I was born blind.
Since I was a kid, I never imagine a world full of colors, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nila na makulay ang mundo, kasi, wala akong nakikita.
"The ocean is blue and so as the sky, but it turns orange during sunset, filled with stars in the midnight sky."
Darkness, the only thing that does not leave me since then. Kapag nakapikit ako, nandyan sya... Kapag nakadilat ako.. Hindi sya nawawala. I am turning 17 and I learned to be contented with what I have, kahit na wala akong nakikita, I learned to walk, I learned to speak, I learned so much things. But there's one thing that I still want to learn...
How to dream, in a normal way.
Sa aming mga bulag, nananaginip kami sa pamamagitan ng pandinig. Nakakainis kasi ang sabi nila, sa dreams mo.. Makikita mo ang mga gusto mong makita, pero bakit sa panaginip ko.. Bulag pa rin ako...
2 weeks nalang at 17 na ako. That's when a strange thing started to happen in my dreams.. I met a man.
Since then, he started to appear in my dreams, gabi-gabi.. Lagi kaming nakakapag-usap, and honestly, masaya ako kapag nakakasama ko sya.
I remembered the first time we met each other, sobrang unusual. I frequently dreamed about being in a crowded place full of noise, I was just standing on something and I will start to hear different language. Laging magulo, pero sa araw na iyon, I was sitting on a bench, at sobrang tahimik ng buong paligid.
"Uhm, hi miss." he was the first one to speak when we first met.
"Sino ka? Huwag kang lalapit!" tumuturo ako sa harap ko habang nagsasalita, I was so scared.
"Miss, nasa likod mo ako." he answered na sinundan ng iilang halakhak.
"Anong nakakatawa, nakakatawa bang bulag ang kausap mo? Pasensya ha? Hindi ako nakakakita, hindi ako katulad nyo.." I said sarcastically.
"Oh, I'm so sorry, I didn't mean to offend you. Pasensya ka na, matagal na kasi ako dito, at ngayon lang ako nagkaroon ng kasama. May I seat beside you?"
Hindi ko alam, but even if this man offended me for the first time we talked, his angelic and manly voice makes me feel comfortable. I said nothing, pero tumango ako.
"Emman nga pala, ang you are? " he reached my right hand and holds it on his.. Tila may kung anong enerhiya mula sa lupa ang dumaloy mula sa paa ko hanggang sa buong katawan ko nang hawakan nya ang kamay ko, hindi ako makagalaw, natulala ako..
"Miss, can I know your name? "
"a, uhm, a-I'm Sh-Sheena.. "
"Good! Now, we're not strangers na. So, ano kayang gagawin natin.. Hahaha"
Suddenly.. Kriiiiiiiiiiiiinggg!!!!! Kriiiiiiiiiiiinnnnnnnngggggggggggg!!!!
It's my alarm clock! When I was dreaming, and heard my clock ringing, I will just run and chase from where the sound was coming and magigising na ako. So that's what I've done.
"I'm so sorry but I have to go.. " I said to Emman at tumakbo na ako.
"W-wait.... BUMALIK KA HA? " narinig kong sabi niya habang tumatakbo ako then, snap! Nagising na ako.
BINABASA MO ANG
Eyes Of Love
RomanceLove isn't blind, just open your heart and your eyes will see the right path for your happily ever after."