E I G H T E E N

149 1 0
                                    

Mahigit dalawang oras na rin ako rito sa labas at wala pa rin akong balak na pumasok sa loob. Hindi ko rin naman kasi alam ang gagawin ko since nasa iisang kwarto lang kami ni Luca. Hindi rin naman ako makakatulog ng maayos dahil sa kaniya kaya rito na lang muna ako since ang sarap naman ng simoy ng hangin dito. I just wanna be alone tonight.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" Bigla naman akong natuod sa boses na narinig ko and at the same time ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Anong ginagawa niya rito? Akala ko tulog na siya sa kwarto niya.

"Sofie!" Tawag nito sa akin na may pagkainis ang boses dahil hindi ko ito sinasagot kaya naman nilingon ko na ito.

"What?" Inis kong tanong sa kaniya. Ewan ko ba bigla na lang tuloy akong nainis sa kaniya.

"Ano bang ginagawa mo rito? You're just walking back and forth and doing nothing." Nagulat naman ako sa sinabi nito. Kanina niya pa ba ako pinagmamasdan?

"Seriously, Luca? Sinundan mo ba ako nung paglabas ko?" Tanong ko sa kaniya. Bigla naman nag-iba ang ekspresyon nito sa tanong ko.

"Ano bang problema mo at nagkakaganiyan ka?" Tanong nito sa akin na kinatawa ko.

"Ako talaga ang tinatanong mo? Ikaw, ano bang problema mo at ganito ka sa akin ha?" Pagbalik ko ng tanong niya sa akin. Ako talaga ang tinatanong niya ng ganiyan? Seryoso ba siya? Sa ilang araw na hindi niya pagpansin sa akin, hindi niya ba alam yun?

"What? Why are you not answering my question?" Tanong ko ulit sa kaniya. Hindi ito sumasagot at nakatingin lamang sa akin.

"Nevermind! Just don't ans---" Bigla na lamang naputol ang sasabihin ko nang bigla niya na lang akong halikan. Damn! bakit parang namiss ko ang mga halik niya? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpadala na lamang sa nangyayari.

Mahigit isang minuto rin namin inangkin ang bawat labi ng isa't-isa at nang matapos ay bigla niya na lamang akong binuhat papasok ng bahay. Nakarating kami ng kwarto na walang taong nakakita sa amin. Buti na lang talaga at tulog na rin ang mga tao rito sa bahay.

Dahan dahan niya akong hiniga sa kama at pumatong sa akin. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mangyayari at isa pa, yung mga tingin sa akin ni Luca. Alam kong may mga laman ito.

Inabot nito ang isang kamay ko at hinalikan. Unti-unti na rin niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha at tinitigan akong mabuti. Matapos ang ilang segundong titig niya sa akin ay bigla niya na lamang akong sinunggaban ng halik and I can say that it was different before. He's more gently and careful tonight at naninibago ako.

"I love you" Mahinang sabi nito sa gitna ng aming halikan. Bigla akong natigil sa paghalik sa kaniya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Mahal ko na rin ba siya? I'm not sure. I'm not sure about my feelings anymore. Hindi ko pa naranasan ang mainlove at magmahal kaya wala akong ideya kung ano ba talaga tong nararamdaman ko towards him.

Bigla itong tumigil sa paghalik maybe it's because nahalata niyang nagulat ako sa sinabi niya. Tiningnan ako nito sa mga mata at unti-unti akong binigyan ng isang ngiti na ngayon ko lang nakita. He kissed my forehead at umupo na sa gilid ko habang nakatingin sa akin.

"Luca." Pagtawag ko sa pangalan niya at umupo na rin galing sa pagkakahiga niya sa akin. Inalalayan naman ako nitong umupo.

"I... I don't know what to say... I don't even know what I am feeling right now." Sabi ko rito habang nakayuko. Bigla naman nito hinawakan ang baba ko at tinaas ang tingin sa kaniya.

"I'll wait." Sabi nito at niyakap ako. Niyakap ko rin ito pabalik at napangiti sa narinig ko. I didn't expect him to say those words. He'll wait for my answer but my problem is since when? Kailan ko ba malilinaw ang nararamdaman ko towards him?

Kumawala ako sa yakapan namin at tiningnan ang mukha nito na ibang-iba ngayon, makikita mo rito ang sincerity at saya. Ngumiti ito bigla sa akin kaya naman nginitian ko rin ito.

"I think we should sleep now. I don't want my future wife to have a dark circle under her eyes." Ngiting sabi nito kaya naman tumango na lamang ako. Tama ba yung narinig ko? Future wife? Bigla ko namang naramdaman ang biglang pag-init ng mukha ko nang balikan ko ang sinabi niya.

Hindi ako makatulog sa hindi ko malamang dahilan. Sobrang higpit din ng yakap sa akin ni Luca na para bang ayaw akong makawala. Inilapit ko ng kaonti ang mukha ko sa kaniya at tinitigan ko ng mabuti ang mukha nito at masasabi kong para itong greek God sa sobrang gwapo.

Ngayon ko lang natitigan ng maayos ang mukha ni Luca. Mahaba ang mga pilikmata, mapupula ang labi, matangos ang ilong at ang ganda rin ng hugis ng mukha nito. Sobrang kinis din ng mukha nito na para bang babae sa kakinisan.

Bumalik ulit ang tingin ko sa mga labi nito at napalunok ng laway. Damn! Ano bang pinag-iiisip mo, Sofie. Come to your senses, will you? Napailing na lamang ako at bumalik na sa pagkakahiga ko.

Masaya ako na ganito na ulit kami, I mean, yung okay na at walang umiiwas at humahabol. Pero hindi pa rin ako mapalagay sa bestfriend niya. I want to ask him more about that girl, Hannah.

I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]Where stories live. Discover now