TAKE OUT

21 0 0
                                    

TAKE OUT

WHAAAAAAHHHH ang daming pagkain!

Birthday ngayon ng boyfriend kong si Natoy kaya invited ako sa kanila.

Ngayon din daw niya ako ipapakilala sa parents niya. 

So ayun, dahil patay gutom ako, pinuno ko yung pinggan ng pagkain.

WHAAAAA!!! Wait---

May shanghai!

Halaaa gusto ko nun! Favorite ko 'yun!

Tumingin muna ako sa paligid bago ako maglagay ng marami sa pinggan at kumuha pa ako ng marami para ilagay sa bulsa ko.

Halos bumukol ang bulsa ko dahil sa shanghai.

HIHIHIHI. Syempre dapat may take out ako!

___

"Babe! Ipapakilala na kita sa parents ko." sabi ng boyfriend ko habang kasama ang nanay at tatay niya.

Inayos ko naman naman ang sarili ko.

"Ma, pa. Si Giselle nga po pala, girlfriend ko."

Tumayo naman ako. "H-hi po, tito tita----"

Napatigil ako nang may biglang nahulog mula sa aking bulsa.

SHIT---

Yung shanghai....

Halos lahat ng bisita ay napatingin sa gawi namin.

"Oh iha, bakit may shanghai ka sa iyong bulsa?" tanong ni tito.

WHAAAAHHH! 

Nakakahiya!

"Kung gusto mong magtake out, pwede naman kitang ipaglagay sa plastic." natatawang sabi ni tita.

Lupa kainin mo na ako!!!

HUHUHUHU

Take out pa more self.

RANDOM STORIES (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon