T W O

288 7 1
                                    

Kasama ko ngayon ang kapatid ko na hindi na makapaghintay na makapasok sa dream university niya. Hindi ako pumasok sa trabaho ngayon at nagpapasalamat ako dahil pinayagan ako ni boss na lumiban muna sa trabaho.

Pinark ko na ang sasakyan at bumaba na kaming dalawa. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata ng kapatid ko pagkababa ng sasakyan. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid at lumapit sa akin.

"Ate, totoo na ba to? Ang ganda pala talaga ng University na to." Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Sandy.

"Oo naman. Tara na at baka dumami na ang mga tao. Dala mo na ba mga kailangan mo?" Sabay check ko ng mga kailangang requirements na isa-submit niya sa registrars office.

Dumiretso na agad kami sa registrars office at nagpapasalamat ako dahil kakaonti pa lang ang tao. Pinaupo ko muna si Sandy at pumunta sa isang empleyado.

"Hi, Good morning! I'm Sofie Reyes! Can I ask you?" Nakita ko naman itong nagulat sa pagpapakilala ko sa kaniya. Bawal bang magpakilala o bumati?

"Ms. Sofie Reyes po?" Takang tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya kahit nawi-weirdohan ako sa pagtanong niya.

"M--may kailangan po ba kayo?" Utal nitong tanong sa akin. Mukha ba akong mangangain ng tao para magkanda-utal utal siya sa pagsasalita?

"Uh yes, i-eenrol ko kasi kapatid ko. Kanino ba kami lalapit for her interview?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa akin po, maam, at hindi niya na po kailangan ng interview. Enrolled na po siya. Napanganga ako sa sinabi niya. Agad agad?

"Huh? Eh hindi pa nga ako nakakabayad ng registration fee niya eh. How come that she's already enrolled?" Takang tanong ko sa kaniya. Bigla namang lumapit sa amin ang isang empleyado, may katandaan na rin ito.

"How may I help you, maam?" Tanong nito sa akin habang nakatayo sa gilid ng kinakausap ko. Tumayo naman ang babaeng kausap ko at may ibinulong dun sa isang babae. Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Napatingin naman ako sa sarili ko dahil sa pagtingin niya. Anong problema niya?

"Ms. Sofie Reyes? And your sister is Sandy Reyes, right?" Tanong nito sa akin na ikinabigla ko.

"Yes, but how did you know my sister's name?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Kinukutuban na ako sa kanila ha. Kanina pa ako nawe-weirdohan sa kanila.

"Oh! Binigay sa amin nung nasa baba ang log book kaya namin kayo kilala." Ngiting sagot nito sa akin pero ang kinatataka ko ay yung enrolled agad ang kapatid ko kahit wala pa akong ginagawa.

"Okay pero bakit hindi na kailangang interbyuhin ang kapatid ko? Isn't it unfair to the others?" Daing ko sa kanila. Ang unfair lang kasi sa iba.

"It's not unfair, Ms. Reyes. Your sister have a good grades kaya hindi niya na kailangang interbyuhin." Sabi nito sa akin. At biglang naalala na una pala naming pinasa yung grades niya.

"Okay, thank you for explaining!" Pasasalamat ko rito at pinuntahan na ang kapatid ko.

"Sandy, give me your requirements." Sabi ko rito. Binigay niya naman ang envelope sa akin at hindi na nagtanong kung bakit. Lumapit na ulit ako sa kanila at binigay ang mga requirements. Chineck na nila ang loob ng envelope at tumango.

"Good. Kompleto ang requirements niya. We'll call you, Ms. Reyes once na okay na ang enrollment form niya. Hindi niyo na rin kailangan magbayad ng registration fee dahil nga sa mataas ang grades ng kapatid niyo." Napatango na lang ako sa sinabi niya. So, ganito pala rito kapag mataas ang grades mo.

"Thank you! Mauna na po kami." Pagpapasalamat ko rito at nginitian lang ako ng mga ito bilang sagot. Pinuntahan ko na ang kapatid ko at lumabas na.

"Ate, okay na po ba?" Tanong sa akin ni Sandy pagkalabas ng registrar's office.

"Yes, pero kailangan pa naming bumalik dito para makuha ang registration form mo." Ngiting sagot ko rito.

"Ate, thank you po talaga ha. Dahil sayo makakatungtong ako sa pinakasikat na paaralan dito sa Pilipinas." Teary eyed nitong sabi sa akin.

"Basta para sa mahal kong kapatid." Sabay yakap ko sa kaniya ng mahigpit at hinalikan ito ng paulit ulit sa ulo niya.

Naglibot-libot muna kaming dalawa rito sa University para ma-familiar niya na ang buong campus bago ang pasukan at para hindi na rin ito maligaw.

Matapos ang paglilibot naming dalawa ay hinatid ko na ito sa bahay dahil magkikita kami ng bestfriend kong si Sarah. Nagyaya kasi itong kumain kami sa labas at ewan ko ba dun kung bakit napili niya ang restaurant kung saan minsan nakikitang kumakain si Luca. For sure hindi yun pupunta rito.

"Akala ko iindiyanin mo na ako." Pagrereklamo nito sa akin pagkalapit ko. Napa-roll eyes na lang ako sa kaniya.

"Geez! Alam mo naman na hinatid ko pa si Sandy sa bahay, di ba? Ang drama mo!" Reklamo ko rin sa kaniya pero nagmake face lang ito sa akin. Nang-iinis pa ata tong babae na to.

Tinawag na namin ang waiter para maka-order na kami. Marami-rami ring inorder ang kaibigan ko kaya napailing na lang ako dahil sa katakawan niya.

"Nakita mo na ba yung bagong labas na Vogue magazine? Si President Luca na naman ang cover. Omg! Ang gwapo niya talaga." Sabi nito habang puno pa ng pagkain ang bibig. Disgusting!

"How many times do I have to tell you that don't talk when your mouth is full!" Panggigigil ko sa kaniya habang tinatakpan ko ang bibig niya.

"Di na po mauulit, mama." Asar nito sa akin. I just groaned dahil hindi ko ma-take ang kakulitan niya ngayong araw.

"Tsaka, pwede bang huwag na muna natin pag-usapan si Luca? Hindi mo ba alam na may kasalanan ako dun? Remember?" Sabi ko rito nang maalala yung nangyari kahapon na nabagsakan ko siya ng tawag. Bigla tuloy akong kinabahan. Kahit gwapo siya nakakatakot pa rin siya kahit papaano.

Lahat ng tao sa buong mundo ay President Luca or President Villamayor ang tawag sa kaniya. Ako lang ang hindi dahil hindi ko naman siya makaka-encounter dahil langit yun habang ako, lupa. Sanay na rin si Sarah sa akin kapag Luca lang ang tawag ko sa deadly man.

"Huwag mo nga yun problemahin. Kung nagalit man sayo si President Luca sa pagbagsak mo ng tawag niya eh di dapat gumawa na yun ng hakbang para pahirapan ka." Napaisip ako sinabi niya. She has a point. Kilala namin si Luca at kapag may gumalit sa kaniya ay bibigyan niya ito ng leksyon. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ng bestfriend kong to.

"May pakinabang ka rin pala kahit papaano." Asar ko sa kaniya at kumain na. Tiningnan naman ako nito ng masama.

"Love you, sis!" Bawi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin. Nagkwentuhan lang kami ng dalawa ng random things. Tawa rito at tawa roon. Basta magkasama kaming dalawa asaran at tawanan lang ang palagi naming ginagawa. Napatigil naman kaming dalawa nang biglang may mga pumasok na men in blacks.

"Omg! Nandito na siya." Excited na sabi ni Sarah pagkapasok ng mga nakablack suit na lalaki. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang pumasok si Luca. Nagtama ang aming mga mata dahilan para mas lalong kumabog ang dibdib ko.

"Omg! Nakatingin sa direksyon natin si President Luca." Rinig kong sabi ni Sarah kaya napaiwas na ako ng tingin kay Luca. Geez! Ang gwapo niya talaga at ang hot.

Did we just stare to each other? May girlfriend na kaya siya? Napailing na lamang ako sa mga pinag-iisip ko. Imposibleng mapansin ako ng isang cold hearted at nakakatakot na tao.

~~Please don't forget to vote and comment. 😘

I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]Where stories live. Discover now