Pafall si Tanod
So ayon, ilang linggo na ang home quarantine.
Nabobored na ako kakagupit ng bitin na bangs kaya naisipan kong lumabas.
Mabuti nalang at nakatalikod yung nakabantay na tanod sa amin kaya mabilis akong nakalusot.
Yes!!! Makakagala na ako!
"HOY! Saan ka pupunta?"
Napatigil ako ng may tumawag sa akin.
WHAAAA! Yung tanod, nakita niya ako.
"D-dyan lang, g-gagala."
"Hindi pwede! Uwi!. Baka magkasakit ka!"
YIEEE concern siya sa akin.
Pero infairness ha, ang gwapo kaya ni kuyang tanod.
"Ayoko nga, nakakabored kaya sa bahay. Tsaka inaantay na ako ng kaibigan ko na si Boots. "
"Aba! Ang tigas ng ulo mo--"
Akmang hahawakan niya ako sa braso nang tumakbo ako papalayo.
Sobrang ganda ko talaga. Hinahabol ako ng tanod.
"Kapag nahuli kita, hindi na kita papakawalan!"
Luhh enebe pafall ka.
YiEEEEEE. KINIKILIGG AKO
So ayun dahil gwapo ang tanod, nagpahuli nalang ako sa kaniya.
Kaya heto ako ngayon sa barangay, inaantay ko yung magulang ko na susundo sa akin.
HUHUHUHU.
Ayan landi pa self
BINABASA MO ANG
RANDOM STORIES (One Shot)
De TodoOne shot! One shot bawat chapter. May nakakatawa, nakakaiyak, nakakagalit, nakakabaliw! Sari saring istorya na gawa ko. I hope you like it guys!😊