S I X T E E N

153 1 0
                                    

Tatlong araw na rin ang nakakalipas matapos ang paglalasing ni Luca sa loob ng kompanya. Hindi rin ako nito pinapansin o tinatapunan ng tingin at hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ako nasasaktan sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin.

Nandito pa rin ako sa loob ng kwarto kahit tanghali na at nagkukulong lang. Wala rin akong ganang kumain dahil sobra talaga akong naaapektuhan sa pag-iiwas niya sa akin. Bigla namang naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang telepono sa side table.

"Maam Sofie, nandito po ang mga magulang niyo." Sabi ng katulong sa kabilang linya.

Bigla naman akong nabuhayan sa sinabi niya kaya dali-dali akong nag-ayos at bumaba ng hagdan. Nakita ko naman ang mga magulang kong nakaupo sa may living room na nakangiting nakatingin sa akin. Nginitian ko naman ang mga ito pabalik at niyakap ng mahigpit pagkalapit. Isang linggo rin nila akong hindi dinalaw.

"May problema ba, anak? Bakit ganiyan ang mukha mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mama.

"Masakit lang po ang ulo ko." Pagsisinungaling ko sa kanila kahit si Luca naman talaga ang dahilan. Argh! Luca! Luca! Luca!

"Anak, kung may problema man kayo ni Luca pag-usapan niyo hindi yung ganito kayo. Nadadaan yan sa mahinhin na pag-uusap." Payo ng papa ko sa akin. Nginitian ko naman ito ng pilit at nagsalita.

"Pa, don't worry! Wala kaming problema tsaka okay na okay po ang pagsasama namin. Sa katunayan nga magkikita kami ngayon." Pagsisinungaling ko ulit sa mga magulang ko. My God, Sofie! Kailan ba siya nagsabing magkita kayo ngayon?

"Ganun ba?" Tanong sa akin ni mama kaya tinanguan ko ito.

"Bakit hindi ka pa nakabihis kung magkikita kayo ngayon?" Tanong ulit sa akin ni papa. My God! Parang mahuhuli ako ah. Isip ulit ng dahilan, Sofie!

"Oh siya, pumunta lang naman kami rito ng papa mo para dalhin tong paborito mong adobo at sinigang. Aalis na rin kami dahil may pupuntahan pa kami." Hindi na ako nakapagsalita pa nang magsalita si mama kaya naman laking pasasalamat ko rito dahil kung hindi ito nagsalita agad for sure mahuhuli ako nito.

Nagpaalam na rin ang mga magulang ko sa akin dahil dumaan lang daw sila para ibigay sa akin yung mga paborito ko. Naibagsak ko naman ang buong katawan ko sa couch pagkaalis nila dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Shit! Shit! Shit! Ano ba ang kailangan kong gawin para hindi kami ganito ni Luca? Bwisit talaga! Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako napapraning sa kakaisip ng paraan para maging maayos na ulit ang pakikitungo sa akin ni Luca? Tssk tssk!

Eh kung totohanin ko kaya yung sinabi ko kanina sa mga magulang ko? Malapit na rin naman mag-lunch at wala namang problema kung ayain ko siya since fiancee niya naman ako. Great! Pupuntahan ko na lang siya sa kompanya.

Dali-dali akong naligo at nag-ayos para makapunta agad sa kompanya. Gusto ko ring sorpresahin si Luca kahit ngayon lang. Aba! Ayaw ko ring masabihan ng iba riyan na palagi na lang siya nag-eeffort for me.

"Manong, sa kompanya po tayo." Sabi ko kay Manong na pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Manang Arlyn, huwag niyo na lang pong sabihin kay Jessy na pupunta ako sa kompanya. Gusto ko kasing sorpresahin si Luca." Sabi ko rito dahil hinatid pa ako nito rito sa sasakyan.

"Wala hong problema, maam Sofie." Ngiting sabi nito kaya nginitian ko rin ito. Pumasok na rin ako sa sasakyan at pinaandar na rin ni Manong ang engine nito.

Hindi ko alam kung bakit excited akong makita si Luca, is it because I am expecting him to be surprised? Or is it because makakasama ko si Luca? Kahit ano pa sa dalawa basta bumalik lang ang dating pakikitungo niya sa akin hindi yung umiiwas siya sa akin.

Nakarating na kami ng kompanya at hindi ko alam kung bakit sobrang ngiti ko ngayon. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok na sa kompanya. Lahat ng empleyado ay nakatingin sa akin pero hindi ko na lang sila inintindi dahil si Luca ang pinunta ko rito at hindi sila.

Pumasok na ako sa elevator at matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa floor kung saan ang office ni Luca. Hindi na ako nag-atubili pa at naglakad na papunta sa office ni Luca. Nakita ko namang nagulat si Jessy sa presence ko kaya naman nginitian ko ito.

"Hi, Jessy!" Bati ko rito. Nginitian naman ako nito at nagbow ng slight.

Pumasok na ako sa loob nang hindi man lang ako kumatok. Nakita ko naman itong nagulat sa pagdating ko kaya nginitian ko ito nang may pag-aalangan. Damn! Bakit kanina sobrang ngiti ko tapos ngayon natatameme ako?

"Why are you here?" Cold nitong tanong sa akin at bumalik na ulit sa ginagawa niya. Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita.

"Busy ka ba?" Tanong ko rito. Tumingin naman ito sa akin at bakas sa mukha nito ang pagka-blangko.

"Uhm... yayayain sana kitang kumain." Sabi ko ulit dito. Nakatingin lang ito sa akin at ganun din ako. Walang umiimik sa amin nang bigla itong tumayo at naglakad papunta sa akin.

"I'm busy. You better go home!" Cold ulit na sabi nito pagkalapit sa akin at nilagpasan ako.

Lumabas ito ng opisina kaya sinundan ko ito. Nakita ko naman itong papasok sa elevator kaya naman sinundan ko ito. Dali-dali na akong naglakad kaya naman naabutan ko rin ito sa wakas.

"Let's talk!" Sabi ko rito pagkasara ng elevator. Nakatingin lang uilit ito ng blangko sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Ano bang problema ha? You've been ignoring me for almost 3 days." Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit niya ako hindi pinapansin.

"Please talk to me, Luca! Please!" Pagmamakaawa ko rito dahil nakatingin lamang ito sa akin at hindi ko rin mabasa ang mukha ang nito. Mahigit ilang minuto rin kaming nagtitigan nang bigla itong magsalita.

"Just go home, Sofie!" Sabi nito sa akin na kinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Hanggang ngayon ba wala siyang balak na kausapin ako?

Biglang bumukas ang elevator at nilagpasan ako samantalang ako ay naiwang nag-iisa sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga gawi niya nagyon. Nagkakagusto na ba ako sa kaniya? Hindi ko naman ito ginagawa sa kaniya dati, di ba? Luca, what I have done to you at bigla mo na lang akong hindi pinansin?

I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]Where stories live. Discover now