Nakakapagod, nakakapagod din pala maging masaya,
Nakakapagod din palang ngumiti,
At ipakitang malakas ka.
Kahit na ang totoo'y kabaliktaran lang naman ng lahat ng pinapakita mo sa harap ng tao ang tunay na iyong nadarama,
Ang hirap palang mag panggap na ayos ka, na ayos lang ang lahat kahit na ang totoo'y nahihirapan ka na.Pagod na pagod na ko sa lahat ng bagay sa mundo,
Kulang nalang hilingin ko ng mabura dito.
Sapagkat hirap na hirap at wasak na wasak na ang tulad ko,
Pero pilit ko pa ding inaayos ang nasirang ako! Ang nasira kong pagkatao!Pilit kong kinukumpuni ang nasira at punit-punit na sarili ko,
Pilit kong pinagtatagpi-tagpi ang guray guray at wasak wasak kong pagkatao.
Ngunit nakaramdam na ko ng pagod, pagod na hudyat ng aking pagsuko,
Pag suko sa lahat ng bagay na aking pinaghirapan sa mahabang panahon pang lulumo.Napapagod din ako dahil isa lang akong tao! taong nasasaktan sa mga bagay na inyong nagawa ng di nyo nalalaman,
nasasaktan din ako ng di nyo alam ang dahilan at wala kayong alam sa lahat ng aking pinagdadaanan,
Sapagkat wala naman kayong pakialam sa nararamdaman ng inyong kapwa man o inyong kaibigan,
Dahil inyong binabalewala dahil abalang-abala kayo sa ibang bagay at sya'y inyong kinalimutan at iniwan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
PoesíaFilipino-English This contains poems that I wrote before. It's all about, sadness, tiredness, disappointments and heartbreaks. It contains english and tagalog poetry. This is unedited please bear with me for typographical and grammatical errors. Enj...