Kakatapos lang namin magshopping ng kapatid ko ay tiningnan ang mga kasama nami. Omg! Ang dami pala talaga ng pinamili namin.
"Ate, hindi kaya malugi si kuya Luca nitong pinamili natin?" Tanong sa akin ng kapatid ko ng marealize niyang sobrang dami ng mga pinamili namin.
"Barya lang to sa kaniya, Sandy. Don't worry!" Sabi ko rito at sabay kindat sa kaniya. Lahat ng bodyguards na nakabantay sa amin at pati na rin sila Gina ay puno ang mga kamay ng mga paperbags.
"Ate, restroom lang ako hindi ko na kaya e." Paalam sa akin ng kapatid ko. Pinasamahan ko naman ito kila Gina.
Habang naghihintay sa kapatid ko ay bigla ko na lamang nakita si Philip na kasama ang mga kaibigan niya. Bigla itong napatingin sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin ito pabalik.
Nagsimula itong maglakad papunta sa akin matapos niyang makausap ang mga kaibigan niya. Bigla namang hinarangan ng mga bodyguards si Philip na papalapit sa akin.
"I know him." Sabi ko sa mga bodyguards kaya naman umalis ang mga ito sa pagakakaharang kay Philip.
"Di ka pumasok?" Tanong ko sa kaniya pagkalapit niya sa akin pero parang wala itong narinig at pansin ko rin nakatitig lang ito sa akin.
"Philip?" Tawag pansin ko sa kaniya kaya natauhan ito at napatikhim.
"Huh? Yes, well, I just need more time to think and to move on." Sabi nito na may lungkot sa mukha pero pinalitan agad nito ng ngiti ng mapansin ko ito.
May problema ba siya? Kailangan niya ba ng kaibigan? Aaminin ko na kapag may problema ito ay palagi itong lumalapit sa akin. Wala ba siyang napagsasabihan sa mga problema niya? Philip, pasensya na at umalis ako sa kompanya mo.
"May kasama ka ba?" Tanong nito sa akin habang nagpalinga-linga sa paligid ko. Nakatitig lang ako sa kaniya dahil sa pamamayat nito.
"Ah oo, si Sandy. Nagpasama sa akin mamili ng school supplies niya." Sagot ko sa kaniya at napatingin ito bigla sa mga dala ng mga bodyguards.
"Mukhang marami kayong napamili ah." Ngiting sabi nito kaya nahiya naman ako sa sinabi niya dahil baka isipin niya humihingi ako ng pera kay Luca para bilhin ang mga gusto ko.
"Kuya Philip?" Nabigla naman ako sa pagsulpot ng aking kapatid kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Nagkumustahan ang dalawa samantalang ako ay nakatingin lang sa kanila.
Napansin ko naman ang tingin nila Gina kay Philip at napangiti na lang sa mga titig nila rito. Magandang lalaki rin kasi itong si Philip kaya siguro ganiyan na lamang sila makatingin rito.
"Anyway, I need to go. Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko. Mag-aral ka ng mabuti ha?" Sabi nito sa kapatid ko at lumapit sa akin pagkatapos.
"And you, take care of yourself, okay?" Tumango naman ako sa sinabi niya na may kasamang ngiti.
"Take care of yourself, too." Sabi ko rin dito.
"I will. See you again." Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Umalis na ito at iniwan na kami. Kailan kaya ulit kami magkikita? Nakakamiss din pala ang taong yun.
"Mukhang pumayat si kuya Philip, ate. Ano kayang problema nun at parang pumayat?" Tanong ng kapatid ko sa akin pagkalapit niya. Napatingin na lamang ako sa kaniya dahil hindi ko alam at wala akong alam kung bakit na lamang ganun siya.
I just hope I can get in touch with him again pero yung matagal na para makapagkwentuhan kami sa mga nangyari sa buhay namin after I leave in his company with Sarah.
Papalabas na kami ng mall ngayon nang biglang magring ang cellphone at nakitang si Luca ang tumatawag. Bakit kaya to tumatawag?
"Hello?" Sagot ko sa tawag niya pero walang sumasagot.
"Hello? Luca?" Tawag ko sa pangalan niya pero wala pa ring sumasagot kaya tiningnan ko ang cellphone ko at nasa linya naman ito. Napatingin naman sa akin ang kapatid ko kaya sinenyasan ko itong mauna na sa sasakyan kasama sila Gina.
"Hindi ka ba magsasalita? Ibababa ko na to." Pananakot ko rito pero wala pa ring nagsasalita. Ano ba ang trip ng lalaking to?
"Fuck, Luca! Can you say something? Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Ibababa ko na talaga to." May halo na ring inis ang pagkakasabi ko rito.
"Meet me in my office." Nabigla naman ako sa maawtoridad niyang sabi. Damn! Kahit hindi ko siya nakikita ramdam ko pa rin ang coldness nito.
"Huh? Baki---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niyang binaba ang tawag. Ano ba talaga ang problema ng lalaking yun? Bwisit talaga!
Pumasok na ako sa sasakyan na may inis sa mukha. Damn that guy! Nagsisimula na naman siya. Ano ba ang problema nun? Nakakagago lang talaga siya minsan.
"Ate, are you okay?" Tanong ng kapatid ko sa akin.
"Oo." Tipid kong sagot sa kaniya nang hindi man lang ito tinitingnan.
Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating na kami sa kompanya at bumungad agad sa akin si Jessy pagkababa ko ng sasakyan. Ano bang meron at parang hinintay pa ako ni Jessy dito sa labas ng kompanya.
"Teka, bakit ba kailangan mo pa akong hintayin dito sa labas?" Takang tanong ko sa kaniya pagkababa ko ng sasakyan.
"Utos po sa akin ni President." Sagot nito sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Ihatid niyo na ang kapatid ko." Utos ko kila Gina at pumasok na sa loob ng kompanya at lahat na naman ng atensyon ng mga empleyado ay nakatuon sa akin. Tssk! Lagi na lang bang ganito kapag pupunta ako rito? Hindi pa ba sila nasasanay?
"Maam Sofie, umiinom po ngayon si President Luca." Nabigla naman ako sa sinabi sa akin ni Jessy kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
"Bakit siya umiinom?" Tanong ko rito nang hindi makapaniwala. Unbelievable!
Ano ba ang problema ng lalaking yun at umiinom ng ganitong oras? Matapos ang ilang minutong nakatayo rito sa loob ng elevator ay bumukas na ito kaya dali-dali akong pumunta sa office niya.
"Sige na. Ako na lang ang papasok. Gawin mo na lang mga gagawin mo." Utos ko kay Jessy at pumasok na sa loob ng office ni Luca. Pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang pag-iinom niya ng wine kaya napailing na lamang ako.
Napansin naman ako nito kaya tumayo ito sa upuan niya at lumapit sa akin. Halatang may tama na ito sa paglalakad kaya nilapitan ko na ito at inalalayan.
"You're here!" Sabi nito at bigla akong niyakap.
"Let's go home! You're already drunk." Sabi ko rito habang yakap yakap niya ako. Umalis ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko.
"I'm not drunk." Seryosong sabi nito sa akin kaya hinawakan ko ang mga kamay niya sa mukha ko.
"Bakit ka ba umiinom ng ganitong oras ha?" Mahinhin kong tanong sa kaniya. Ngumiti naman ito ng mapait at lumayo na sa akin.
"I don't know!" Sagot nito sa akin at nilagyan ulit ng alak ang hawak niyang baso kaya nilapitan ko ito.
"Stop! Stop drinking!" Pagpigil ko rito at kinuha ang basong hawak niya. Nabigla naman ito sa ginawa ko at napatingin sa akin. Ano ba talaga ang problema niya at umiinom siya? At bakit niya ba ako pinapunta pa rito? Imposibleng walang dahilan ang pag-iinom niya.
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]
Storie d'amoreSofie Reyes, a good looking and a hot secretary. She's also known for being a loyal and a good secretary to her boss. Simple lang ang buhay nila at isa siyang anak na mapagmahal sa kaniyang pamilya. Luca Villamayor, a cold hearted person. Only son o...