S E V E N

195 5 0
                                    

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pinagtitinginan din kami ng mga tao rito sa floor na to. Tiningnan ko naman si Luca na seryosong nakatingin sa harap. Napatingin ako sa labi niyang sobrang ganda. Omg! Totoo ba talaga yung nangyari kanina? Na--naghalikan kami sa loob elevator at pumayag ako? Nakakahiya! Feeling ko namumula na naman ang mukha ko.

"Stop staring." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Damn! Nakakahiya ka, Sofie. Come to your senses nga.

"Kapal mo ah. I--I'm not staring at you!" Geez! Bakit ba ako nauutal? Mapaghahalataan tuloy ako nito. Nabigla naman ako nang bigla itong pumunta sa harap ko.

"Really?" Ngising tanong nito sa akin. Damn! Bakit ang gwapo niya? Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at hindi na siya pinansin. Saan ba kasi kami pupunta?

"Let's go inside." Pagyaya nito sa akin at pumasok na sa isang silid. Shit! Ba--bakit ang daming tao? Nagsitayuan naman silang lahat at nagbow sa amin. Lahat sila nakatingin sa akin. Omg! Ano to?

"Just relax. Just go with the flow later." Bulong sa akin ni Luca na kinataka ko.

"What do you mean?" Bulong ko rin sa kaniya habang papunta kami sa mahabang mesa na puno ng mga tao.

"Pretend to be my fiancee." Napahinto ako sa paglalakad sa sinabi niya. Fiancee?

"Just go with the flow." Bulong nito sa akin at hinila na ako papunta sa upuan namin. Kinakabahan ako lalo na't lahat ng tao rito sa silid na to ay nakatingin sa akin na para bang sinusuri ako.

"I thought shes's your fiancee, where is her ring?" Taas kilay na tanong nung isang babae kay Luca. Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko. Oo nga, wala akong singsing na suot. Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Luca.

"Because she told me that she don't need a ring. She just want my heart." Nagulat na lamang ako sa sinagot niya at natawa ng kaonti. Kailan ako naging corny? Napansin ko namang nagsitanguan ang lahat sa sinabi niya.

Inirapan naman ako nung babaeng nagtanong sa kaniya. Feeling ko may gusto to kay Luca kaya ganiyan na lang siya makatingin sa akin. Tiningnan ko ang lahat ng taong kaharap namin ngayon at lahat nila ako pinagmamasdan.

"Hi everyone, I'm Sofie Reyes, Luca's fiancee!" Pagpapakilala ko sa kanila. Naramdaman ko naman ang kamay ni Luca sa legs ko. Fuck! Ano ba tong ginagawa niya? Tiningnan ko ito ng masama pero nginisihan lang ako nito.

"This meeting is adjourned." Sabi nito sa mga taong nandito sa loob habang nakatingin lang sa akin. Ganun lang? Akala ko naman mahirap ang gagawin ko sa pagpanggap bilang fiancee niya.

Nagsitayuan na ang mga taong nandito sa loob at nagbow na sa amin. Umiwas na rin ako ng tingin kay Luca dahil nakakahiya na lalo na't nasa harap kami ng maraming tao.

"They're gone!" Sabi nito sa akin habang nakangisi. Magsasalita na sana ako nang sunggaban niya ako ng halik. Fuck! Ano ba tong ginagawa niya? Paano kung may biglang pumasok dito? Nakakahiya.

"Te--teka lang!" Sabi ko rito at tinulak ito palayo sa akin. Nakatingin lang ito sa akin na para bang nagtataka kung bakit. Hindi tama tong ginagawa niya sa akin. Kinidnap niya ako tapos ganito ang ginagawa niya.

"A--ano ba talaga kailangan mo sa akin?" Lakas loob kong tanong sa kaniya. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito sa tanong ko at tumayo .

"I told you already." Ramdam ko ang coldness nito sa sagot niya pero lakas loob ulit akong nagtanong sa kaniya.

"Bakit mo ba ako pinakidnap? Bakit kailangang ako pa ang magpanggap bilang fiancee mo?" Tanong ko rito. Humarap ito sa akin and he gave me a death glare kaya napalunok ako ng laway dahil sa takot.

"Hindi mo tinanggap ang offer ko kaya ito ang consequences ng pagtanggi mo." Cold na sabi nito sa akin at lumapit sa akin.

"At lahat ng gusto ko ay gagawin mo whether you like it or not kung ayaw mong madamay ang mga mahal mo sa buhay." Gigil na sabi nito sa akin na kinagulat ko. Paanong... paano nadamay ang mga mahal ko sa buhay dito?

"Huwag na huwag mong idadamay ang mga mahal ko sa buhay dito. Ako lang ang kailangan mo, di ba? Kaya huwag mo silang idamay." Galit kong sabi rito pero ngumisi lang ito sa akin at iniwan ako. Nanghina naman ako pagkaalis niya at naluha. Huwag na huwag niyang idadamay ang mga mahal ko sa buhay sa kalokohan niya. Huwag na huwag!

Mahigit kalahating oras na akong nandito sa loob ng board room at nakapagdesisyon na ako. Hindi ko kayang may gawin siyang masama sa mga kaibigan ko at sa buong pamilya ko. Ito ang gusto niya, pwes ibibigay ko. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas ng board room at nadatnang may dalawang bodyguard na nakabantay dito sa labas.

"Nasaan ngayon ang boss niyo?" Seryoso kong tanong sa kanila. Ginayd na nila ako papunta sa kung saan. Pinagtitinginan naman ako ng mga empleyado pero hindi ko na sila pinansin. Pumasok kami sa elevator at pinindot na nila ang 100th floor, kasalukuyang nandito ako 80th floor. Nasa 150 floors kasi tong kompanya ng mga Villamayor.

Bumukas na ang elevator at ginayd na ulit ako ng dalawa papunta kay Luca. Mga ilan lang ang empleyado rito siguro dahil dito ang office ni Luca. Nakita naman ako ni Jessy kaya tumayo ito at nagbow sa akin. Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na ako sa office ni Luca at hindi na kumatok pa.

Nadatnan ko naman itong seryoso sa ginagawa niya. Lumapit na ako sa table niya at napansin ko naman na napahinto ito sa ginagawa niya. Napatingin ito sa akin na wala man lang ekspresyon sa mukha.

"What do you want me to do?" Taas kilay kong tanong sa kaniya pero blanko lang ang mukha niya. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"This." At bigla niya na lamang akong sinunggaban ng halik. Fuck! Don't tell me ito ang isa sa mga gusto niya? Itinulak ko ito ng mahina kaya napahinto ito sa paghalik niya sa akin.

"I--I can't do this. Wala akong experience sa ganito at vir---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya ulit ako sinunggaban ng halik. Wala na rin akong nagawa dahil awtomatikong pumayag ang katawan ko.

Halos maubusan na kami ng hininga dahil sa tagal ng halikan namin kaya napahinto na kami parehas. Nakatingin ito sa akin ng seryoso at ganun din ako. Wala na rin naman akong magagawa dahil nakapagdesisyon na ako at hindi ko alam kung bakit awtimatikong pumapayag ang katawan ko sa ginagawa niya sa akin.

"Let's go home." Pagyaya nito sa akin habang magkadikit pa rin ang mga noo namin. Humiwalay na ako sa kaniya at umiling.

"No. Marami ka pang ginagawa kaya tapusin mo muna na ang mga ginagawa mo." Sabi ko rito at umupo na sa sofa. Ramdam kong sinundan niya ako ng tingin pero hindi ko na lang ito nilingon.

"Pwede ko bang puntahan ang pamilya ko?" Tanong ko rito habang nakatingin ako sa magazine. Ilang segundo na rin at hindi ito sumasagot kaya lumingon na ako sa kaniya na kasalukuyang nakatingin pala sa akin.

"Please?" Pagmamakaawa ko rito without cuteness. Napansin ko namang napabuntong hininga ito at lumapit na sa akin.

"Papayagan kita pero..." Putol na sabi nito sa akin at umupo sa harap ko.

"Kasama ako." Nagulat naman ako sinabi niya. Sa--sasama siya?

I'M INLOVE WITH MY KIDNAPPER [on going]Where stories live. Discover now