Umuwi na lamang ako nang wala akong mapala sa pagpunta ko kay Luca. At kailangan ko rin linawin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Wala akong ibang mapagsabihan ng problema ko kaya tanging ang sarili ko lamang ang makakatulong sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sobra na akong nalilito sa nararamdaman ko. Bigla naman natuon an atensyon sa cellphone ko nang bigla itong tumunog kaya naman kinuha ko ito sa side table at nagulat sa kung sino ang tumatawag, it's Luca. Huminga muna ako ng malalim at sinagot ito.
"He--hello?" Sagot ko rito but shit! Bakit ba ako nauutal at bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?
"Open your door." Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko. Is he outside? How? When? Napailing na lamang ako at dali daling inayos ang sarili ko pagkababa ko ng tawag.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa may pinto. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito buksan and yes, he's here nga talaga but why? Sumunod siya sa akin? But didn't he said that he's busy kaya niya nga ako pinauwi? Damn Sofie! Cut those questions at tumutok ka na lang kay Luca na sobrang cold ang dating.
"My friend will be coming here tonight and I want you to move in my room." Nagulat naman ako sa sinabi nito. Sa kwarto niya? Teka, sinong kaibigan ba yan and bakit kailangan ko pang lumipat sa kwarto niya?
"Huh? W--why should I--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya na lang itong putulin.
"Just do what I say, Sofie. Everyone knows that we are engaged so that's the right thing to do for us not to get caught." Natahimik na lamang ako sa sinabi niya at tiningnan siya sa mukha at sa mga mata. Damn! Why am I missing this guy so much?
"I'm sorry!" Paghingi ko ng tawad rito kahit hindi ko naman alam ang nagawa kong kasalanan. Damn! Ang hirap kaya kapag ganito kami. I'm not used to this.
"Take a rest and Manang Arlyn will transfer your things in your room" Tanging sagot nito sa akin at iniwan na ako. Tiningnan ko lang ito habang papalayo sa akin. Why? Why I am feeling this way? Did I really fall inlove with him kaya ako nagkakaganito? Napailing na lamang ako sa pinag-iisip ko at sinundan ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
"Maam Sofie, pinapatawag na po kayo ni President Luca." Sabi sa akin ni Cath kaya naman tumayo na ako at bumaba. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko para naman presentable ako sa harap ng friend ni Luca. And by the way, I'm at his room na pala na.
"She'll be here in a minute. What took you so long?" Sabi nito sa akin pagkababa ko. But wait, she?
"Babae ang friend mo?" Tanong ko rito pero hindi niya na ito nasagot dahil biglang dumating ang kaibigan niya at sinalubong ito. Naiwan naman ako sa kinatatayuan ko at tiningnan ang bisita namin. Maganda siya. Well, mas maganda pa rin naman ako sa kaniya.
"Sofie" Tawag sa akin ni Luca after ng yakapan nila kaya lumapit na ako sa kanila. Napatingin naman sa akin ang kaibigan niya at tiningnan ako mula hanggang paa. Buti na lang talaga at nag-ayos ako.
"Oh hi! I'm Hannah, Luca's friend." Sabay abot nito ng kamay niya sa akin kaya inabot ko rin ito at binitawan pagkatapos.
"Well, I guess your taste doesn't change. I mean, look at your fiancée and me there's no difference." Sabi nito na kinagulat ko dahil bigla nitong hinawakan ang kamay ni Luca at ngumiti.
"You really haven't change at all, Hannah." Ngiting sabi rin nito kay Hannah. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa nakikita ko. At ngayon palang nag-sink in sa utak ko na may tumawag kay Luca na Hannah din ang pangalan noong magkasama kami. Posible bang ito yung babaeng nakapagpaamo kay Luca noon? Bakit may nararamdaman akong hindi tama?
Natapos na ang dinner namin at parang sila lang na dalawa ang magkasama sa dinner table dahil sila lang ang nag-uusap at hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Luca habang kumakain kami hanggang sa matapos. Ang bigat pala sa dibdib ng ganito na parang wala ka lang kahit nandiyan ka naman sa tabi nila.
Pumasok na lamang ako sa kwarto ni Luca dahil dito ako matutulog ng 1 week since 1 week ang stay ni Hannah dito sa Bahay. At isa pa, I'm out of place naman sa kanilang dalawa. Halatang malalim ang pinagsamahan ng dalawa the way they talk and cherish their memories. Napangiti na lamang ako ng mapait dahil sa nararamdaman ko. Ito na ba ang selos?
It's been 2 hours since pumasok ako rito sa kwarto pero hindi pa rin sumusunod sa akin si Luca. Mukhang napapasarap ang usapan nila ng kaibigan niya ah mapuntahan nga sa baba. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla itong bumukas kaya naman napaatras at iniluwa nito si Luca.
"Luca." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Tiningnan lamang ako nito at nilagpasan. Napabuntong hininga na lamang ako at sinundan ito papunta sa banyo pero hindi na ako pumasok pa sa loob at sumandal na lamang sa pader.
"Pwedeng magtanong?" Sabi ko rito pero walang sumagot.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Hannah? Kasi sobrang close niyo." Pag-aalangan kong tanong sa kaniya. Lumabas na ito ng banyo at tiningnan ako.
"Why do you ask?" Tanong nito sa akin na para bang walang pakialam at kagana-ganang tanong sa akin. Ano ba! Bakit ka ba talaga ganito sa akin? Nasasaktan ako sa ginagawa mo at hindi ko na alam ang gagawin ko para bumalik yung dating pakikitungo mo sa akin?
"Nothing. Just don't mind it." Tanging sagot ko na lamang sa kaniya dahil ang bigat na sa dibdib ng pakikitungo niya sa akin ngayon at noong mga nakalipas na araw. At hindi ko na rin kaya ang bigat ng nararamdaman ko.
"Lalabas muna ako at magpapahangin." Paalam ko rito at dali-daling lumabas ng kwarto niya. Bigla namang pumatak ang mga luha ko pagkalabas ko siguro dahil na rin sa bigat na nararamdaman ko. Bakit? Bakit kailangan mangyari to? May kasalanan ba akong nagawa para gawin niya ito sa akin? I really don't have any clue kung bakit siya nagkakaganito sa akin. I'm so clueless.
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]
RomanceSofie Reyes, a good looking and a hot secretary. She's also known for being a loyal and a good secretary to her boss. Simple lang ang buhay nila at isa siyang anak na mapagmahal sa kaniyang pamilya. Luca Villamayor, a cold hearted person. Only son o...