CHAPTER 43

40 9 0
                                    

Zayne POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi. Nagising nalang ako kanina na andito na ako sa penthouse. Or baka panaginip lang pala yung nangyare kagabi. Masyado na akong stress kaya kung ano ano nalang napapanaginipan ko.

Maayos na lahat ng gamit ko at ready na rin ako. Hinihintay ko nalang si Drei na sunduin ako at ihatid sa airport.

"Zayneeeee!" sabay katok sa pintuan. Lumapit na ako at binuksan iyon.

"Ready?" nakangiting tanong saakin ni Sebastian

"Yes Drei." nakangiti ring sagot ko. Siya ang nagbuhat nung luggage at isang hand bag ko.

Inilagay niya na iyon sa compartment ng sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto sa may passenger seat. Lumingon pa ako sa townhouse tsaka tumingin sa mga guards na mabilis ding nag bow saakin.

Sumakay na ako at ganon din si Drei. Tahimik lang kami sa byahe papunta sa airport. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa Madrid pero sa totoo lang parang merong part saakin na ayaw ng bumalik.

Huminto na yung sasakyan at bumaba na si Drei at pinagbuksan muli ako ng pinto. Lumabas na ako at ibinaba na din niya yung mga gamit ko.

"Keep safe. Kapag may kailangan ka just contact me. Pag maayos na ang lahat sana maisip mo pang bumalik." nakangiting sabi niya

"Salamaaaat Drei. Mag-iingat ka din. Babalik ako wag ka mag alala." sabi ko at niyakap siya.

"Happy trip." sabi niya sabay halik sa noo ko. Sumakay na muli siya ng kotse niya at nagbusina lang tsaka na umalis.

Napatingin naman na ako sa loob ng airport. Pagdating ko ng Madrid sisimulan ko ng kalimutan lahat ng masasakit na alaalang nabuo dito.

Pipilitin ko yung sarili kong wag ka na talagang mahalin Chase. Mahirap pero dapat.

Sinuot ko na yung sunglasses ko at huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad. Hila hila ko yung luggage ko at nakapatong naman doon yung hand bag.

Bumuntong hininga muna ako bago nakangiting sumakay sa plane. Naupo na ako sa pwesto ko na tabi ng bintana. Nagdasal muna ako na sana maging safe ang lahat. Nagsimula ng lumipad yung plane hanggang sa dagat nalang ang natatanaw ko.

The love in us. Lost in the midst of finding a way to mend the shattered promises. We're at the dead end of a wall that can't be breakthrough. And the only way to continue is to let go of each others hand and teach ourselves to move on.

------
Bigla akong nagising at napalingon sa paligid. Para kaming may kanya kanyang mundo. Tumayo ako at inassist ng isang flight attendant.Nagpunta ako ng comfort room dahil naramdaman kong naiihi ako.

Pagkatapos ko doon ay bumalik na ako ng upuan ko. Napalingon ako sa may bintana bago umupo. Bigla akong nalula sa sobrang taas. My vision becames blurry at parang biglang bumaliktad yung sikmura ko until everything turns out.

Nagmulat ako ng mata nung maalala kong nasa flight pa pala ako. Nasa loob ako ng isang kwarto ng plane. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Sinalubong ako ng isang babae.

"Hello Ma'am. Are you feeling better?" tanong niya saakin. Base sa unipormeng suot niya isa siyang flight attendant.

"How many hours did I sleep?" tanong ko habang napahawak pa sa sintido ko.

"Ma'am it's only 5 minutes." sagot niya kaya napakunot noo naman ako.

Feeling ko ang tagal ko natulog tapos 5minutes lang pala.
Bumalik na ako sa kwarto at hinintay nalang hanggang sa mag landing yung plane. 15 hours kasi ang flight papunta ng Madrid galing Pilipinas.

Stand by youWhere stories live. Discover now