Lumalalim nanaman ang gabi,
Ako'y nakakaramdam nanaman ng pighati.
Tila ba hindi matapos-tapos ang kalungkutang ito,
Para bang kinukulong at nilalamon na ang aking buong pagkatao.Ako'y pupunta sa isang madilim na silid
Magmumukmok nalamang sa gilid.
Iiyak na lang ang lahat ng sakit,
Para bang ang binibigay na lamang ng mundong ito ay puro pasakit.Ako'y hapong-hapo na,
Mukang kailangan ko ng mag pahinga.
Ayoko na, hindi ko na kaya pa!
Ako'y susuko na.Ngunit sa aking pag suko,
Alam kong ang inyong mga mundo'y guguho.
Isa lamang ang nais ng aking puso,
Mangako kayo'ng magiging matatag at hindi manlulumo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
PoesíaFilipino-English This contains poems that I wrote before. It's all about, sadness, tiredness, disappointments and heartbreaks. It contains english and tagalog poetry. This is unedited please bear with me for typographical and grammatical errors. Enj...