ko at nakita ko yung pangalan ni Vaughn.

"Hello" walang ganang sagot ko

"Zayne kanina pa kita tinatawagan" nag-aalalang sabi niya

"Nakapagpa check up na ako Vaughn"

"R-really?"

"Anak mo yung dinadala ko" sabi ko at hindi siya nakasagot

"I'm sorry-

"Naging mabuti kang ama sa hindi mo anak at hindi mo na kailangan maging ama sa tunay mong anak saakin dahil nandito na si Chase at ang pamilya ko. Sana maging masaya kayo ni Sheena. Ito na din sana ang huling beses na mag-uusap tayo" sabi ko at mabilis na pinatay 'yung tawag.

Narinig ko ang tunog ng pagpihit sa doorknob ng banyo kaya umayos ako ng upo. Lumabas doon si Chase na walang suot maliban sa towel na nakapulupot sa katawan niya.

"Chase let's talk" sabi ko at napatingin naman siya saakin. Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig saakin at mabilis na lumapit sa tabi ko

"I know what you're thinking. Usap lang Chase wala tayong gagawin" sabi ko dahil sa uri palang ng pagtitig niya ay alam ko na ibig 'non sabihin.

"Fine about what?" tanong niya habang hinahalikan ang leeg ko

"Paano kapag hindi mo anak yung dinadala ko?" lakas loob kong tanong at napatigil naman siya sa paghalik sa leeg ko.

"What?!" seryosong tanong niya

"H-hindi mo anak 'yung dinadala ko" sabi ko at napatayo naman siya at mabilis na dinampot yung basong nasa mesa at itinapon sa sahig.

Nagulat ako pero hindi ako natatakot. I know Chase won't hurt me. Masyado siyang mabait at mabuting tao para saktan ako.

Napasabunot siya sa buhok niya at inayos yung twalyang nakatakip sa katawan niya. Matalim ang mga titig na ipinukol niya saakin. Kumuha siya ng damit niya sa closet at mabilis na pumasok ng banyo. Paglabas niya ay naka shorts na siya at sinusuot palang yung t-shirt.

"So sinong ama?" mahinahon ang pagkakasabi niya pero malamig naman ang mga titig niya sa akin.

"Si Vaughn?!" inis na tanong niya kaya tumango ako

"Damn Zayne!" sigaw niya habang nakatitig sa mata ko. Agad akong nag-iwas ng paningin.

"Look at me Zayne.

How many times did he touched you?!" galit na sabi niya saakin.
Nasa magkabilang side ng legs ko ang mga kamay niya habang magkalapit ang mga mukha namin.

"M-many tim-

"Fuck up!" malakas na sigaw niya

"I didn't expect this. Hindi ka ganiyang tao Zayne what happen to you? Napakahirap mong makuha dati" sambit niya saakin kaya napasinghap naman ako

"Yan ba ang ikinakagalit mo?!" tanong ko

"Oo Zayne! Hindi ba obvious?!" tanong niya rin habang nakahawak sa may bridge ng ilong niya. Inalis ko yung singsing sa kamay ko at binigay sakanya.

"Here. Tatanggapin ko kung hindi mo ako pakakasalan" sabi ko at nilagay sa palad niya

"What the fuck Zayne! What are you thinking?" inis na tanong niya

"You're mad kasi hindi ikaw ang ama ng anak ko at tatanggapin ko kung hindi mo na ako pakakasa-

"No."  sabi niya kaya napatigil ako

"Ganyan ba ako kababaw sa paningin mo Zayne?" he ask and I see the pain in his eyes.

"Hindi kita pinakasalan dahil may anak tayo. Pinakasalan kita dahil mahal kita. At anak ko man o hindi yan ay tatanggapin ko lahat ng galing sayo. Ganoon kita kamahal Zayne. Hindi ko inaasahan na ganyan ang tingin mo saakin. Hindi na kita kilala tulad ng dati."

"Chase"

"Okay lang Zayne naiintindihan kita. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." sabi niya kaya mabilis akong lumapit at siniil siya ng halik pero hindi siya tumugon kaya napatigil ako.

"Ayaw mo na saakin?" naiiyak na tanong ko

"Nagpipigil ako Zayne" sagot niya kaya nagulahan ako

"You're pregnant baka kung saan pa mapunta 'yang halik mo" sabi niya kaya mabilis ko siyang nahampas

"Yawa!" sigaw ko at mabilis niya akong inihiga sa kama. Hinalikan niya akong muli sa leeg nung biglang may kumatok. Agad ko siyang tinulak at umupo sa kama. Napakamot pa siya sa ulo niya bago binuksan ang pintuan.

"Daddy can I sleep here?" tanong ni Jace kaya agad akong lumapit sakanya

"Yes baby you better sleep here" sabi ko at binuhat ito

"Istorbo" sabi ni Chase kaya natawa nalang ako.

Pinatulog ko na si Jace at mabuti rin dahil inantok na ako pagkatapos.

"Zayne wake up" rinig kong sabi ni Chase

"Why?" takang tanong ko

"Nawawala yung anak natin" sabi niya kaya mabilis akong napabangon. Wala nga si Jace sa tabi ko.
Inalalayan niya akong bumaba at nagpunta kami ng living room pero wala. Pagdating ko naman si kitchen ay nagulat ako.

"Surprise!" malakas na sigaw ni Jace pagpasok namin ng kitchen.

May nakahain na sa lamesa. Madaming prutas at iba't ibang dish. Bumaba si Jace sa tinatayuan niyang upuan at saka ipinaghila ako ng upuan. Napatingin pa ako kay Chase at humalik naman ito sa noo ko.

"Good morning Señorita" bati ni Jace saakin kaya naupo ako sa upuan na hinila niya at nakangiting humarap.

"Bien" pasasalamat ko

"Bienvenido Señorita" sabi niya at naupo na din sa tabi ko.

"Kain na Mahal" sabi saakin ni Chase at saka naupo na sa may harap namin.

"Kain kana tayo" nakangiting sabi ko naman

"Y'know I'm so lucky to have a parents like you" tukoy saamin ni Jace

Yung totoo 3 years old pa lang ba talaga to?

"We're all lucky to have each other" sabi ko naman kaya mabilis itong yumakap saakin

"Sige na anak kain na" sabi ko at sumunod naman siya.

Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako. Pagbaba ko sa sala ay naabutan ko si Chase na tinuturuan yung anak naming magsalita ng tagalog dahil medyo conyo ito na laging binubully ni Kuya.

"Pretty means maganda" sabi ni Chase

"Like mama?" tanong niya at tumango naman si Chase

"Talaga?" tanong ko

"Yesyesyo Mama!" nakangiting sabi niya

"Take a bath muna tara" yaya ko sakanya

"Mama can Daddy do that?" tanong niya

"Ayaw mo na kay Mama?" tanong ko pero ngumiti siya

"I like you forever Mama. I just don't want you to get tired" sabi nito na humalik pa sa pisngi ko

"Thank you" masayang sabi ko

"Let's go daddy" sabi niya at mabilis na tumakbo papunta ng bathroom.









I never thought that one day I will have my own family and called them home.

Stand by youWhere stories live. Discover now