CANDY
"MAMA, MAMA... GUSTO KO PA PONG CANDY."
"HINDI NA PWEDE BABY, NAKAILANG CANDY KA NA NGAYON?"
Napa-pout nalang ako sa kay Mama.
"LAST NA PO PLEASE... ISANG CANDY NALANG---"
"HINDI NA NGA PWEDE, SIGE KA MABUBULOK 'YANG NGIPIN MO."
Nagwalk out ako dahil sa sinabi niya.
Tahimik nalang akong umupo sa isang gilid. Nakakainis naman eh!
Gusto ko pang candy. HUHUHUHU
Ah... alam ko na!
Naisipan kong pumunta sa kwarto ni Kuya. Baka may tinatago siya na candy.
Inilibot ko ang aking paningin sa kaniyang kwarto pero wala akong nakita.
Ah... baka may tinatago siya sa kaniyang damitan?
Hinalungkat ko naman ang kaniyang damitan. Agad naman nagliwag ang aking mukha nang makakita ako ng maraming candies!
YEHEYYYY!!!
Binasa ko ang tatak. Medyo kakaiba yung tatak ng candy.
T-R-U-S-T
TRUST?
Ano yun? Baka galing abroad.
Di bale, baka masarap itong candy na ito. HIHIHIHIHI.
Kumuha ako ng sampung piraso at pumunta sa salas para doon ko buksan.
Nagbukas muna ako ng isa.
A-ano ito?
Agad naman akong nalungkot nang makita kong balloon lang pala ang laman neto.
Binuksan ko ang lahat ng plastic pero pare-parehas lang ang laman.
"WALANG CANDY!!! MAMAAAAAAAAA!"
HUHUHUHUH
Napahagulgol ako ng malakas kaya agad na dumating si Mama.
"OH BABY, WHAT'S WRO--- B-BAKIT KA MAY HAWAK NG MGA NIYAN?!"
"NAKUHA KO PO SA DAMITAN NI KUYA, AKALA KO PO KASI CANDY, BALLOON LANG PO PALA."
Nagpatuloy ako sa pag iyak.
"REYNALDO!" galit na tawag ni Mama kay kuya.
Napatulala ako nang makita ko na piningot ni Mama ang tenga ni Kuya.
Anong nangyari guys?
BINABASA MO ANG
RANDOM STORIES (One Shot)
De TodoOne shot! One shot bawat chapter. May nakakatawa, nakakaiyak, nakakagalit, nakakabaliw! Sari saring istorya na gawa ko. I hope you like it guys!😊