As I opened my eyes, hindi mapigilan ng aking mga labi na mapangiti.
"Lot 8, Phase 3, Block 9, Greenhills Subdivision....Bernardino Family." paulit-ulit ang mahihinang pagsambit ko sa aking sarili ng address ni Emman, at ng kanilang family name, ayokong makalimutan ito at pilit kong hahanapin. We are one house apart with each other kung magkataong totoo nga!
I can't wait to ask my parents about it, since my mom is in the business field, malamang ay may mga kakilala na sya dito sa lugar namin.
Dali-dali akong tumayo mula sa aking higaan at masayang nagtungo sa aking banyo, sa ilang taon kong paulit-ulit na ginagawa ito, ay nagawa ko nang kabisaduhin kung ilang hakbang ang aking gagawin papunta dito, kabisado ko na ang bahay namin and my room is in the ground floor, so hindi mahirap para sa mga tulad kong bulag na gumalaw mag-isa.
I washed my face and brush my teeth. Paulit-ulit parin sa aking isipan ang address at family name ni Emman. There's a very big part of my heart which believes that Emman is real.
After making my morning routine, lumabas na ako sa kwarto at umupo sa harap ng hapag.
"Good morning anak, how's your sleep?" Mom asked while she's still cooking pancakes.
"I sleep well mom, nasaan po pala si daddy? " I can't feel my dad's presence, kadalasan kasi ay nag uusap sila ni mommy tuwing umaga and he would greet me first before mommy. Pero ngayon, tahimik ang paligid.
"Daddy need to come to work early anak, hindi ka na niya na antay, don't worry, daddy made his promise that he would be with us for dinner!" masayang sambit ni mommy na sinundan ng pagpatay niya sa nakabukas na kalan.
I never mentioned any word at ngumiti lang sa kanya.
She prepared my pancakes and put it in front of me.
"Chocolate or strawberry?" she asked.
"Mom, can I have the two?" chocolate and strawberry syrup that come together is heaven!
"Sure!" she gave me the two syrups and sat on the chair at the next end of the table.
We were both quiet as we eat our breakfast. Alam kong hawak ni mommy ang kaniyang business tablet at nagsisimula na syang magtrabaho.
"Mom? " kinakabahan kong tanong, ngunit mayroong part ng sarili ko na nag-udyok na kunin saglit ang atensyon ng aking ina.
"Honey?" she asked nang may kaunti pang laman ang bibig.
"Hindi po ba medyo familiar kayo sa mga neighbors natin dito?"
"A quite anak why?"
"I am just wondering po if may kakilala kayong Bernardino ang surname..." buong lakas kong tanong sa kanya.
"Bernardino? Hmmm.. Bernardino, Bernardino.. "
Kinakabahan ako habang patuloy si mommy sa pagbanggit sa apilyedo ni Emman na senyales na pilit niyang inaalala kung mayroon nga.
"Anak, excuse me for a moment, kunin ko lang yung notebook ko."
My mom usually notes her clients name to give discounts the next time they avail her company's products.
Kinakabahan pa rin ako ngunit nagpatuloy ako sa pagkain. Hirap akong makalunok sa bawat parte ng pancake na aking sinusubo.
Suddenly, I heard someone pulled the chair and sat back, I know its my mom and she started to speak.
"Ah, Here, mayroon ditong Cassandra Bernardino,at malapit lang sila ha? "
Nagulat ako sa sinabi ni mommy... Totoo kaya? Totoo kaya na malapit lang sa amin si Emman?
"Ta-talaga po? Anong address nila? "
"Lot 8, Phase 3, Block 9, same subdivision sa atin. Ah, si Miss Cassandra, customer ko to nak, sa atin sya kumukuha ng bigas para sa business nila. Bultuhan nga itong bumili eh.. Tsaka dyan lang ang bahay nun, after nung bahay na nasa kaliwa natin yun na yun."
"ah ganon po ba... "
A sudden silence ruled our conversation, hindi ko alam ang maari ko pang itanong to know more about this issue.
"Mommy?" I asked her again.
"Why honey?"
"M-married po si Miss Cassandra diba? "
"Oo nak, I met her husband once.. Bakit? "
"Ah, w-wala po. Mommy may anak kaya sila? " palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko, habang patuloy sa pagtuklas sa katotohanan. Hindi mapigilan ng puso ko na magalak dahil kahit papaano, everything makes sense.
"Sayang nga at wala silang anak, 6 years na din ata sila diyan ng asawa nya pero I never got to see her pregnant, wala din namang bata. Tapos halos wala din tao lagi. Sobrang focused sa business. Bakit mo nga pala natanong?"
"Ah, w-wala, p-po, may nagtanong lang po kahapon. Eh, h-hindi ko po maturo k-kung saan, busy po kayo eh."
Hindi ko alam ang mararamdaman. Para akong binagsakan ng langit at lupa.
"Ah, bakit sino ba ang hinahanap?"
"Emman Bernardino daw po." nagkaroon pa ako ng kaunting pag-asa, pero andami nang tumatakbo sa isip ko, what if may asawa na si Emman? What if sya ang asawa ni Miss Cassandra?
"Anak, ang alam ko kasing name ng asawa ni Miss Cassandra ay Ferdinand.. "
"Ah, baka po kaapelyedo lang.. "
"Ow, I see, basta kapag pumunta ulit anak, sabihin mo lang yung address nila, baka sila ang hinahanap non or kamag-anak nila."
"Mom, I will finish my food nalang mamaya, punta lang po ako sa kwarto."
"Ganun ba? O sige anak, alalayan na kita."
"No need mom, kaya ko na po."
"Ah, sige anak. I love you, work lang si mommy dito."
Ngumiti nalang ako at dali daling pumunta sa kwarto.
Nawalan ako ng gana sa pagkain, nakakainis, ang sakit sakit. Yung tipong nabuo na ulit yung pangarap mo. May inasahan ka nang bagay eh. Tapos biglang hindi naman pala totoo.
Ano ba! Bakit kasi hindi siya totoo!
BINABASA MO ANG
Eyes Of Love
RomanceLove isn't blind, just open your heart and your eyes will see the right path for your happily ever after."