BOYFRIEND

15 1 0
                                    

BOYFRIEND

"Maaaamaaaaa!!! Huhuhuhuhu!"

"Oh, ano nanaman iniiyak mo dyan?"

"Y-yung b-boyfriend ko ma, iniwan ako."

3rd anniversary na namin ngayon ng bebe ko. Pero bigla niya nalang ako iniwan  nang walang dahilan.

"HUHUHUHUHU!!! Ansakit ng heart ko maaaaa!"

Tumakbo ako papunta sa kwarto.

Pero laking gulat ko nang makita ko yung boyfriend ko.

"B-babe..."

Niyakap ko siya at hinalikan gaya ng ginagawa ko palagi.

"B-bakit mo ako nagawang i-iwan?!"

Napahagulgol nalang ako sa sobrang sakit.

Binigay ko na ang lahat! Pati kaluluwa ko binigay ko na pero nagawa niya pa din akong iwan.

"B-bigyan mo ako ng rason!" pinagsususuntok ko siya sa dibdib.

Nanatili siyang tahimik kaya sinampal ko siya ng malakas.

"Sumagot ka! Sumagot kang t*ngina ka!"

Pero nananatili pa din siyang walang imik.

"A-anong kulang sa akin?! M-may nahanap k-ka na bang mas better?! Sumagot ka---- Aray!"

HUHUHUHU. Napahawak nalang ako sa ulo ko nang batuhin ako ni mama ng kaldero.

"Mama naman! Broken na nga ako, sinasaktan mo pa ako. HUHUHUHU."

Ampon ata ako.

"Nababaliw ka na talagang bata ka! Kinakausap mo nanaman yang poster ni Taehyung."

Ayyy, kaya pala siya hindi nagsasalita.

Poster lang pala ni Taehyung ang kinakausap ko.

HUHUHUHU

Wala pala akong jowa pati yung nagbabasa.

Apir!

RANDOM STORIES (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon