CHAPTER EIGHT

25 9 0
                                    

Zayne POV

Nagtext sa'akin si Mommy na nanganak na daw si Coleen. May personal doctor ang mga Grosvenor kaya sa bahay na siya nanganak. Excited akong makita yung mga baby niya kaya ngayon ay papunta kami sa village para bumisita.

Nakahiga si Jace sa may lap ko at mahimbing ang tulog. Nung mag-ring yung phone ay kinuha ko iyon sa bag at nakita ko ang mukha ni Vaughn sa caller ID.

"Vaughn napatawag ka" sabi ko ng masagot ko ang tawag

"I miss you" biglang sabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sakaniya kaya hindi ako nakapag salita agad

"Yung anak ko?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Jace. Anak na kasi talaga ang turing niya dito.

"Tulog" tipid na sagot ko

"Hindi man lang tayo nakapag- usap Zayne" yeah. Pagkatapos nga kasi nung kasal nila ni Sheena ay umalis na agad kami ni Jace

"Ayoko kasing mag isip si Sheena"

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago. Iniisip mo pa rin yung iisipin ng iba sayo" sabi niya at bumuntong hininga

"Vaughn bakit kaba tumawag?"

"Miss ko na kayo Zayne" sagot niya

"Miss kana din namin" malungkot na sabi ko

"Buntis ka pala?" biglang tanong niya

"Ah o-oo e" sagot ko

"Sigurado ka bang anak ni Chase yan?"

Sigurado ka bang anak ni Chase yan
Sigurado ka bang anak ni Chase yan

Pagdating namin sa village ay agad kaming sinalubong ni Mommy. Binuhat ko naman si Jace dahil tulog pa rin siya. Ayoko naman siyang gisingin dahil puyat siya kagabi kakanuod ng anime.

"Mom kamusta po kayo, sila Kuya at saka mga baby?" tanong ko nung makalapit. Binuksan naman ni Mom ang pinto

"Healthy" nakangiting sabi niya.

Naabutan ko si kuya sa living room na masayang nakatingin sa mga anak niya sa loob ng crib Ibinaba ko naman si Jace sa may sofa at napalingon naman saakin si kuya.

"Wow cuties!" sabi ko at mabilis na lumapit doon

"Hi tita Zayne meet Uno and Dos" nakangiting pakilala ni Kuya sakanila.

"Kamukha mo lahat kuya" masayang sabi ko

"Oo nga e wala man lang nakuha sa'akin" biglang sabi ni Coleen na pababa ng hagdan

"HAHAHHA as in lahat talaga kay Kuya" natatawang sabi ko

"Even gender psh!" natatawang sabi din ni Coleen at umirap kay Kuya

"Malakas lang talaga ang genes ko" mayabang na sabi niya

"Kasing lakas ng pag-

"Kuya baka magising si Jace" pigil ko sa sinasabi niya. Puro talaga kalokohan to

"Anak kain ka muna" sabi ni Mommy na may dalang tray

"Sige lang po Mom"

"Kailan pa kayo nakauwi?" tanong niya na umupo sa harap ko

"Ilang weeks na din po Mom"

Kumuha ako ng tinapay at kumain. Napalingon naman ako kay Jace na ngayon ay gising na. Nilukumos nito ang mga mata niya at yumakap saakin.

"Good morning Mama" sabi niya at lumapit kila Mom na yumakap din pati kila Coleen at kuya.

"Zayne may hindi ka ba sinasabi saamin?" biglang tanong ni kuya. Napatingin ako sakaniya at seryoso siyang nakatingin sa mga kamay ko.

Stand by youWhere stories live. Discover now