Kinuha na ni Sofie ang towalyang nasa sahig habang ako ay nakahiga sa kama niya ng walang saplot. Pinagmamasdan ko lang ito sa ginagawa niya hanggang sa makapasok na ito sa banyo. Fuck! Why are you so goddamn hot?
*flashback*
Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko at nandito kami sa isang club. May mga ka-table itong mga babae samantalang ako ay abalang umiinom at nakatingin lang sa kawalan. Lahat ng babae ay nagkakandarapang makalapit sa akin at pilit akong nilalandi pero wala akong pinapansin na kahit isa sa kanila. Ayaw ko sa babaeng hinahabol ako.
Inom lang ako ng inom nang may mahagip ang mga mata kong isang babae, napakaamo ng mukha nito, maganda rin ito at higit sa lahat ay napakaganda rin ng katawan. Ang ganda rin ng mga ngiti nito kaya hindi na nawala ang tingin ko rito. Napatingin naman ako sa mga kasama niya. Isang lalaki at isang babae, siguro mga kaibigan niya ang mga ito.
"Hi!" Rinig kong bati sa akin ng isang babae pero hindi ko ito nilingon. Nakatuon lang ang pansin ko sa isang babae. Napansin ko namang tinulak nito ang bodyguard na nakaharang sa kaniya at bigla na lang umupo sa tabi ko.
"Ang gwapo mo pero napakasungit mo. Pansinin mo naman ako." Sabi nito sa akin habang hinahaplos ang braso ko. Tumingin ako rito at binigyan ito ng masamang tingin.
"Chill! I just want to feel your lips, President Luca." Malanding sabi nito sa akin at hinawakan ang mga labi ko. Hahalikan na sana ako nito nang bigla kong hawakan ng mahigpit ang kamay niya. Ayaw ko sa lahat ay ang katulad niyang makating babae.
"Ouch! Let me go!" Sabi nito sa akin habang namimilipit sa sakit. Tinayo ko ito at tinulak ng malakas kaya napaupo ito sa sahig at napaiyak. Wala akong pakialam kung umiyak pa siya dahil kahit kailan wala akong kinakaawaan lalo na't yung mga katulad niya.
"Alam niyo na ang gagawin niyo diyan!" Maawtoridad kong sabi sa mga bodyguard ko at umupo na sa upuan ko.
"Kailan ka ba ulit magkakagirlfriend huh? Lahat na lang ng babaeng lalapit sayo palagi mong di pinapansin." Sabi ni Jacob sa akin kaya I gave him a death glare. Natahimik naman ito at pinagtawanan ito ng mga kaibigan namin.
Hinanap na ulit ng mga mata ko ang babaeng nakita ko kanina pero wala na ito sa pwesto niya kaya tumayo ako para hanapin ito. Fuck! That bitch, it's her fault kaya nawala sa paningin ko yung babae.
Dahil sa inis ko ay tinawagan ko si Jessy at pinapunta rito sa club para ipahanap sa kaniya yung babae. Fuck! Where is she? Hindi na maalis sa isip ko ang mukha niyang maamo at napakaganda. Kailangan ko siyang makita kaagad.
Matapos ang isang araw ay nalaman ko na kung sino ang babaeng nakita ko sa club, Sofie Reyes pala ang pangalan niya. Napag-alaman ko rin na nagtatrabaho ito sa mga Villanueva at isa itong secretary. Now I finally found you, you'll be mine!
*end of flashback*
Kinuha ko na ang damit ko sa sahig at nagbihis na. Hindi pa rin lumalabas si Sofie sa banyo kaya pumasok na ako sa loob para tingnan kung ano na ang ginagawa niya. Hindi ako pumasok ngayon sa kompanya dahil gusto kong makasama si Sofie buong araw.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito sa akin kaya humarap na ako sa kaniya. Napatingin ako sa suot niya at napangiti ng palihim dahil mas lalo itong gumanda sa suot niya.
"Maghanda ka at aalis tayo." Sabi ko rito ng seryoso at iniwan na siya. Naisipan kong ipasyal ito at para na rin makita ng lahat na akin lang siya at kaniya lang ako.
Sofie's POV
Nag-ayos na ako tulad ng sinabi ni Luca at bumaba na pagkatapos. Hindi na rin ako nagpalit ng damit dahil maganda na rin naman tong suot ko. Nakita ko naman itong naghihintay sa sala kaya naglakad na ako palapit sa kaniya. Napansin ko naman ang suot niya.
"Sinadya mo bang ipareha ang damit mo sa damit ko?" Taas kilay kong tanong sa kaniya pero tiningnan lang ako nito ng sobrang lamig.
"Let's go!" Pagyaya nito sa akin at iniwan na lang ako bigla. Naikuyom ko naman ang mga kamao ko dahil sa inis. Bwisit!
Sumunod na ako sa kaniya palabas ng mansyon ng nakabusangot. Nakita ko naman itong naghihintay sa akin sa labas ng sasakyan at sinenyasan na akong pumasok kaya pumasok ako sa loob ng sasakyan ng padabog at sumunod na rin ito.
Biglang nag-ring ang cellphone niya sa gitna ng biyahe namin kaya napatingin ako sa kaniya. Tiningnan muna ako nito bago niya sinagot yung tawag. Umiwas na ako ng tingin sa kaniya at tumingin sa bintana.
"What is it?" Rinig kong sagot nito sa tawag na para bang naiinis. Nakikinig lang ako sa kaniya ng palihim.
"Will you please stop calling me. I'm with my fiancee." Para naman akong kinilig sa sinabi niya. Sino kaya yang kausap niya? Tiningnan ko ito ng palihim at nakitang seryoso ang mukha nito.
"Hannah" Mahinhin nitong tawag sa pangalan ng kausap niya at napalingon sa akin. Nagtama ang aming mga mata kaya umiwas ako ng tingin. Hannah? Sino si Hannah at bakit parang napaamo niya si Luca eh kanina lang naiinis ito.
Binaling ko na lamang ang atensyon ko sa mga sasakyang dinadaanan namin at hindi na lang inintindi ang narinig ko. Saan kaya kami pupunta? Mahigit sampung minuto na kaming bumabiyahe. Nabigla na lamang ako nang biglang hawakan ni Luca ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya.
"What are you doing?" Takang tanong ko sa kaniya pero mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay ko. Pinagmasdan ko lang ang mukha nitong seryoso na nakatingin sa labas. Anong nangyari rito at bigla bigla na lang tong naging ganito?
Huminto na ang sasakyan sa isang jewelry shop na kinataka ko. Anong gagawin namin dito? Isa to sa sikat na jewelry shop dito sa Manila. Pinagbuksan na kami ng pinto ng bodyguard namin kaya bumaba na kaming dalawa.
"What are we doing here?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa loob ng shop pero hinawakan lang nito ang kamay ko at hinila na ako papasok.
Sinalubong naman kami ng dalawang staff pagkapasok namin ng may ngiti sa labi at binati kami. Nginitian ko na lamang ang mga ito samantalang itong kasama ko ay ang cold ng tingin sa kanila. Hinila ulit ako nito papunta sa kung saan.
"Ano ba! Hindi ako aso para hilahin mo." Inis kong bulong dito. Huminto naman ito at tiningnan ako kaya tiningnan ko ito ng masama.
"I can't wait to give you the most luxury ring in this shop." Hindi ko naman naintindihan ang sinabi nito sa akin at biglang binitawan ang kamay ko.
"Let's go?" Sabi nito sa akin at hinawakan ang bewang ko. Pumunta kami sa display cabinet at tiningnan ang bawat singsing. Bibili ba siya ng singsing?
"President Luca, as you can see this is the latest and luxury ring in our shop." Sabi nung isang staff pagkalapit namin sa isang display cabinet. Tiningnan ko ang presyo nito at napaubo na lamang ako sa sobrang mahal. 10 million?
Napansin ko namang pinakuha ni Luca ang singsing sa isang staff at binigay ito sa kaniya. Anong gagawin niya diyan? Tiningnan naman ako nito at kinuha ang kamay ko.
"From now on, you'll be wearing this ring." Seryosong sabi nito sa akin na kinabigla ko lalo na't bigla na lang niyang sinuot ang singsing sa kamay ko.
"Seryoso ka ba rito?" Tanong ko sa kaniya dahil mapapagastos siya ng sobra. 10 million para lang sa isang singsing?
"Yes!" Seryosong sagot nito sa akin at bigla na lang akong hinalikan sa noo ko. We are just pretending so why is he bothering to buy such a luxurious ring?
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]
RomanceSofie Reyes, a good looking and a hot secretary. She's also known for being a loyal and a good secretary to her boss. Simple lang ang buhay nila at isa siyang anak na mapagmahal sa kaniyang pamilya. Luca Villamayor, a cold hearted person. Only son o...