Karpintero
"ARAAYYYYYY!!!!"
SHIT ANSAKET!!! HUHUHU Mabagsakan baga naman ako ng malaking kahoy.
Halos mapaiyak na ako sa sobrang sakit.
"Miss ayos ka lang ba?Sigaw ng lalaking nagkakarpintero mula sa taas na naggagawa ng bahay.
WHAT?! Ayos lang ba ang tingin niya sa akin - __ -
Dali dali siyang bumaba at pinuntahan ako. Hindi ko siya hinarap at patuloy pa din ako sa pag iiyak.
"Pasensya na Miss ha, di kasi kita napansin kaya ko naibagsak yung kahoy. Ang pandak mo kasi eh, akala ko duwende lang Ptff. Hahahaha"
POTA--- PANDAK?! At nakuha niya pa talagang tumawa ha.
Akmang sasampalin ko siya pero napatigil ako nang makita ko ang kaniyang mukha.
OMG! Ang gwapo niya. Parang siyang pinabatang version ni Dingdong Dantes.
May naisip akong magandang ideya. *Evil smile*
Patay ka sa akin ngayon.
"Hindi kita mapapatawad! Ipapakulong kita!"
"W-what! Huwag naman miss, maawa ka sakin. Ako nalang ang nagtatrabaho para sa pamilya ko."
"Wala akong paki."
"S-sorry na Miss. B-babayaran nalang kita, or kahit anong gusto mo ibibigay k-ko, huwag mo lang gawin 'yon Miss. Maawa ka na." Lumuhod siya sa harap ko.
"Sumama ka sa aming bahay."
Pumunta kami sa aming bahay at ikinuwento ko kay Mama ang plano ko.
__
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko! Pakasalan mo siya ngayon na!"
"P-po? P-pero..."
"Papakasalan mo ang anak ko o ipapakulong kita?"
"O-opo! P-papakasalan ko naman po talaga ang anak niyo eh."
H-huh? Papakasalan talaga? Anong ibig niyang sabihin?
"Matagal na po akong may gusto sa anak niyo. Sinadya ko po talagang ibagsak ang kahoy kanina para magpapansin sa kaniya. At nag success naman ang plano ko." nakangisi niyang sabi.
WHAAAAAAAAAAA!!!!!
BYE MOM! I'M GETTING MARRIED.
Wala na jowa jowa! Asawa ka agad.
Inggit ang nagbabasa neto. Bleehhh
BINABASA MO ANG
RANDOM STORIES (One Shot)
RandomOne shot! One shot bawat chapter. May nakakatawa, nakakaiyak, nakakagalit, nakakabaliw! Sari saring istorya na gawa ko. I hope you like it guys!😊