EARTHQUAKE
"Class, anong gagawin natin kapag may lindol?" tanong ni Sir.
Nagtaas naman ng kamay ang isa kong kaklase.
"Ms. Reyes."
"Pupunta po sa ilalim ng lamesa sir."
"Very good! Ikaw, Mr. Venteri?
"Magcocover po sa ulo para po maprotektahan!"
"Very good!"
TSK. Luma na ang mga 'yan! May alam akong mas magandang paraan.
Nagtaas din naman ako ng kamay.
"Yes, how about you? Ms. Nammy?"
Siguradong mapupuri ako.
HIHIHIHI
"Bubuhayin po ang ilaw Sir!" proud kong sagot.
Bigla naman siyang natigilan sa aking sinabi.
"At ano naman ang konek ng lindol sa ilaw?!"
"BWAHAHAHAHAHAHH!"
Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko.
WHATT?!
Bakit nila ako pinagtatawanan?
Huwag nilang sabihing hindi nila 'yon alam?
"A-ahhmmm... lumilindol po kasi tuwing gabi sa amin Sir. Sa kwarto po ng inay at itay ko. Tapos tuwing binubuksan ko po ang ilaw, nawawala po ang lindol." paliwanag ko.
Pero pinagtawanan uli ako ng mga kaklase ko.
WHAT THE HELL--
Ano bang nakakatawa? Nagsasabi lang naman ako ng tamang paraan!
"Ms. Nammy! Get out!"
SHIT!
May nasabi ba akong mali?
Nagsuggest lang ihh..
HUHUHUHU
BINABASA MO ANG
RANDOM STORIES (One Shot)
DiversosOne shot! One shot bawat chapter. May nakakatawa, nakakaiyak, nakakagalit, nakakabaliw! Sari saring istorya na gawa ko. I hope you like it guys!😊