CHAPTER TWO

40 9 0
                                    

Zayne POV

"So when do plan to tell the truth?" tanong ni Vaughn saakin

"Huh?" takang tanong ko naman

"I know you still love him" sabi niya na ikinagulat ko.

"Vaughn?!"

"In denial ka pa." sabi niya na pinisil yung ilong ko

"Selos ka noh?" pang aasar ko sakanya

"Hindi noh kahit magsama pa kayo!" masungit na sabi niya kaya niyakap ko siya

"Papa where are you going?" biglang tanong ni Jace nung nakita niya yung mga bagahe. Hindi ko namalayang pumasok pala siya ng kwarto namin ni Vaughn.

"I need to go back to Madrid baby." naupo siya para maging kapantay si Jace.

"You're leaving?" naiiyak na tanong ni Jace kaya napatingin naman saakin si Vaughn

"Ahm baby, Papa needs to go there and we will follow soon." paliwanag ko at mabilis naman niyang niyakap si Vaughn.

"I will miss you Papa" sabi niya kaya nakiyakap na din ako sakanila.

Naglaro pa sila hanggang sa mapagod si Jace at nakatulog na. Mabilis akong naligo at ganon din si Vaughn para hindi kami mahuli sa flight niya. Habang nagbibihis siya ay naghanap na ako ng masasakyan papuntang airport.

"Vaughn let's go" sabi ko at inilagay naman na niya yung gamit niya sa compartment ng sasakyan.

Sumakay na kami papunta sa airport. Kailangan niya daw bumalik ora mismo kasi may biglaang nangyare. Susunod nalang kami ni Jace kasi may kailangan pa akong ayusin at hindi pa kami nakakapunta kila Mom.

"Zayne" tawag saakin ni Vaughn at hinawakan yung kamay ko

"Hmm?"

"Wala lang mag-ingat kayo ng anak natin."

"Ikaw ang mag ingat kasi may flight ka. Nag-aalala ako sira." sabi ko sakanya.
Hindi na naalis yung trauma ko sa nangyare saamin ni Mom.

"I will." sabi niya na mas hinigpitan pa yung hawak sa kamay ko.

"Andito na tayo." sabi ko at bumaba na kami.

"Have a safe flight Vaughn. Susunod kami."

"I'll wait." sabi niya at hinalikan ako sa labi

"I hope you made the right decision." dagdag pa niya

"I love you" nakangiting sabi ko

"I love you more" sabi niya bago nagsimulang maglakad.

Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa airport at hindi ko na nakita. Paglingon ko doon sa sinakyan namin bigla nalang itong nawala. Siraulo yon iniwan ako. So pano ako uuwi?!

Lord kailangan kong makauwi si Jace magigising na e.

"Zayne?" Yes! ang bilis naman ma-grant nung prayer ko.
Paglingon ko nagulat ako

"Chase?!" gulat na sabi ko dahil siya pala yung tumawag saakin

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya saakin. Itatanong ko din sana yon sakanya.

"Ah naghihintay ng sasakyan siraulo kasi yung sinakyan ko k-

"Sakay kana sakin." sabi niya

"Ha?"

"I mean dito kana sumakay sa kotse ko."

inulet?

"Oo nga pero bakit?" nagugulahang tanong ko

Stand by youWhere stories live. Discover now