Ang nararamdaman ko'ng ito'y sobrang sakit na,
Pero ang labi kong ito'y nakakangiti at nakakatawa pa.
Andali naman sanang mabuhay,
Pero may mga taong magiging dahilan para ang puso mo'y mamatay.Hirap na hirap na 'ko sa mundong 'to,
Palagay ko walang makakaintindi sa'kin kahit na sinong tao.
Sino pa nga bang makakaintindi sa'kin?
Kahit isa'y walang nagtatangkang lumapit sa akin.Halos lahat ng tao sa paligid ko'y walang kaalam-alam na ganito ang aking nadarama,
Di na nila maramdamang ako'y hirap na hirap na sa poot na aking dinadala.
Wala silang pakialam sakin dahil di naman ako mahalaga para sakanila,
Hindi ka naman kasi ako importante at hindi parte ng buhay na binuo nila.Kaya mo pa ba?
O sukong-suko ka na?
Nahihirapan ka na pero pinag papatuloy mo pa,
Para san nga ba?Wala naman na silang pakialam hindi ba?
Kaya wala na ding saysay ang buhay mo, tama ba?
Oo buhay ka nga, ngunit ang iyong pagkatao'patay na,
Patay na dahil sa kagagawan nila.Kaya wala ding saysay kung lalaban ka pa,
Sa labang alam mo namang simula palang ika'y talo na.
Sumuko ka na hangga't maaga pa,
Ang iyong sarili'y pinapahirapa't, sinasaktan mo na, kaya tama na!
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
PoetryFilipino-English This contains poems that I wrote before. It's all about, sadness, tiredness, disappointments and heartbreaks. It contains english and tagalog poetry. This is unedited please bear with me for typographical and grammatical errors. Enj...