CHAPTER 20

41 10 1
                                    

Zayne POV

I don't know why he's here. Alam ko namang importante si Coleen sakanya e. Pero medyo weird siya ngayon.

Una sinabi niyang magi-stay siya dito. Pangalawa pinagluto niya ako at panghuli ngayon. Magkatabi kami sa isang sofa habang nanunuod ng movie.

"Zayne?"

"Hmm?" sagot ko tapos ako lumingon.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung paglingon ko ay lumingon din siya kaya dumampi yung mga labi namin sa isa't-isa.

"Sorry." sabi ko at akmang lalayo ng upo sakanya ng bigla niyang hinapit ang bewang ko.

Mapungay ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako dahil hindi ko mabasa kung ano yung gustong iparating ng mga mata niya.

Biglang lumipat yung tingin niya mula sa mata ko pababa sa labi ko kaya dahan dahan din akong napatingin sa labi niya.

Unti unting nagkalapit yung mga mukha namin hanggang sa lumapat na ang labi niya saakin. Napapikit nalang ako habang dahan dahang tumutugon sa mga halik niya.

"I'm sorry." sabi niya nung mapaghiwalay ang mga labi namin

"May gusto kang sabihin diba?" pag iiba ko ng usapan

"Your brother is a real jerk. Now I understand why your trying to avoid him.
Pero bakit ayaw niyang tawagin mo siyang kuya? At bakit. . ."

"Galit na galit siya saakin?" tanong ko at tumango naman siya.

Tumayo ako at pinatay yung TV. Kumuha ako ng drinks and chips tapos umupo ulit sa tabi niya.

"My Mom and Dad died because of me." sabi ko at uminom.

"Alam kong patay na sila pero hindi ko alam na ikaw yung reason. According sa news plain crashed yung sa Mom mo paanong ikaw?"

"When I was young sobrang close kami ni kuya. Halos di kami makatulog at makakain ng hindi magkasama. Grade 2 ako nung naging top1 sa klase. Proud na proud sila Mom at Dad non saakin kaya binilihan nila ako ng book ni J.K Rowling. Favorite ko kasi yon e.

Tapos biglang nainggit si kuya saakin dahil favorite niya din yon. Simula nung araw na yon hindi niya na ako pinapansin.

Tapos isang umaga kumakain kami nilagyan ni Dad ng beef steak yung plate ko then biglang sumimangot si kuya kaya nilagay ko sa plato niya yung steak na nilagay ni Dad sa plato ko. Pero agad siyang tumayo at itinapon yon kaya nagalit si Mom.

"Zach! What's your problem?! Why did you do that?!" sigaw ni Mom tapos bigla akong itinuro ni kuya.

"Bakit ba mas mahal niyo siya?! Dahil matalino siya?" tanong ni kuya kila Mom and Dad

"Zach mahal namin kayo pareho" sabi ni Dad

"Oh come on! Mas mahal niyo siya! Your favorite adopted daughter!" sigaw niya at pumasok sa kwarto niya.

Nagpaulit-ulit saakin yung salitang adopted daughter."

"Then what happen? Adopted ka talaga?" tanong ni Chase kaya tumango ako.

"Tumakbo ako at umiyak. Sa room lang ako palagi hindi ako kumakain at hindi rin natutulog. Tapos nagising ako bigla nasa ospital na ako. Three days akong naka-confine tapos pagkalabas ko ng ospital may binigay si Mom saakin.

Plane ticket sa Disney land. Sobrang na excite ako non. Sobrang saya ko din nung makarating kami. Feeling ko yon na yung best day sa buhay ko.

Tapos pumunta din kami sa Barcelona. Doon sinabi saakin ni Mom na nung 2 years old si kuya hiniling niya na gusto niya magkaroon ng kapatid.Kaso lang nagkaroon ng ovarian cancer si Mom kaya hindi na siya pwede magbuntis.

Lagi daw umiiyak si kuya at gusto niya talaga ng kapatid. Isang araw nagpunta sila Mom and Dad sa bahay ampunan. Ako yung pinakabatang nandon. I was just 2months old kaya ako yung inampon nila Mom.
Then nung pag-uwi nila sobrang saya daw ni kuya. Hindi daw siya makatulog pag hindi ako katabi.

"Nung pauwi na kami ni Mom galing Barcelona biglang sumabog yung sinasakyan namin. Ako lang yung nakaligtas saaming dalawa."

"And that's why he blamed you?" tanong niya at tumango naman ako

"That's pathetic." sabi niya

"Natrauma ako sa nangyare saamin ni Mom hindi ko matanggap at mas lalo lang nagalit si kuya non saakin.

Isang araw ulit pinilit ako ni Dad na lumabas ng bahay. Gusto niyang maging okay ulit ako kaya dinala niya ako sa amusement park.

Ang saya ulit non naramdaman ko nanaman na best day ko nanaman yon tapos biglang. . ."
hindi ko na napigilan at naiyak na ako. Agad lumapit si Chase saakin at niyakap ako.

"Ako dapat yung babarilin pero sinalo ni Dad yung bala na dapat ay saakin." pagpapatuloy ko sa kwento.

"Shhhh. It's okay." sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko.

"And that's why kuya keep on blaming me. Hindi ko sinadya, hindi ko ginusto at mas lalong hindi ko hiniling. Lagi niya sinasabi saakin yan. Lagi niyang pinaparamdam na wala akong deserve sa mundo. Na dapat ay mag-isa lang ako sa buhay. Na dapat ako yon. Ako yung namatay at hindi yung magulang niya.
Sana ako nalang talaga."

"No Zayne. I can't lose you."

Stand by youWhere stories live. Discover now