Dulot na Sakit

74 4 0
                                    

May sugat man ako sa binti ko,
Hindi ko naman naramdaman ang sakit na dulot nito,
Sapagkat ang tanging nararamdaman ko  lamang? ang sakit at kirot sa aking puso,
Ang mga sugat sa katawan ay nag hihilom, pero sa puso? Ito'y malabo.

Ito'y gumaling man? Ito'y aabutin ng ilang taon,
At sa hinaba-haba ng panahon?
Doon pa lamang mag hihilom ang mga sugat na dulot mo sa mga nakalipas na taon,
Sa mga nakalipas taon, na wala syang ginawa kundi ang mag dasal sa mahal na poon.

Nag darasal na sana'y makalimutan na ang isang tulad mong manloloko,
Tulad mo na nagbigay ng labis labis na sakit sakanyang buong pagkatao.
Araw-araw siyang nag darasal na sana'y makalimutan na niya ang taong labis na nanakit sakaniya,
Ngunit hindi niya pala kaya.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon