Ang ating pinag samahan ay handa ko na nga bang kalimutan?
O mananatili itong pala isipan sa aking isipan.
Habang ikaw ay nakukuha mong tumawa at maging masaya,
Ako nama'y halos patayin na ng isiping ako'y iyong kinalimutan na.Bakit ako'y nagawa mong kalimutan sa kabila ng lahat ng ating pinag samahan?
Bakit nagawa mo akong ipagpalit sa taong hindi mo pa naman kilala ng lubusan?
Pasensya na ang puso't isipan ko'y sobrang napagod na,
Kailangan rin naman nitong mag pahinga.Napakaraming tanong na buma-bagabag sa aking isipan,
Ngunit kahit isa'y walang masagot kaya ako'y labis ng nahihirapan.
Hindi mo man lang ba naiisip at nararamdaman na ako ay nasasaktan?
Ika'y tuluyan na nga bang namanhid at wala ng maramdaman?

BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
ŞiirFilipino-English This contains poems that I wrote before. It's all about, sadness, tiredness, disappointments and heartbreaks. It contains english and tagalog poetry. This is unedited please bear with me for typographical and grammatical errors. Enj...