Pundidong Ilaw

92 4 0
                                    

Ang ilaw na malapit ng mapundi?
Dyan ko maihahambing ang aking sarili,
Ito'y bukas sindi nang bukas sindi
At mamatay lamang kapag tuluyan na ngang napundi,
Kapag nangyari iyon ito'y tuluyan na ngang mawawalan na ng silbi.

Babalewalain ng mga tao sa maikling panahon,
At papalitan ng bagong bersyon,
Bagong bersyon, na mas maganda at higit na mas makinang sakanya,
At sa panahong iyon? Tuluyan na nga na makakalimutan sya.

Itatapon sa basurahan,
Akala mo noo'y hindi napakinabangan,
Akala mo'y hindi nagbigay ng ilaw at kinang sa madalim mong nakaraan,
Kaya ngayong may bago ng nagbigay ng kinang, nagawa mo na siyang kalimutan.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon