I'M A KILLER
"NAPATAY MOOOO!!"
Nanginginig ang kamay ko sa aking krimen na nagawa. Unting unting nagpatakan ang aking luha habang ang paningin ko ay nasa kamay kong may konting bakas ng dugo.
Nababalisa ako at kinakabahan. Siguradong makukulong ako kapag may nakaalam sa isang malaking krimen na nagawa ko. Nakapatay ako! Nakapatay ako ng hindi sinasadya. Hindi ko talaga sinasadya.
"B-bes maghugas ka na ng kamay."
Napailing ako."A-ayoko! Sasabihin ko sa pulis ang totoo!" napagulgol nalang ako. "Nagawa ko lang naman 'yon dahil--- dahil sa pananakit niya sa akin! Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya." hinawakan ko ang puso ko. "A-akala ko siya na ang the one ko pero nagkamali ako. Pagkatapos niya akong tikman, tinikman ka din niya! Tinikman ka niya kahit bestfriend kita. H-hindi ko naman alam bes na babaero siya. Malay mo hindi lang pala tayo ang natikman niya. Tinikman niya ang sandamakmak na babae. K-kaya... deserve niyang mamatay! Deserve niya yo----"
PAAAAAAKKK!
Napahawak ako sa ulo ko nang sapakin niya ako. Tiningnan ko siya mata sa mata. Mas lalo akong napahagulgol.
"S-sorry bess! Sorry bes...hindi ko sinasadya! Nagmahal lang naman ako. Susuko na ako sa mga pulis---"
"Gago ka talaga! Napakadrama mo eh napatay mo lang naman yung lamok! JUSKO, ganiyan ba talaga ang epekto ng walang jowa?"
Nahimasmasan ako sa sinabi niya. Nakapatay lang pala ako ng lamok na pagkatapos akong matikman, tinikman niya din bespren ko. Aba babaero nga talaga ang lamok na iyon.
"Jusko sa sobrang bored mo pati lamok ginagawa mong jowa." dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
RANDOM STORIES (One Shot)
CasualeOne shot! One shot bawat chapter. May nakakatawa, nakakaiyak, nakakagalit, nakakabaliw! Sari saring istorya na gawa ko. I hope you like it guys!😊