F I F T E E N

157 4 0
                                    

May ganito bang presidente ng kompanya na umiinom habang nasa trabaho? Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala na rin naman akong ibang choice kundi ang tulungan siya sa paglalakad.

"Ano ba, Luca! Ayusin mo nga ang paglalakad mo." Inis kong sabi rito dahil nadadamay ako sa pagewang-gewang niyang paglalakad. At isa pa, naka-heels ako kaya ayusin niya ang paglalakad niya.

"You smell so good." Sabi nito sa akin pagkalabas namin ng office niya at dahil sa lakas ng pagkakasabi niya nito ay napatingin sa amin ang mga empleyadong dumadaan.

"Lower your voice, will you?" Bulong kong sabi rito at nagsimula na ulit maglakad papunta sa elevator niya.

"Maam Sofie?" Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jessy mula sa likod. Pumunta naman ito sa harap namin at parang nagulat sa nakita niya.

"Jessy, ikaw na ang bahala rito. Naparami na ang inom ni Luca kaya kailangan ko na rin siyang iuwi." Sabi ko rito habang inaalalayan si Luca na sobrang lasing. Tumango naman ito at inalalayan ako kay Luca hanggang sa may elevator.

"Thank you! We'll go ahead!" Pagpapasalamat ko rito at nagbow naman ito sa amin.

Sumara na ang elevator at kami na lang ulit ang magkasama pero nabigla na lamang ako nang bigla itong humarap sa akin at unti-unting inilapit ang mukha niya sa akin. Damn this guy! Palagi niya na lang tong ginagawa sa akin dahilan para paulit-ulit na mahigit ko ang hininga ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya dahil baka matumba ito kapag nawalan ng balanse pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ay bigla niya na lamang akong sinunggaban ng halik. Fuck!

"Lu... Luca..." Tawag ko sa pangalan niya habang hinahalikan niya ako ng marahas, tinutulak ko ito pero hindi ko kaya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla nitong kinuha ang mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

Pumapalag ako pero hindi ko kaya ang lakas niya. Umiiwas ako pero palagi niyang nahuhuli ang mga labi ko hanggang sa hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa niya at nagpadala sa nangyayari.

Matapos amg ilang segundo ay tinraydor na naman ako ng sarili ko at sumasabay na ako sa bawat halik niya sa akin. Palalim ng palalim ang halikan namin nang biglang gumapang ang isa niyang kamay sa legs ko.

Itinaas nito ang fitted skirt ko at hinaplos haplos ang legs ko. Napasinghap na lamang ako dahil para akong nakoryente sa haplos niya. Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya pinaikot ko na ang mga kamay ko sa leeg niya dahil sa sensasyong nararamdaman ko.

Bumalik ang halik niya sa mga labi ko at naramdamang mas lalo niya pang tinaas ang fitted skirt ko. Naabot na nito ang garter ng underwear kaya hinawakan ko na ang kamay nito pero nabigla na lamang ako nang pwersahan niyang ibinaba ang underwear ko kaya naitulak ko ito dahilan para mapasandal ito sa dingding ng elevator.

"What are you doing?" Galit kong tanong sa kaniya at tiningnan ito ng masama habang inaayos ang suot ko. Nakayuko lang ito at parang nawalan ito ng lakas sa pagkakatulak ko.

Sakto namang bumukas ang elevator pagkaayos ko ng sarili ko at nakitang nakaabang pala sa amin ang mga bodyguards namin. Sigurado akong sinabihan ni Jessy ang mga to.

"Kayo na ang humawak sa kaniya." Utos ko sa mga ito at kinuha naman agad nila si Luca at inalalayan sa paglalakad palabas ng kompanya at papunta sa sasakyan.

Nauna naman akong naglakad papunta sa sasakyan dahil sa inis nang bigla kong makita ang sasakyan ni Philip sa di kalayuan kaya napatigil ako sa paglalakad. Napatigil din ang mga bodyguards sa pagtigil ko pati na rin yung umaalalay kay Luca.

"Ipasok niyo na siya sa sasakyan at may kakausapin lang ako sandali." Sabi ko sa mga ito at nagmadaling pumunta kay Philip.

Naramdaman ko namang may mga sumunod sa aking bodyguard pero hindi ko na lang ito pinansin. Bigla namang bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa nito si Philip.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Philip pagkalapit ko sa kaniya.

"Napadaan lang ako at saktong papalabas ka ng kompanya kaya hindi na muna ako umalis." Sagot nito sa akin kaya napatango na lamang ako.

"What happened to him?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa direksyon kung saan naghihintay yung sasakyan. Alam kong si Luca ang tinutukoy niya.

"Well, he swam in alcohol kaya kailangan ko na iuwi." Walang ganang sagot ko rito dahil wala akong ganang pag-usapan ang gagong yun.

"Whoa! Ibang klase nga talaga ang lalaking yan." Iling nitong sabi kaya napangiti naman ako ng bahagya.

"Pano? Mauna na ako't mukhang magiging busy ka pa sa kasintahan mo." Ngiting sabi nito sa akin pero may lungkot naman ang mga mata nito.

"Take care, okay?" Ngiting sabi ko rito at tumango naman ito. Pumasok na ito sa sasakyan niya at hinintay ko itong makaalis bago pumunta sa sasakyan namin.

Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ko si Luca. Mukhang hindi ako makakapagpahinga dahil sa kaniya. Naglakad na ako papunta sa sasakyan at nakitang wala sa loob ng sasakyan si Luca. Nilibot ko naman ng tingin ang buong paligid pero hindi ko ito makita.

"Nasaan si Luca?" Tanong ko sa isang bodyguard pero bigla na lamang nagsalita sa likod ko si Luca.

"Kanina nagkita kayo sa mall pati ba naman dito, harap-harapan, Sofie?" Humarap naman ako pagkatapos niyang magsalita. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"You're mine! You're mine alone, Sofie! Tandaan mo yan!" Mahinang sabi nito sa akin na may diin at itinulak ako ng mahina. Pumasok na ito sa loob ng sasakyan samantalang ako ay nakatulala sa ginawa niya.

Ano ba ang problema niya at nagkakaganito siya? Ano bang problema kay Philip at nag-iinit ang dugo niya rito? Kaya ba siya uminom is because we met accidentally in mall? Napabuntong hininga na lamang ako bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Nakarating kami ng mansyon na wala man lang sa aming kumikibo tanging ang engine lang ng sasakyang ang naririnig namin buong biyahe. Nauna itong bumaba at pumasok sa loob ng mansyon ng pagewang-gewang.

Nandito pa rin ako sa loob ng sasakyan at iniisip kung paano pakisamahan si Luca nang hindi ito gumagawa ng kalokohan. Napailing na lamang ako at napabuntong hininga sa mga iniisip ko. Pang-ilang beses ko na rin tong pagbuntong hininga ko simula kaninang umaga.

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko at wala na rin akong balak kumain pa ng hapunan. Ni-lock ko na rin ang pinto ko para walang pumasok at umistorbo sa akin. Kailangan ko ring makapag-isip isip para sa sarili ko at para sa mga susunod na araw na nasa piling ako ni Luca. Ayaw kong palagi kaming ganito.

I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]Where stories live. Discover now