CHAPTER 22

36 9 3
                                    

Zayne POV

Wednesday ngayon at balak kong pumunta sa hospital para bisitahin si Coleen. Last na nag-usap at nagkita kami ni Chase ay nung araw
na naaksidente kami ni Coleen.

---

"Zayne please?" pilit saakin ni Coleen.
Nalaman niya kay Ashton na nakikipag race ako kaya gusto niya daw i try.

"No Coleen. Magagalit saakin si Kuya."

"Akong bahala. Please?"

"Still no." sabi ko. Akala ko titigil na siya pero

"Then I will tell him na nakauwi kana." agad lumaki yung mata ko sa sinabi niya

"Coleen I'm trusting you! Stop blackmailing me!" inis na sabi ko at tumayo. Nakipag meet nanaman kasi siya saakin sa YTC

"Sige na Zayne."

"No."

"Just once. Please?"

"Fine." inis na sabi ko

That night magkasama kami. Hindi siya nagpaalam kay Kuya dahil di naman daw siya nito papayagan. Nanalo siya sa race at gamit niya yung Bugatti Chiron ko.

Sobrang inaantok na ako after non pero sinabi kong ihahatid ko siya. Bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa ulo ko. Tulog na si Coleen non nasa passenger seat siya tapos hindi ko na alam yung sumunod na nangyare.

Ang natatandaan ko nalang pag gising ko dumudugo yung ulo ko tapos pag lingon ko kay Coleen mas madami yung dugo ng ulo niya nabasag din yung window ng car ko sa tabi niya.
---

"It's not your fault Zayne." sabi ni Shane saakin.
Kinuwento ko sakanila ni Sheena yung nangyare.

"Sumusobra na yang kuya mo!" inis na sigaw ni Sheena saakin

"Hindi ko naman siya masisisi." sabi ko at napahawak naman sa bewang si Sheena.

"Ayan! Lagi mo nalang inintindi yung iba pero ikaw never inintindi yung side mo." sabi niya. Tama naman siya pero may kasalanan parin ako.

"Tara na nga." yaya ni Shane at pumasok na kami ng ospital.

Nagtanong kami kung saan yung room niya at sinabing 307.
Pagdating namin doon walang nagbabantay kay Coleen. Bibili daw muna ng fruits at flower si Shane at Sheena kaya ako lang muna yung pumasok.

Nakita kong may benda yung ulo niya tulad ko pero pati din pala yung right arm niya.

"Zayne are you okay?" tanong niya nung makalapit ako sakanya

"Coleen I'm sorry." sabi ko

"Sshhh no. Wala kang kasalanan okay?"

"I shouldn't bring you there."

"I'm okay now. Don't blame your self." sabi niya. Bumukas yung pinto pero di ako lumingon akala ko sila Sheena lang yon e.

"What the fuck are you doing here?!" sigaw niya

"Zach she's visiting me." sabi ni Coleen kay kuya.
Agad niya akong hinila palayo kay Coleen.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Look at her! That's all because of you!" sigaw niya

"Zach stop blaming her!
Wala siyang kasalanan please" sigaw ni Coleen

"Shut up Coleen!" sabi ni Kuya

"Then leave me now." biglang sabi ni Coleen kaya napabitaw si kuya sa braso ko.

Bumukas muli ang pinto at nakita ko sila Shane at Sheena. Agad lumapit saakin si Sheena habang si Shane ay nilagay yung pinamili nila sa table.

Stand by youWhere stories live. Discover now