CHAPTER XII

30 8 0
                                    

Zayne POV

9am na kami nagising ni Jace dahil napuyat kami kagabi sa surprise preparation namin sa pagdating nila tita Scarlett at tito Kairo.

Sa beach 'daw iyon gaganapin kaya excited si Jace. Sa katunayan ay kanina pa siya nag aayang maligo. Wala kasi dito si Chase dahil busy sila kasama niya si Carsyn na kakauwi lang din nakaraang araw.

"Ma'am may dumating po kanina galing sa Mommy niyo" sabi ni Fiona saakin na kasambahay namin. Iniabot niya saakin ang paper bag kaya kinuha ko iyon at sinipat ang laman.

"Huh?" takang tanong ko nung makita ko yung white dress sa loob. Inilabas ko yon at tinignan. Off shoulder ang style niya na may slit sa left leg side. Kinuha ko yung cellphone ko sa drawer at dinial ang number ni Mommy.

"Hello Mom"

"Did you receive-

"Yes at bakit naman po long dress yon Mom?"

"Sinukat mo na ba?" excited na tanong ni Mom

"Huh? Ba't po ganoon ang isusuot ko e Mom beach po 'yung pupuntahan natin?" takang tanong ko

"Hindi lang 'yon basta surprise anak. Dadating 'yung ibang business partners ng mga Doncic kaya dapat presentable ka. Kung gusto mo magdala ka nalang ng swimwear mo pero alam ko namang hindi papayag si Chase" sabi niya kaya nagulahan ako

"Hindi ko gets Mom" reklamo ko

"Basta susunduin nalang namin kayo ng Kuya Zach mo dyan." sabi niya at binabaan ako

"Woaah! Mama are you going to wear that?!" tanong ni Jace

"I don't know" sagot ko

"It's so elegant Mama I think it suits on you" masayang sabi niya kaya tumango lang ako.

"It's already 11 we should prepare now" nakangusong sabi niya saakin.

"Okay let's take a bath" sabi ko at niligo na siya.

Sinuot ko sakanya yung plain na white shirt niya at kulay black na shorts. Sinuot niya na yung favorite niyang stripes na polo.

"Napaka pogiiii!" sabi ko sakanya at hinalikan siya sa noo

"Mana sa daddy" sabi niya kaya natawa naman ako. Medyo marunong na pala siyang magtagalog.

"I'll wait you here" sabi niya saakin at naupo sa may couch sa kwarto niya

"Okay" sagot ko at mabilis na naligo.

Humarap ako sa salamin para tignan 'yung sarili ko. Suot ko yung white long dress na pinadala ni Mom. Jace is right it's really elegant.

" Wow Mama! You're so gorgeous!" sabi ni Jace habang nakatitig saakin

"Really?" tanong ko at tumango naman siya

"Anyway tito and Mamila is here" sabi niya na hindi pa rin inaalis 'yung paningin sa'akin

"Why are you staring at me like that?" natatawang tanong ko sakanya

"You're just really really gorgeous Mama. If daddy will see you he will fall inlove more" sabi niya kaya napayakap ako sakanya.

"Iloveyou" sabi ko at humalik sa labi niya

"Iloveyoutoo Mama" sabi niya at yumakap

Bumaba na kami ni Jace at naabutan ko pang nasa baba sila Mom at Kuya. Tulad ko ay naka white dress din si Mom. At si Kuya naman na naka white din na long sleeve na pinatungan ng black coat.

"Woah! Gorgeous!" biglang sabi ni Kuya na napatayo pa. Humarap naman si Mom saakin at parang naluluha siya

"Bakit po?" tanong ko pero niyakap niya lang ako

Stand by youWhere stories live. Discover now